Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 380
Abril 25, 2021
Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng tahanan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng tahanan ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, mababaw ang iyong karanasan, o hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi maging napakaganda ng mga resulta–nguni’t naibuhos mo na ang iyong buong pagsisikap. Kapag hindi mo iniisip ang iyong mga makasariling paghahangad o isinasaalang-alang ang iyong mga pansariling interes sa mga bagay na ginagawa mo, at sa halip ay nagbibigay ng palagiang pagsasaalang-alang sa gawain ng tahanan ng Diyos, taglay sa isip ang mga kapakanan nito, at ginagampanan nang mahusay ang iyong tungkulin, makakaipon ka, kung gayon, ng mabubuting gawa sa harap ng Diyos. Ang mga taong gumaganap sa mabubuting gawang ito ay yaong mga may angking katotohanang realidad; sa gayon, mayroon silang patotoo. Kung lagi kang namumuhay ayon sa laman, laging binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad, kung gayon ay walang angking buhay realidad ang mga ganoong tao; ito ang tatak ng pagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Sinasabi mo, “Wala naman akong anumang ginagawa; paano ko nadadalhan ng kahihiyan ang Diyos?” Sa iyong mga kaisipan at ideya, sa mga intensiyon, layunin at motibo sa likod ng iyong mga pagkilos, at sa mga kinahihinatnan ng mga nagawa mo na—sa bawat paraan na binibigyang-kasiyahan mo si Satanas, pagiging katatawanan nito, at hinahayaan itong makakuha ng masamang kaalaman tungkol sa iyo. Malayong may taglay kang patotoo na dapat mayroon ka bilang isang Kristiyano. Dinudungisan mo ang pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi ka nagtataglay ng tunay na patotoo. Maaalala ba ng Diyos ang mga bagay na nagawa mo na? Sa huli, anong konklusyon ang mabubuo ng Diyos tungkol sa iyong mga kilos at sa tungkulin na iyong ginampanan? Hindi ba’t dapat may kalabasan iyan, isang uri ng pahayag? Sa Biblia, sinasabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus? Bakit naging tagagawa ng masama ang mga nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoon, yaong mga naglalakbay para mangaral sa ngalan ng Panginoon? Sino ang mga tagagawa ng masama na ito? Sila ba ang mga yaong hindi naniniwala sa Diyos? Lahat sila ay naniniwala at sumusunod sa Diyos. Tinatalikdan din nila ang mga bagay para sa Diyos, ginugugol ang mga sarili para sa Diyos, at tinutupad ang kanilang tungkulin. Gayunman, sa pagganap ng kanilang tungkulin, kulang sila sa debosyon at patotoo, kaya nauwi na ito sa paggawa ng masama. Ito ang dahilan kaya sinasabi ng Panginoong Jesus, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”
Ano ang pamantayan kung paano hinuhusgahan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay mo o hindi, sa iyong mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda na ikaw ay isang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi sumasaksi sa Diyos, ni pinapahiya o tinatalo ng mga ito si Satanas; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang ipinahihiwatig ng “para sa iyong sariling kapakanan”? Para kay Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa; sa halip, naging masama ang iyong asal. Hindi ka gagantimpalaan at hindi ka aalalahanin ng Diyos. Hindi ba ito ganap na walang kabuluhan? Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa katotohanang realidad, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitawan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, karangalan, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng bahay ng Diyos—ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin. Dapat mo munang isaalang-alang ang mga interes ng bahay ng Diyos, isaalang-alang ang mga sariling interes ng Diyos, at isaalang-alang ang Kanyang gawain, at unahin ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali nang kaunti kapag hinahati-hati ninyo ito sa mga hakbang na ito at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung gagawin mo ito sandali, madarama mo na hindi mahirap bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, kung kaya mong tuparin ang iyong mga responsibilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at tungkulin, isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, isantabi ang sarili mong mga layon at motibo, mayroon kang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at inuuna mo ang mga interes Niya at ng Kanyang sambahayan, kung gayon pagkaraang danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na maganda ang ganitong pamumuhay. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, nang hindi nagiging isang hamak at walang-silbing tao, at pamumuhay na makatarungan at marangal kaysa pagiging makitid ang utak o salbahe. Madarama mo na ganyan dapat mamuhay at kumilos ang isang tao. Unti-unti, mababawasan ang hangarin sa puso mo na bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video