Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 341

Setyembre 9, 2020

Ang iyong mga labi ay mas mabait kaysa sa mga kalapati nguni’t ang iyong puso ay mas masama kaysa sinaunang ahas, kahit ang iyong mga labi ay kasingganda ng isang taga-Lebanon na babae, nguni’t ang iyong puso ay hindi kasingbait niyaong sa mga taga-Lebanon na babae at ito ay tiyak na hindi maihahambing sa kagandahan ng mga Canaanita. Ang iyong puso ay napakamandaraya! Ang Aking kinasusuklaman ay hindi lamang ang mga labi ng di-matuwid at ang mga puso ng di-matuwid. Ang Aking mga kinakailangan sa mga tao ay hindi mas mataas kaysa sa mga banal, nakakaramdam lamang Ako ng pagkasuklam para sa masamang mga gawa ng di-matuwid at Ako ay umaasa na ang di-matuwid ay makakayang iwaksi ang kanilang karumihan at tumakas mula sa kanilang kasalukuyang mahirap na kalagayan upang sila ay maaaring maiba mula sa mga di-matuwid, at mamuhay at maging banal kasama yaong mga matuwid. Kayo ay nasa kapareho Kong kalagayan, nguni’t kayo ay nababalutan ng dumi, wala sa inyo kahit kaunting wangis ng mga tao na nilikha sa pasimula at dahil araw-araw inyong ginagaya ang wangis niyaong maruruming espiritu at inyong ginagawa ang kanilang ginagawa at sinasabi ang kanilang sinasabi, bawat bahagi ninyo at kahit ang inyong mga dila at mga labi ay nakalubog sa kanilang maruming tubig. Hanggang sa punto na kayo ay ganap na nababalutan ng mga mantsang iyon at wala kahit isang bahagi na maaaring magamit para sa Aking gawain. Lubhang nakakadurog ng puso! Kayo ay namumuhay sa ganoong mundo ng mga kabayo at baka gayunman kayo sa katunayan ay hindi naguguluhan; at kayo ay puno ng kagalakan at kayo ay namumuhay nang malaya at madali. Kayo ay lumalangoy sa paligid ng maruming tubig na ito nguni’t tunay na hindi alam na kayo ay nahuhulog tungo sa mga uring ito ng mga kalagayan. Bawat araw ikaw ay nakikisama sa maruruming espiritu at may pakikitungo sa “dumi ng tao.” Ang iyong buhay ay napakababa, gayunman hindi mo alam na ikaw ay walang-pasubaling hindi nananatiling buhay sa mundo ng tao at na ikaw ay wala sa loob ng iyong sariling paghawak. Hindi mo ba alam na ang iyong buhay ay matagal nang tinapakan ng maruruming espiritu, na ang iyong pagkatao ay matagal nang narumihan ng maruming tubig? Akala mo ba ikaw ay namumuhay sa panlupang paraiso, na ikaw ay nasa kalagitnaan ng kaligayahan? Hindi mo ba alam na ikaw ay namuhay ng isang buhay kasama ng maruruming espiritu, at na ikaw ay namuhay ng isang buhay na ang lahat ng mayroon sila ay naihanda para sa iyo? Paanong ang iyong pamumuhay ay magkakaroon ng anumang kahulugan? Paanong ang iyong buhay ay magkakaroon ng anumang kabuluhan? Ikaw ay naging abalang gumagawa para sa iyong maruming espiritung mga magulang, hanggang ngayon, gayunman hindi mo alam na yaong sumisilo sa iyo ay yaong maruruming espiritu, ang iyong mga magulang na nagsilang sa iyo at nagpalaki sa iyo. Higit pa rito, hindi mo alam na ang iyong karumihan sa katunayan ay ibinigay lahat nila sa iyo; ang alam mo lamang ay na mabibigyan ka nila ng “kasiyahan,” hindi ka nila kinakastigo, ni hinahatulan ka nila, at sa partikular ay hindi ka nila sinusumpa. Hindi pa sila kailanman bumulalas ng galit sa iyo, subali’t tinatrato ka nila nang magalang at may kabaitan. Ang kanilang mga salita ay nagpapalusog sa iyong puso at bumibihag sa iyo kaya ikaw ay nalilito at hindi ito natatanto, ikaw ay nahigop na at handang maglingkod sa kanila, maging kanilang labasan pati na rin kanilang lingkod. Ikaw ay wala man lamang mga karaingan, kundi handa kang magtrabaho para sa kanila na parang mga aso, parang mga kabayo; ikaw ay nadaya nila. Sa dahilang ito, ikaw ay walang pasubaling walang reaksyon sa gawaing Aking ginagawa—hindi kataka-takang lagi mong nais na palihim na kumawala sa Aking mga kamay, at hindi kataka-takang lagi mong nais gumamit ng matatamis na salita upang makapanggulang sa Aking pabor. Lumalabas na mayroon ka nang ibang plano, ibang pagsasaayos. Makikita mo ang kaunti sa Akin, ang mga pagkilos ng Makapangyarihan sa lahat, nguni’t hindi mo alam ang kahit kapiraso ng Aking paghatol at pagkastigo. Hindi mo alam kung kailan nagsimula ang Aking pagkastigo; ang alam mo lamang ay kung paano dayain Ako, nguni’t hindi mo alam na hindi Ko kinukunsinti ang paglabag ng tao. Yamang naitalaga mo na ang iyong determinasyon na paglingkuran Ako, hindi kita pakakawalan. Ako ay isang Diyos na namumuhi sa kasamaan, at Ako ay isang Diyos na naninibugho sa tao. Yamang nailagay mo na ang iyong mga salita sa altar, hindi Ko kukunsintihing lumayas ka sa harap ng Akin mismong mga mata, at hindi Ko kukunsintihin ang paglilingkod mo sa dalawang panginoon. Inakala mo ba na maaari kang magkaroon ng ibang pag-ibig matapos mong ilagay ang iyong mga salita sa Aking altar, matapos mong iharap ang mga iyon sa Aking mga mata? Paano ko mahahayaan ang mga tao na linlangin Ako sa ganyang paraan? Inakala mo ba na maaari kang basta na lamang gumawa ng mga taimtim na pangako, gumawa ng mga panata sa Akin gamit ang iyong dila? Paano kang manunumpa ng mga panata sa ngalan ng luklukan Ko, na Siyang Kataas-taasan? Inakala mo ba na ang iyong mga panata ay nakalipas na? Sinasabi Ko sa inyo, kahit na ang inyong mga laman ay lumipas, ang inyong mga panata ay hindi maaaring lumipas. Sa katapusan, uusigin Ko kayo batay sa inyong mga panata. Gayunman inyong inaakala na mailalagay ninyo ang inyong mga salita sa harapan Ko upang makayanan Ako at na ang inyong mga puso ay makapaglilingkod sa maruruming espiritu at masasamang espiritu. Paanong makukunsinti ng Aking poot yaong parang aso, parang baboy na mga taong nandaraya sa Akin? Dapat Kong isakatuparan ang Aking mga atas administratibo, at agawin mula sa mga kamay ng maruruming espiritu lahat niyaong mga matitigas at “relihiyosong” tao na sumasampalataya sa Akin upang maaari silang “magsilbi sa” Akin sa isang disiplinadong paraan, maging Aking baka, maging Aking kabayo at maging nasa ilalim ng pagsasaayos ng Aking pagkatay. Ipababalik Ko sa iyo ang dati mong determinasyon at papapaglingkurin kang muli sa Akin. Hindi Ko kukunsintihin ang sinuman sa nilikha na dayain Ako. Inakala mo bang maaari ka lang basta humiling at basta magsinungaling sa harap Ko? Inakala mo bang hindi Ko narinig o nakita ang iyong mga salita at gawa? Paanong ang iyong mga salita at gawa ay mawawala sa Aking paningin? Paano Ko mapapahintulutan ang mga tao na dayain Ako sa ganyang paraan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin