Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 465

Agosto 29, 2020

Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo ba ang tunay na layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit hindi sa Aking kaluwalhatian o hindi makita sa iyo ang Aking patotoo, matagal Ko nang itinakwil ka kung gayon. Para sa mga alam ang lahat ng ito, higit pa silang mga tinik sa Aking mata at sa Aking tahanan, mga katitisuran lamang sila. Mga panirang damo sila na dapat ganap na tahipin palabas ng Aking gawain, nang walang bahagyang tungkulin at walang anumang timbang; matagal Ko na silang kinasusuklaman. At para sa mga walang patotoo, walang katapusan ang Aking galit sa kanila, at hindi kailanman lumilihis ang tungkod sa kanila. Matagal Ko na silang inihabilin sa mga kamay ng masama, at wala silang kahit anong pagpapala mula sa Akin. Sa araw na iyon, ang kanilang kaparusahan ay mas mahapdi pa kaysa sa mga hangal na babae. Ginagawa Ko na lang ngayon ang tungkulin na Aking dapat gampanan; itatali Ko ang lahat ng trigo sa bigkis, kasama ang mga panirang damo. Ito na ngayon ang Aking gawain. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka sisimulan Kong magtahip upang ibunyag Ko ang katapusan ng lahat ng tao. Kaya dapat mong malaman kung paano Ako bigyang-kasiyahan ngayon at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang Aking hinihingi ngayon ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo alam sa panahong ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong dalhin sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat ninyong malaman, na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay namamalagi sa loob ng katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang katibayan sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo para sa Akin, maging tapat sa Akin at wala nang iba, at maging masunurin hanggang sa katapusan. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka sasaksi para sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang lahat ng iyong katapatan sa iyong mga tungkulin o ikaw ba ay basta susuko na lang? Mas nais mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak) o lumisan sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kakastiguhin kita upang sumaksi sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Gayundin, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral bilang walang kabuluhang buhangin. Alam mo ba kung ano eksakto ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Gumawa na Ako ng gayong kalawak na gawain; paano Ko ito wawasakin? Sa katunayan, naparito Ako upang dalhin ang panahong ito sa pagwawakas. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na sisimulan Ko ang isang bagong panahon, upang simulan ang bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay upang simulan ang isang kapanahunan lamang, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpalaganap ng ebanghelyo at magdadala sa panahon ng pagwawakas sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi pangkaraniwan tulad ng naiisip mo, ni hindi rin ito walang halaga at walang kahulugan na maaari mong pinaniniwalaan. Samakatuwid, sinasabi Ko sa iyo tulad ng dati: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Bilang karagdagan, ang iyong pagsaksi para sa Akin ay ang matagal Ko nang hinihintay, at mas higit Kong hinahangad para iyo ang palaganapin ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger