Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 422

Setyembre 30, 2020

Ang gawain at salita ng Diyos ay naglalayong magsanhi ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang mithiin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipaalam sa inyo ang Kanyang gawain at salita. Hindi iyon sapat. Ikaw ay isang taong may kakayahang umunawa, kaya hindi ka dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, dahil karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao, at napakalinaw Niyang magsalita. Halimbawa, kayang-kaya mong malaman ang nais ipaunawa at ipasagawa sa inyo ng Diyos; ito ay isang bagay na dapat kayang gawin ng isang taong may kakayahang umunawa. Sa partikular, ang mga salitang sinasambit ng Diyos sa kasalukuyang yugto ay napakaliwanag at napakalinaw, at itinuturo ng Diyos ang maraming hindi pa naisaalang-alang ng mga tao, gayundin ang lahat ng uri ng kalagayan ng tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, at kasingliwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, nauunawaan ng mga tao ang maraming isyu, ngunit may kulang pa rin—ang pagsasagawa ng mga tao sa Kanyang salita. Kailangang maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanang nang detalyado, at tuklasin at hangarin ito nang mas detalyado, sa halip na basta maghintay na tanggapin kung ano ang ibigay sa kanila; kung hindi ay nagiging mga palaasa lang sila sa iba. Alam nila ang salita ng Diyos, subalit hindi nila ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan at sa huli ay aalisin. Para maging katulad ng isang Pedro sa dekada 90, nangangahulugan ito na bawat isa sa inyo ay dapat isagawa ang salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit at higit pang tulong sa sarili ninyong buhay. Kung marami na kayong nabasa sa salita ng Diyos ngunit nauunawaan lamang ninyo ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na mga karanasan, hindi mo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, kundi mga titik lamang na walang buhay. At kung ang ipamumuhay mo ay mga titik lamang na walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni mauunawaan ang Kanyang kalooban. Kapag naranasan mo na ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan, saka lamang kusang mahahayag sa iyo ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng karanasan mo mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan at mabubuksan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging naunawaan mo ay mga hungkag na titik at doktrina lamang, na naging mga tuntuning pangrelihiyon na sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung isinasagawa at nararanasan ninyo ang salita ng Diyos, nagiging praktikal ito sa inyo; kung hindi ninyo hinahangad isagawa ito, hihigit lang nang kaunti sa alamat ng ikatlong langit ang salita ng Diyos para sa iyo. Sa katunayan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang pagiging nakamit Niya, o para mas maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at ang maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; ganyan ang realidad sa likod ng inyong paniniwala sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa sa buhay na walang hanggan nang hindi naghahangad na isagawa ang salita ng Diyos bilang isang bagay na nasa inyong kalooban, kayo ay hangal. Magiging para itong pagpunta sa isang piging at pagtingin lamang sa pagkain at pagsasaulo kung alin ang masarap nang hindi man lamang tinitikman ang alinman dito. Hindi ba hangal ang gayong tao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger