Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 381

Abril 25, 2021

Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng natatanging diin sa paggawi sa kanilang paniniwala sa Diyos, na ang nagiging resulta ay ang pagkakaroon ng ilang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Pagkaraan nilang magsimulang maniwala sa Diyos, tumitigil sila sa pakikipaglaban sa iba, panlalait at pakikipag-away sa mga tao, paninigarilyo at pag-inom, at pagnanakaw ng anumang pag-aaring publiko—isang pako man ito o isang tabla ng kahoy—at umaabot pa nga sila sa hindi pagdulog sa hukuman kapag sila ay dumaranas ng pagkalugi o ginagawan ng mali. Walang duda, sadya silang sumasailalim sa ilang mga pagbabago sa pag-uugali. Sapagkat, sa sandaling maniwala sila sa Diyos, ang pagtanggap sa tunay na daan ay sadyang nakapagdudulot sa kanila ng mabuting pakiramdam, at dahil natikman na rin nila ngayon ang biyaya ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay talagang taimtim, at walang kahit anuman ang hindi nila makakayang talikuran o pagdusahan. Gayunman, pagkaraang makapaniwala sa loob ng tatlo, lima, sampu, o tatlumpung taon, sapagkat walang naging pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, nauwi sila sa pagbabalik sa dating mga gawi; lalong lumilitaw ang kanilang kayabangan at kapalaluan, nagsisimula silang makipagpaligsahan para sa kapangyarihan at pakinabang, pinag-iimbutan nila ang salapi ng iglesia, ginagawa nila ang anumang bagay na nagsisilbi sa kanilang sariling kapakinabangan, naghahangad sila ng katayuan at mga kaaliwan, at nagiging palaasa sila sa tahanan ng Diyos. Lalo na, tinatalikdan ng mga tao ang karamihan sa mga yaong nagsisilbi bilang mga pinuno. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago lang sa ugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga disposisyon sa buhay ng mga tao, hindi magtatagal, magpapakita ang kanilang masasamang bahagi. Sapagka’t ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, napakadali para sa kanila na maging maalab o magpakita ng pansamantalang kabaitan. Kagaya ng sinasabi ng mga hindi mananampalataya, “Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting gawa nang buong buhay nila. Ang ugali ng isang tao ay idinidikta ng buhay; anuman ang kanyang buhay, gayundin ang kanyang ugali, at yaon lamang likas na ibinubunyag ang kumakatawan sa buhay, pati na sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi magtatagal. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang iligtas ang tao, hindi upang palamutian ang tao ng mabuting paggawi—ang layunin ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling ipanganak na bagong mga tao. Kaya naman, ang paghatol ng Diyos, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng tao ay lahat nagsisilbi para baguhin ang kanyang disposisyon, para maaari niyang matamo ang ganap na pagpapasakop at debosyon sa Diyos, at magawang normal na sambahin ang Diyos. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa ugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang ugali ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na nagpasakop na siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay panandaliang ilusyon lamang, pagpapakita lamang ang mga ito ng sigasig. Hindi maibibilang na pagpapahayag ng buhay ang mga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin