Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 464

Setyembre 4, 2020

Ang tao ay may pananampalataya sa Akin ngunit hindi maaaring sumaksi saksi para sa Akin, at bago Ko ipinakilala ang Aking sarili, ang tao ay hindi maaaring magpatotoo para sa Akin. Nakikita lamang ng tao na nahihigitan Ko ang mga nilikha at lahat ng mga banal na tao, at nakikitang hindi kayang gawin ng tao ang gawaing ginagawa Ko. Samakatuwid, mula sa mga Judio hanggang sa mga tao ng kasalukuyang panahon, ang sinumang nakakita ng Aking maluwalhating gawa ay napupuno ng isang pagkamausisa tungo sa Akin, bagaman walang bibig ng nag-iisang nilikha ang maaaring sumaksi sa Akin. Tanging ang Aking Ama ang sumaksi sa Akin; gumawa Siya ng landas para sa Akin sa gitna ng lahat ng nilalang. Kung hindi, kahit na papaano Ako gumawa, hindi kailanman malalaman ng tao na Ako ang Panginoon ng sangnilikha, dahil alam lamang ng tao ang kumuha, at wala man lamang pananampalataya sa Akin dahil sa Aking gawa. Kilala lamang Ako ng tao dahil wala Akong kasalanan at walang iba pang bahagi ang makasalanan, dahil naipapaliwanag Ko ang napakaraming misteryo, dahil nakahihigit Ako sa karamihang tao, o dahil nakapakinabang nang malaki sa Akin ang tao. Ngunit kaunti ang mga taong naniniwalang Ako ang Panginoon ng sangnilikha. Kaya sinasabi Ko na hindi alam ng tao kung bakit siya may pananampalataya sa Akin; hindi niya alam ang layunin o kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin. Ang realidad ng tao ay kapos, kung saan siya ay talagang halos hindi karapat-dapat sumaksi sa Akin. Masyadong maliit ang tunay ninyong pananampalataya at masyadong maliit ang natamo, kaya masyadong maliit ang inyong patotoo. At gayundin, masyadong maliit ang inyong nauunawaan at masyadong malaki ang kakulangan, kung saan halos hindi kayo karapat-dapat sumaksi sa Aking mga gawa. Katanggap-tanggap naman talaga ang inyong panukala, ngunit nakatitiyak ba kayo na magagawa ninyong sumaksi nang matagumpay sa diwa ng Diyos? Ang naranasan at nakita ninyo ay nalampasan pa ang mga dating santo at propeta, ngunit kaya ninyo kayang magbigay ng patotoo nang higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Kung saan ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay nalampasan si Moises at mas higit kay David, gayon din hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay mas higit pa kaysa kay David. Sandaang beses Ako kung magbigay sa inyo, hinihiling Ko sa inyong ibalik sa Akin ang ganoon din. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ay ang inyong tungkulin, na Aking ipinadala para sa inyo at kung saan nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at ipinagkaloob sa inyo ang buhay ng piniling bayan, ang mga Israelita, na hindi kailanman tumanggap. Ayon sa karapatan, dapat na sumaksi kayo para sa Akin, at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkakalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ang siyang magiging saksi sa Akin at ibibigay ang kanyang buhay para sa Akin. Matagal na itong naitalaga. Maganda ninyong kapalaran na ipagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay ang magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung naniniwala kayo sa Akin upang makakuha lamang ng mabuting kapalaran, walang magiging gaanong kabuluhan ang Aking gawain kung gayon, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. Nakita lamang ng mga Israelita ang Aking awa, pag-ibig, at kadakilaan, at nasaksihan lamang ng mga Judio ang Aking pagtitiyaga at pagtubos. Nakita lamang nila ang napakakaunting gawa ng Aking Espiritu; maaaring ang antas ng pagkaunawa nila ay pawang katiting nang narinig at nakita ninyo. Nahigitan pa ng nakita ninyo kahit ang mga pinunong saserdote sa gitna nila. Sa araw na ito, ang katotohanan na inyong naunawaan ay nalampasan ang sa kanila; kung ano ang nakita ninyo sa araw na ito ay nalampasan ang nakita sa Kapanahunan ng Kautusan, pati na rin ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung ano ang inyong naranasan ay nalampasan kahit na sina Moises at Elias. Ang naunawaan lamang ng mga Israelita ay ang batas ni Jehova at ang nakita nila ay ang likuran lamang ni Jehova; ang naunawaan lamang ng mga Judio ay ang pagtubos ni Jesus, ang tinanggap nila ay ang biyaya lamang na ipinagkaloob ni Jesus, at ang nakita nila ay ang imahe lamang ni Jesus sa loob ng tahanan ng mga Judio. Ang nakikita ninyo sa araw na ito ay ang kaluwalhatian ni Jehova, ang pagtubos ni Jesus at ang lahat ng Aking mga gawa sa araw na ito. Narinig ninyo na rin ang mga salita ng Aking Espiritu, pinahalagahan ang Aking karunungan, nasaksihan ang Aking himala, at natutunan ang Aking disposisyon. Sinabi Ko rin sa inyo ang lahat ng Aking plano sa pamamahala. Ang nasaksihan ninyo ay hindi lamang isang mapagmahal at maawaing Diyos, ngunit isang Diyos na puspos ng pagkamatuwid. Nakita ninyo ang Aking nakamamanghang gawain at nalaman ninyong puno Ako nang masidhing galit at kamahalan. Higit pa rito, batid ninyo na minsan Akong nagdala ng Aking nag-aalab na poot sa sambahayan ng Israel, at sa araw na ito, nakarating ito sa inyo. Naunawaan ninyo nang higit pa ang Aking misteryo sa langit kaysa kay Isaias pati na rin kay Juan; alam ninyo nang higit pa ang aking pagka-maibigin at pagkakagalang-galang kaysa sa lahat ng mga banal ng nakaraang henerasyon. Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, ang Aking buhay, ngunit pati ang pangitain at pagbubunyag na mas higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit pang maraming misteryo at nasaksihan din ang Aking tunay na anyo; tinanggap ninyo nang higit pa ang Aking paghatol at nalaman nang higit pa ang Aking matuwid na disposisyon. Kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pag-unawa ay para sa nakaraan at nakalipas; naranasan ninyo rin kung ano ang araw na ito, at gayon ang naisagawa ng Aking kamay. Makatuwiran ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat ibinigay Ko sa inyo ang higit na marami at higit ang nakita ninyo mula sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong sumaksi para sa Akin gaya ng ginawa ng mga banal noong una, at ito lamang ang nais ng Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger