Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 387

Abril 29, 2021

Sa kanilang gawain, kailangang bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa ng iglesia ang dalawang bagay: Ang isa ay ang gawing ganap ang kanilang gawain ayon sa mga prinsipyong nakasaad sa mga pagsasaayos ng gawain, nang hindi kailanman nilalabag ang mga prinsipyong iyon at hindi ibinabatay ang kanilang gawain sa anumang maaari nilang mailarawan sa isip o sa alinman sa mga sarili nilang pag-iisip. Sa lahat ng ginagawa nila, dapat silang magpakita ng malasakit sa gawain ng tahanan ng Diyos, at laging unahin ang kapakanan nito. Isang bagay pa—at ito ang pinakamahalaga—iyon ay sa lahat ng bagay, dapat silang magtuon sa pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at gawin ang lahat nang mahigpit na sinusunod ang mga salita ng Diyos. Kung nakakaya mo pa ring salungatin ang patnubay ng Banal na Espiritu, o kung nagmamatigas mo pa ring sinusunod ang mga sarili mong pag-iisip at ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili mong imahinasyon, ang mga kilos mo ang bubuo sa pinakamatinding paglaban sa Diyos. Walang patutunguhan ang madalas mong pagtalikod sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung maiwala mo ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo na magagawang magtrabaho; at kahit pa magawa mong makapagtrabaho kahit paano, wala kang matatapos. Ito ang dalawang pangunahing prinsipyong dapat sundin habang gumagawa: Ang isa ay ang isagawa ang gawain nang ganap na naaayon sa mga pagsasaayos mula sa Itaas, gayundin ang kumilos ayon sa mga prinsipyong naitakda ng nasa Itaas; ang isa pa ay ang sundin sa iyong kalooban ang patnubay ng Banal na Espiritu. Sa sandaling maunawaan mo ang dalawang puntong ito, hindi ka na manganganib na makagawa ng mga pagkakamali. Para sa inyo na limitado pa ang karanasan sa larangang ito, labis na nahahaluan ng sarili ninyong mga ideya ang inyong gawain. Paminsan-minsan, maaaring hindi ninyo maunawaan ang kaliwanagan o patnubay sa inyong kalooban na nagmumula sa Banal na Espiritu; sa ibang mga pagkakataon, tila nauunawaan ninyo ito, ngunit malamang na balewalain ninyo ito. Lagi kang naglalarawan sa isip o naghihinuha sa paraan ng tao, kumikilos ayon sa inaakala mong naaangkop, nang hindi man lamang isinasaalang-alang ang mga layon ng Banal na Espiritu. Ginagawa mo ang iyong gawain ayon lamang sa sarili mong mga ideya, isinaisantabi ang anumang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Madalas mangyari ang gayong mga sitwasyon. Ang patnubay ng Banal na Espiritu sa iyong kalooban ay hindi man lamang higit sa normal; sa katunayan, normal na normal ito. Ibig sabihin, sa kaibuturan ng iyong puso, alam mo na ito ang angkop na paraan ng pagkilos, at ito ang pinakamainam na paraan. Talagang malinaw rin naman ang kaisipang ito; hindi ito nagmula sa iyong mga pagninilay, bagkus ay isang uri ng damdaming ibinangon mo mula sa kaibuturan, at kung minsan ay hindi mo lubos na nauunawaan kung ano ang nagtutulak sa iyo na kumilos sa ganitong paraan. Ito kadalasan ay walang iba kundi kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, at ganito ito karaniwang nangyayari sa karamihan ng mga tao. Kadalasang nagmumula sa pag-iisip at pagsasaalang-alang ang mga sariling ideya ng isang tao, at nahahaluang lahat ng kusang-loob, mga ideya kung anong mga larangan ang mayroon na kasusumpungan ng isang tao ng kapakinabangan para sa kanyang sarili, at kung anong mga kalamangan mayroon ang isang bagay para sa sarili nito; nagtataglay ng ganitong mga bagay ang bawat pagpapasya ng tao. Gayunman, ang patnubay ng Banal na Espiritu ay hindi naglalaman sa anumang paraan ng gayong mga paghahalo. Mahalagang magbigay ng masusing pansin sa patnubay o kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu; lalo na sa mahahalagang usapin, kailangan mong mag-ingat para maintindihan iyon. Ang mga taong ibig gamitin ang kanilang utak, at ibig kumilos ayon sa sarili nilang mga ideya, ang sadyang higit na nanganganib malampasan ng gayong patnubay o kaliwanagan. Ang mga lider at manggagawang may kasapatan ay nagtutuon ng pansin sa gawain ng Banal na Espiritu. Yaong mga sumusunod sa Banal na Espiritu ay may takot sa Diyos at walang-kapagurang naghahanap sa katotohanan. Upang mapalugod ang Diyos at maayos na magpatotoo para sa Kanya, dapat siyasatin ng isang tao ang kanyang gawain para sa mga sangkap ng paghahalo at mga layon, at pagkatapos ay subukang tingnan kung gaanong gawain ang naganyak ng mga ideya ng tao, gaano ang umusbong mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at gaano ang umaalinsunod sa mga salita ng Diyos. Kailangan mong palagiang suriin, at sa lahat ng pagkakataon, ang iyong mga salita at gawa. Ang makapagsagawa nang madalas sa ganitong paraan ay maglalagay sa iyo sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos. Mahalagang magtaglay ng maraming katotohanan upang matamo ang paglilingkod sa Diyos sa isang paraang umaayon sa Kanyang mga layon. May kakayahan ang mga tao na makahiwatig pagkaraan lamang nilang maunawaan ang katotohanan at magawang makilala ang lumilitaw mula sa sarili nilang mga ideya at mga bagay na tumutukoy kung ano ang gumaganyak sa kanila. Nagagawa nilang tukuyin ang mga karumihan ng tao, gayundin kung ano ang ibig sabihin ng kumilos ayon sa katotohanan. Saka lamang nila malalaman kung paano magpasakop nang higit na dalisay. Kung walang katotohanan, imposibleng makahiwatig ang mga tao. Ang isang taong naguguluhan ay maaaring maniwala sa Diyos sa kabuuan ng kanyang buhay nang hindi nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng mahayag ang sarili niyang katiwalian o kung ano ang ibig sabihin ng labanan ang Diyos, dahil hindi niya nauunawaan ang katotohanan; na hindi man lamang umiiral ang ideyang iyon sa kanyang isipan. Ang katotohanan ay hindi kayang abutin ng mga taong napakababa ng kakayahan; gaano mo man sila bahaginan tungkol dito, hindi pa rin nila ito nauunawaan. Magulo ang isip ng gayong mga tao. Sa kanilang pananampalataya, ang mga taong naguguluhan ay hindi makapagpapatotoo sa Diyos; makakagawa lamang sila ng kaunting paglilingkod. Upang matupad ang gawaing ipinagkakatiwala ng Diyos, mahalagang maintindihan ang dalawang prinsipyong ito. Dapat mahigpit na sumunod ang isang tao sa mga pagsasaayos sa gawain mula sa Itaas, at dapat magtuon ng pansin sa pagsunod sa anumang patnubay mula sa Banal na Espiritu. Kapag naintindihan ang dalawang prinsipyong ito, saka lamang magiging mabisa ang gawain ng isang tao at malulugod ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin