Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 331

Agosto 26, 2020

Matagal na ninyong kinalilimutan ang paulit-ulit Kong mga turo. Itinuturing pa ninyong laruan ang mga ito para sa inyong bakanteng oras, at lagi ninyong itinuturing ang mga ito na sarili ninyong “bantay na anting-anting.” Kapag inakusahan kayo ni Satanas, nagdarasal kayo; kapag negatibo kayo, natutulog kayo; kapag masaya kayo, takbo kayo nang takbo; kapag pinangangaralan Ko kayo, yumuyuko kayo at nagkakamot; at kapag iniiwan ninyo Ako, tumatawa kayo na parang baliw. Sa umpukan ng mga tao, walang ibang mas mataas kaysa sa iyo, ngunit hindi mo naisip kailanman na ikaw ang pinakamayabang sa lahat. Napakatayog mo palagi, kampante at mapagmataas. Paano magagawa ng gayong “mga binatilyo at dalagita” at “mga binata at dalaga” na walang alam at walang natututuhan kailanman na tratuhin ang Aking mga salita bilang isang napakahalagang yaman? Ngayon ay patuloy kitang tatanungin: Ano ba talaga ang natutuhan mo mula sa Aking mga salita at gawain sa loob ng napakahabang panahon? Hindi ka ba naging mas tuso sa iyong panlilinlang? Naging mas sopistikado sa iyong katawan? Mas nagwawalang-bahala sa iyong pagtingin sa Akin? Sasabihin Ko sa iyo nang diretsahan: Napakarami Kong nagawang gawain, subalit lalo ka nitong pinatapang, tapang na dati-rati ay kagaya lamang sa isang daga. Ang iyong takot sa Akin ay nababawasan bawat araw, sapagkat napakabait Ko, at hindi Ko kailanman pinarusahan ang iyong laman gamit ang karahasan; marahil, sa tingin mo ay nagbibitiw lang Ako ng mababagsik na salita—ngunit kadalasan ay nakangiti Ako sa iyo, at halos hindi kita pinuna nang harapan kailanman. Bukod pa riyan, lagi Kong pinatatawad ang iyong kahinaan, at dahil lamang dito kaya mo Ako tinatrato na tulad ng pagtrato ng ahas sa mabait na magsasaka. Malaki ang paghanga Ko sa galing, sa nagawa ng kapangyarihan ng tao na magmasid! Para sabihin Ko sa iyo ang totoo, ngayon ay hindi mahalaga kung may pagpipitagan ang iyong puso o wala. Hindi Ako kinakabahan o kaya’y nababalisa. Ngunit kailangan Ko ring sabihin ito sa iyo: Ikaw na “matalinong tao,” na mangmang at ayaw matuto, sa dakong huli ay ibabagsak ka ng sarili mong kasiyahan at katalasan ng isip—ikaw ang magdurusa at makakastigo. Hindi Ako hangal para samahan kang patuloy na magdusa sa impiyerno, sapagkat hindi Ako kauri mo. Huwag mong kalilimutan na ikaw ay isang nilikha na Aking sinumpa, subalit tinuruan at iniligtas Ko. Wala kang anumang para sa Akin na aayawan Kong bitawan. Tuwing Ako ay gumagawa, hindi Ako pinipigilan ng sinumang mga tao, anumang mga pangyayari, o mga bagay. Hindi pa rin nagbabago ang Aking mga pag-uugali at opinyon sa sangkatauhan: Hindi kita masyadong gusto, sapagkat dagdag ka lang sa Aking pamamahala, at wala namang mas mabuti tungkol sa iyo kumpara sa anupamang ibang bagay. Ang payo Ko sa iyo: Sa lahat ng oras, tandaan na isa ka lamang nilalang ng Diyos! Maaaring mabuhay ka sa piling Ko, ngunit dapat mong malaman ang iyong pagkakakilanlan; huwag mong ipalagay na napakataas mo. Kahit hindi Kita hinihiya o pinakikitunguhan, at hinaharap Kita nang may ngiti, hindi ito patunay na ikaw ay kauri Ko; dapat mong malaman na isa ka sa mga naghahangad na matamo ang katotohanan, hindi ang katotohanan mismo! Dapat ay hindi ka tumigil na magbago ayon sa Aking mga salita. Hindi mo ito matatakasan. Pinapayuhan kita na magsikap at matuto ng isang bagay sa napakagandang panahong ito, na dumarating ang bihirang pagkakataong ito. Huwag mo Akong lokohin; hindi mo Ako kailangang purihin para linlangin Ako. Kapag hinanap mo Ako, hindi iyon para lang sa Aking kapakanan, kundi para sa iyo!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger