Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 378

Abril 25, 2021

Kung nais mong isagawa ang katotohanan, at kung nais mo na maunawaan ito, dapat mo munang maunawaan ang diwa ng mga hinaharap mong hirap at ang mga bagay na nagaganap sa iyong paligid, kung ano ang mga suliranin sa mga usaping ito, gayundin kung anong aspekto ng katotohanan ang nauugnay sa mga ito. Dapat mong hanapin ang mga bagay na ito, at, pagkaraan, dapat mong hanapin ang katotohanan batay sa mga aktwal mong hirap. Sa ganyang paraan, habang unti-unti kang nagkakamit ng karanasan, magagawa mong makita ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay na nangyayari sa iyo, gayundin sa kung ano ang nais Niyang gawin at ang mga resulta na nais Niyang makamit sa iyo. Marahil ay hindi mo kailanman nararamdaman na ang anumang nangyayari sa iyo ay nakakabit sa paniniwala sa Diyos at sa katotohanan, at sinasabi na lamang sa sarili mo, “May sarili akong paraan ng pakikitungo rito; hindi ko kailangan ang katotohanan o ang mga salita ng Diyos. Kapag dumadalo ako sa mga pagtitipon, o kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, o kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin, sisiyasatin ko ang aking sarili laban sa katotohanan at laban sa mga salita ng Diyos.” Kung ang mga pang-araw-araw na bagay na nagaganap sa buhay mo—mga bagay na may kinalaman sa pamilya, gawain, pag-aasawa, at kinabukasan mo—kung nararamdaman mong ang iba’t ibang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa katotohanan, at nilulutas mo ang mga ito gamit ang mga pantaong kaparaanan, kung ito ang paraan mo ng karanasan, kung gayon ay hindi mo matatamo ang katotohanan; hindi mo mauunawaan kung ano lamang ang ninanais ng Diyos na gawin sa iyo o ang mga resulta na nais Niyang matamo. Ang pagtataguyod sa katotohanan ay isang mahabang proseso. May payak na bahagi rito, at may masalimuot na bahagi rin. Sa madaling salita, dapat nating hanapin ang katotohanan at gawin at danasin ang mga salita ng Diyos sa lahat nang nagaganap sa ating paligid. Minsang masimulan mong gawin ito, lalo at lalo mong makikita kung gaanong katotohanan ang dapat mong matamo at itaguyod sa iyong paniniwala sa Diyos, at ang katotohanan ay sadyang tunay at katotohanan ang buhay. Hindi totoong tanging yaong mga naglilingkod sa Diyos at sa mga pinuno ng iglesia ang kinakailangang gawin ang lahat-lahat ayon sa katotohanan, habang ang mga karaniwang tagasunod ay hindi; kung ganoon, walang magiging malaking kabuluhan sa mga salitang ipinahahayag ng Diyos. May isang landas ka na ba ngayon upang hangarin ang katotohanan? Anong unang bagay na dapat tugunan kapag hinahangad ang katotohanan? Bago ang lahat, dapat kang gumugol ng higit na panahon sa pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos at pakikinig sa mga pagsasalamuha. Kapag may nakaharap kang isang usapin, magdasal at higit na maghangad pa. Kapag nasangkapan na ninyo ang inyong mga sarili ng maraming mga katotohanan, at natamo na ang pagpasok sa buhay, at nagtataglay ng tayog, magagawa ninyong gawin ang isang bagay na tunay, idaos ang isang maliit na gawain, at sa gayon ay magagawang lusutan ang ilang mga pagsubok at mga tukso. Sa oras na iyon, mararamdaman ninyong talagang naunawaan na at nakamit na ninyo ang ilang mga katotohanan, at madarama ninyo na ang mga salitang sinasabi ng Diyos ay kung ano ang kailangan ng mga tao, gayundin ang kung ano ang dapat nilang makamit, at na ito ang tanging katotohanan sa daigdig na makapagbibigay ng buhay sa mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Paghahangad sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahangad Nito

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin