Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 490

Oktubre 29, 2020

Sa kasalukuyan, maraming taong nasa gitna ng mga pagsubok at hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, ngunit sinasabi Ko sa iyo: Kung hindi mo ito nauunawaan, mas mabuti pang huwag mo itong husgahan. Marahil ay darating ang araw na lalabas ang buong katotohanan, at saka mo ito mauunawaan. Makakabuti sa iyo ang hindi manghusga, subalit hindi maaaring maghintay ka lamang nang walang kibo. Kailangan mong hangarin na aktibong makapasok; saka ka lamang tunay na makakapasok. Dahil sa kanilang pagkasuwail, laging nakakabuo ang mga tao ng mga pagkaintindi tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito ay kailangang matutuhan ng lahat ng tao kung paano maging masunurin, sapagkat ang praktikal na Diyos ay isang napakalaking pagsubok para sa sangkatauhan. Kung hindi mo kayang manindigan, tapos na ang lahat; kung wala kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos. Ang isang napakahalagang hakbang kung magagawang perpekto ang mga tao o hindi ay ang kanilang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos. Ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao na pumarito sa lupa ay isang pagsubok sa bawat tao; kung makakapanindigan ka tungkol dito, magiging isa kang tao na kilala ang Diyos, at magiging isa kang tao na tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung hindi ka makapanindigan tungkol dito, at sa Espiritu ka lamang naniniwala at hindi mo kayang maniwala sa pagiging praktikal ng Diyos, gaano man kalaki ang iyong pananampalataya sa Diyos, mawawalan iyan ng silbi. Kung hindi mo kayang maniwala sa Diyos na nakikita, kaya mo bang maniwala sa Espiritu ng Diyos? Hindi ba tinatangka mo lamang na lokohin ang Diyos? Hindi ka masunurin sa harap ng nakikita at nahihipong Diyos, kaya may kakayahan ka bang magpasakop sa harap ng Espiritu? Ang Espiritu ay hindi nakikita at hindi nahihipo, kaya kapag sinabi mong nagpapasakop ka sa Espiritu ng Diyos, hindi ba kalokohan lamang ang sinasabi mo? Ang susi sa pagsunod sa mga kautusan ay ang pagkakaroon ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos, magagawa mo nang sundin ang mga kautusan. May dalawang bahagi ang pagsunod sa mga ito: Ang isa ay pagkapit sa diwa ng Kanyang Espiritu, at sa harap ng Espiritu, pagtanggap sa pagsusuri ng Espiritu; ang isa pa ay pagkakaroon ng tunay na pagkaunawa sa nagkatawang-taong laman, at tunay na pagpapasakop. Sa harap man ng katawang-tao o sa harap ng Espiritu, kailangang palaging magpasakop at magpitagan ang isang tao sa Diyos. Ganitong tao lamang ang karapat-dapat na gawing perpekto. Kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos—ibig sabihin, kung nakapanindigan ka na sa pagsubok na ito—walang anumang magiging mahirap para sa iyo.

Sabi ng ilang tao, “Madaling sundin ang mga kautusan; kailangan mo lamang magsalita nang deretsahan at tapat sa harap ng Diyos, at huwag kang magkukumpas; ito ang ibig sabihin ng sundin ang mga kautusan.” Tama ba iyon? Kaya, kung gagawa ka ng ilang bagay habang nakatalikod ang Diyos na laban sa Kanya, maituturing bang pagsunod iyon sa mga kautusan? Kailangan mong maunawaan nang lubusan kung ano ang kailangan sa pagsunod sa mga kautusan. May kaugnayan ito sa kung mayroon o wala kang tunay na pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos; kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal at hindi ka nadarapa at nahuhulog habang nagdaraan sa pagsubok na ito, maituturing kang nagtataglay ng matatag na patotoo. Ang pagbabahagi ng isang matunog na patotoo para sa Diyos una sa lahat ay may kaugnayan sa kung mayroon o wala kang pagkaunawa sa praktikal na Diyos, at kung nagagawa mong magpasakop o hindi sa harap ng taong ito na hindi lamang karaniwan, kundi normal, at magpasakop kahit hanggang kamatayan. Kung ikaw, sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito, ay tunay na nagpapatotoo para sa Diyos, ibig sabihin niyan ay naangkin ka ng Diyos. Kung makakapagpasakop ka hanggang kamatayan, at sa Kanyang harapan, wala ka nang mga reklamo, hindi ka nanghuhusga, hindi ka naninirang-puri, wala kang anumang mga pagkaintindi, at wala kang anumang mga lihim na motibo, sa ganitong paraan ay magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Ang pagpapasakop sa harap ng isang karaniwang tao na hinahamak ng tao, at nagagawang magpasakop hanggang kamatayan nang walang anumang mga pagkaintindi—ito ay tunay na patotoo. Ang realidad na kinakailangan ng Diyos na pasukin ng mga tao ay na nagagawa mong sundin ang Kanyang mga salita, isagawa ang mga ito, yumuko sa harap ng praktikal na Diyos at alamin ang sarili mong katiwalian, buksan ang iyong puso sa Kanyang harapan, at, sa bandang huli, maangkin Niya sa pamamagitan ng mga salita Niyang ito. Nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos kapag nilulupig ka ng mga pahayag na ito at nahihikayat kang lubos na sumunod sa Kanya; sa pamamagitan nito, hinihiya Niya si Satanas at kinukumpleto ang Kanyang gawain. Kapag wala kang anumang mga pagkaintindi tungkol sa pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao—ibig sabihin, kapag nakapanindigan ka sa pagsubok na ito—mahusay mong naibahagi ang patotoong ito. Kung dumating ang araw na magkaroon ka ng lubos na pagkaunawa sa praktikal na Diyos at kaya mong magpasakop hanggang kamatayan kagaya ni Pedro, maaangkin ka ng Diyos at magagawa ka Niyang perpekto. Aumang ginagawa ng Diyos na hindi nakaayon sa iyong mga pagkaintindi ay isang pagsubok para sa iyo. Kung ang gawain ng Diyos ay nakaayon sa iyong mga pagkaintindi, hindi ka na kailangang magdusa o mapino. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay napaka-praktikal at hindi nakaayon sa iyong mga pagkaintindi kaya kailangan mong pakawalan ang mga pagkaintinding iyon. Kaya nga ito ay isang pagsubok para sa iyo. Dahil sa pagiging praktikal ng Diyos kaya lahat ng tao ay nasa gitna ng mga pagsubok; ang Kanyang gawain ay praktikal, hindi higit sa karaniwan. Sa pamamagitan ng lubos na pag-unawa sa Kanyang praktikal na mga salita at Kanyang praktikal na mga pahayag nang walang anumang mga pagkaintindi, at sa tunay na pagmamahal sa Kanya lalo pang lumalago ang Kanyang gawain, maaangkin ka Niya. Ang grupo ng mga tao na maaangkin ng Diyos ay yaong mga nakakikilala sa Diyos; ibig sabihin, yaong mga nakakaalam sa Kanyang pagiging praktikal. Bukod pa riyan, sila yaong mga nagagawang magpasakop sa praktikal na gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger