Tagalog Christian Song | "Danasin ang Paghatol ng Diyos Upang Palayasin ang Impluwensiya ni Satanas"

Disyembre 12, 2023

I

Ang buhay ng tao ay nasasakop ni Satanas.

Nabubuhay sa katiwalian.

Walang may kayang lumaya mula kay Satanas.

Lahat ay nabubuhay nang marumi at walang saysay,

namumuhay nang basta-basta para sa laman at kay Satanas.

'Di makita'ng katotohanang magpapalaya mula kay Satanas,

maniwala man siya sa Diyos at magbasa man ng Biblia.

Noon pa man, ilan lang ang nakaunawa nitong lihim.

Kasuklaman man si Satanas at ang laman,

wala siyang takas sa kapit nito.

Tao'y bihag pa rin ng bitag ni Satanas.

Kung nais mong maperpekto,

unawain ang gawain ng Diyos

at halaga ng paghatol Niya sa tao.

Paghatol Niya't pagkastigo'y kaya mo bang tanggapin?

Karanasa't dunong ni Pedro kaya mo bang makamit?

Kung hinahangad mong makilala ang Diyos at gawain ng Banal na Espiritu,

kung disposisyon mo'y subukan mong baguhin,

may pagkakataon kang maperpekto.

II

Kung tao'y 'di nalinis, siya'y galing sa dumi.

Kung siya'y wala sa pangangalaga ng Diyos,

siya ay bihag ni Satanas.

Kung hindi siya maparusahan at hindi mahatulan,

siya'y walang takas sa kontrol ni Satanas.

Kailangan ng tao ang pangangalaga ng Diyos.

Kung isipan mo ay hindi pa nalinis,

ang mga ito ay hawak ni Satanas.

Kung isipan mo ay hindi pa nalinis,

kung disposisyon mo'y hindi pa nahatulan,

ang buo mong pagkatao'y kinokontrol ni Satanas.

Kung nais mong maperpekto,

unawain ang gawain ng Diyos

at halaga ng paghatol Niya sa tao.

Paghatol Niya't pagkastigo'y kaya mo bang tanggapin?

Karanasa't dunong ni Pedro kaya mo bang makamit?

Kung hinahangad mong makilala ang Diyos at gawain ng Banal na Espiritu,

kung disposisyon mo'y subukan mong baguhin,

may pagkakataon kang maperpekto.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin