Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 432

Oktubre 8, 2020

Ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay hindi ganoon katayog. Kung maglalaan ang mga tao ng kaunting pagsisikap, sila ay makatatanggap ng isang “pasadong marka.” Ang totoo, ang pagkaunawa, pagkilala, at pagkaintindi sa katotohanan ay mas masalimuot kaysa sa pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagkilala at pag-intindi sa katotohanan ay dumarating pagkatapos ng pagsasagawa muna ng katotohanan. Ito ang hakbang at ang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu. Paanong hindi mo sinusunod ito? Magagawa mo bang taglayin ang gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay sa paraan mo? Gumagawa ba ang Banal na Espiritu ayon sa iyong kasiyahan, o batay sa iyong mga pagkukulang ayon sa mga salita ng Diyos? Wala itong kabuluhan kung hindi mo ito makikita nang malinaw. Bakit ba gumugugol ang karamihan sa mga tao ng maraming pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, ngunit pagkatapos ay taglay lamang ang kaalaman at walang masasabing anuman tungkol sa isang totoong landas? Iniisip mo ba na ang pagkakaroon ng kaalaman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan? Hindi ba iyon isang litong pananaw? Nakakapangusap ka ng maraming kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, datapwa’t wala sa mga ito ang naglalaman ng anumang tunay na landas. Sa ganito, hindi mo ba niloloko ang mga tao? Hindi ka ba gumagawa ng hungkag na palabas na walang anumang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganyang asal ay nakapipinsala sa mga tao! Mas mataas ang teorya, mas walang-wala itong realidad, at mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad; mas mataas ang teorya, mas ginagawa ka nitong lumaban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tratuhin ang pinakamatatayog na teorya tulad ng mahalagang kayamanan; sila ay mapaminsala at walang silbi! Marahil may ilang tao na kayang makapagsalita sa pinakamatatayog na teorya—ngunit ang mga ganoong teorya ay hindi naglalaman ng realidad, sapagkat ang mga taong ito ay hindi personal na nakaranas sa kanila, at sa gayon wala silang landas sa pagsasagawa. Ang mga ganoong tao ay walang kakayahang dalhin ang tao sa tamang daanan, at ihahantong lamang ang mga tao na maligaw. Hindi ba ito nakapipinsala sa mga tao? Sa pinakamababa, dapat mong makayanang lutasin ang kasalukuyang mga gulo at hayaan ang mga tao na makamit ang pagpasok; ito lamang ang maituturing bilang debosyon, at tanging sa gayon ikaw ay magiging kwalipikadong gumawa para sa Diyos. Huwag palaging nangungusap ng mararangya, mabulaklak na mga salita, at huwag itali ang mga tao at gawin silang sumunod sa iyo kasama ang iyong maraming hindi-angkop na mga pagsasagawa. Ang magsagawa ng ganoon ay walang epekto, at maaari lamang makadagdag sa pagkalito ng mga tao. Ang pangunahan ang mga tao sa ganitong paraan ay makapagdudulot ng maraming piraso ng regulasyon, na kung saan gagawin ang mga tao na kasuklaman ka. Ito ay pagkukulang ng tao, at ito ay tunay na kahiya-hiya. Kaya, higit pang magsalita tungkol sa mga suliranin na umiiral sa ngayon. Huwag ituring ang mga karanasan ng mga tao bilang pribadong pag-aari at ilabas ito para pahalagahan ng iba. Dapat kayong magkanya-kanya sa paghahanap ng daan palabas. Ito ang dapat isagawa ng bawat tao.

Kung ang iyong ibinabahagi ay makapagbibigay sa mga tao ng isang landas na lalakaran, kung gayon nangangahulugan iyon sa iyo ng pagkakaroon ng realidad. Maging anuman ang iyong sasabihin, dapat mong madala ang mga tao sa pagsasagawa at bigyan silang lahat ng isang landas na lalakaran. Hindi lamang ito tungkol sa paggawa nito upang magkaroon ng kaalaman ang mga tao, ngunit higit na mahalaga, ito ay tungkol sa pagkakaroon ng landas na lalakaran. Upang ang mga tao ay maniwala sa Diyos, dapat nilang lakaran ang landas na pinangungunahan ng Diyos sa Kanyang gawain. Iyon ay, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng paglakad sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Kaya nga, dapat kang magkaroon ng isang landas na lalakaran mo anuman ang mangyari, at dapat kang lumakad sa landas ng pinagiging-perpekto ng Diyos. Huwag kang masyadong magpahuli, at huwag mong alalahanin ang napakaraming bagay. Kung lalakaran mo ang landas na pinangungunahan ng Diyos nang hindi nagdudulot ng mga pag-antala saka mo lamang matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at tataglayin ang landas ng pagpasok. Tanging ito ang ibinibilang na karapat-dapat sa mga layunin ng Diyos at pagsasakatuparan sa tungkulin ng tao. Bilang isang indibidwal sa daloy na ito, dapat tuparin nang maayos ng bawat tao ang kanilang tungkulin, gumawa ng mas marami sa kung ano ang dapat ginagawa ng mga tao, at huwag kumilos nang sinasadya. Dapat gawing malinaw ng mga taong nagpapatupad ng gawain ang kanilang mga salita, dapat lalong magtuon ang mga taong sumusunod sa pagbabata ng kahirapan at sa pagsunod, dapat manatili ang bawat tao sa kanilang lugar at huwag lalabis sa nararapat. Dapat maging malinaw sa puso ng bawat tao kung paano sila dapat magsagawa at kung anong gampanin ang dapat nilang tuparin. Tahakin ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu; huwag maliligaw o magkakamali. Dapat ninyong makita nang malinaw ang gawain sa kasalukuyan. Ang pagpasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan ang siyang dapat ninyong isagawa. Ito ang unang bagay na dapat ninyong pasukin. Huwag nang magsayang pa ng anumang mga salita sa ibang mga bagay. Ang paggawa sa gawain ng tahanan ng Diyos sa kasalukuyan ay inyong pananagutan, ang pagpasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan ay inyong tungkulin, at ang pagsasagawa sa katotohanan sa kasalukuyan ay inyong pasanin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger