Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 552

Oktubre 23, 2022

Mayroong mga pamantayang kailangang maabot kung ikaw ay gagawing perpekto. Sa pamamagitan ng iyong pagpapasya, ng iyong pagtitiyaga, at ng iyong konsensya, at sa pamamagitan ng iyong pagsisikap, makakaya mong maranasan ang buhay at mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ang iyong pagpasok, at ang mga ito ang mga kinakailangan sa landas tungo sa pagpeperpekto. Ang gawain ng pagpeperpekto ay maaaring magawa sa lahat ng tao. Ang sinumang naghahangad sa Diyos ay maaaring maperpekto at mayroong pagkakataon at mga kwalipikasyon na maperpekto. Walang tiyak na panuntunan dito. Ang pangunahing batayan kung mapeperpekto ang isang tao ay kung ano ang kanyang pinagsisikapan. Ang mga tao na umiibig sa katotohanan at nagagawang ipamuhay ang katotohanan ay tiyak na may kakayahang maperpekto. Ang mga tao na hindi umiibig sa katotohanan ay hindi pinupuri ng Diyos; sila ay hindi nagtataglay ng buhay na hinihingi ng Diyos, at hindi sila mapeperpekto. Ang gawain ng pagperpekto ay para lamang sa pagkakamit ng mga tao at hindi bahagi ng gawain ng pakikipaglaban kay Satanas; ang gawain ng paglupig ay para lamang sa pakikipaglaban kay Satanas, na nangangahulugang paggamit ng paglupig sa tao upang talunin si Satanas. Ang gawain ng paglupig ay ang pangunahing gawain, ang pinakabagong gawain, gawain na hindi pa kailanman nagawa sa lahat ng kapanahunan. Maaaring sabihin na ang pangunahing layunin ng yugtong ito ng gawain ay ang lupigin ang lahat ng tao nang sa gayon ay magapi si Satanas. Ang gawain ng pagperpekto ng mga tao—ito ay hindi bagong gawain. Ang diwa ng layunin ng lahat ng gawain habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao ay ang paglupig ng mga tao. Ito ay gaya ng sa Kapanahunan ng Biyaya kung kailan ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus ang pangunahing gawain. Ang “pagkamit sa mga tao” ay karagdagan sa gawain habang nasa katawang-tao at ginawa lamang pagkatapos ng pagpapapako sa krus. Nang dumating si Jesus at ginawa ang Kanyang gawain, ang Kanyang pangunahing layunin ay ang gamitin ang Kanyang pagkapako upang daigin ang pagkaalipin sa kamatayan at Hades, daigin ang impluwensya ni Satanas—na ibig sabihin ay talunin si Satanas. Pagkatapos lamang ng pagkapako ni Jesus lumakad si Pedro, nang paisa-isang hakbang, sa landas tungo sa pagpeperpekto. Siyempre kasama si Pedro sa mga sumunod kay Jesus habang gumagawa si Jesus, ngunit hindi siya naperpekto sa panahong iyon. Bagkus, noong natapos ni Jesus ang Kanyang gawain unti-unting naunawaan ni Pedro ang katotohanan at pagkatapos ay naging perpekto. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumarating sa lupa upang tapusin lamang ang isang pangunahin at mahalagang yugto ng gawain sa loob ng maikling panahon, hindi upang mamuhay nang matagal kasama ng mga tao sa lupa na may layunin na gawin silang perpekto. Hindi Niya ginagawa ang gawaing iyan. Hindi Siya naghihintay sa sandali kung kailan ang tao ay ganap nang naperpekto para tapusin ang Kanyang gawain. Hindi iyan ang layunin at kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Dumating lamang Siya para gawin ang pagliligtas ng sangkatauhan sa maikling panahon, hindi para gawin ang pangmatagalang gawain ng pagpeperpekto sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay kumakatawan at may kakayahang magpasimula ng isang bagong kapanahunan. Maaari itong matapos sa loob ng maikling panahon. Ngunit ang pagpeperpekto sa sangkatauhan ay nangangailangan ng pagtataas sa tao sa isang tiyak na antas; ang gawaing ito ay nangangailangan ng mahabang panahon. Ang gawaing ito ay kailangang gawin ng Espiritu ng Diyos, ngunit ito ay ginagawa sa saligan ng katotohanan na sinabi sa panahon ng gawain habang nasa katawang-tao. Isinasagawa rin ito sa pamamagitan ng pagtataguyod Niya ng mga apostol upang gumawa ng pangmatagalang gawain ng pag-aakay para makamit ang Kanyang layuning pagpeperpekto sa sangkatauhan. Hindi ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawaing ito. Nagsasalita lamang Siya tungkol sa daan ng buhay upang makaunawa ang mga tao, at binibigyan lamang Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, sa halip na patuloy na samahan ang tao sa pagsasagawa ng katotohanan, dahil iyan ay hindi kasama sa Kanyang ministeryo. Kung gayon, hindi Niya sasamahan ang tao hanggang sa araw na ang tao ay ganap nang nauunawaan ang katotohanan at ganap nang natatamo ang katotohanan. Ang Kanyang gawain habang nasa katawang-tao ay natatapos kapag ang tao ay pormal nang pumapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos at kapag ang tao ay tumatahak patungo sa tamang landas ng pagiging pinerpekto. Siyempre, ito rin ay kapag lubusan na Niyang natalo si Satanas at nadaig ang mundo. Hindi Niya pinakikialaman kung ang tao ay nakapasok na sa wakas sa katotohanan sa sandaling iyon, ni hindi Niya pinakikialaman kung ang buhay ng tao ay dakila o kaaba-aba. Wala riyan ang dapat Niyang pamahalaan habang nasa katawang-tao; walang anuman dito ang kasama sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling matapos Niya ang Kanyang hinahangad na gawin, tatapusin Niya ang Kanyang gawain habang nasa katawang-tao. Kaya, ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang gawain lamang na hindi maaaring gawin nang tuwiran ng Espiritu ng Diyos. Higit pa rito, ito ang pangmadaliang gawain ng pagliligtas, hindi isang pangmatagalang gawain na isasakatuparan Niya sa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger