Tagalog Christian Song With Lyrics | "May Tunay Ka Bang Pagmamahal para sa Diyos?"

Abril 4, 2022

I

Kung mahal mo'ng Diyos para sa kapakanan ng laman o kasiyahan,

pag-ibig mo'y maaaring aabot sa rurok na wala ka nang hihingin pa,

ngunit hanap mo pa rin ay pag-ibig na may bahid na hindi nais ng Diyos.

Yaong mahal lang ang Diyos upang punan ang bagot na buhay at puso ay

ang mga uring hayok sa madaling buhay,

'di yaong hanap ay tunay na pag-ibig sa Diyos.

Gan'tong pag-ibig ay pilit, paghahanap na mapasaya'ng isip.

'Di iyon kailangan ng Diyos.

Anong klase ang pag-ibig mo? Bakit mahal mo ang Diyos?

Ga'no kalaki'ng tunay na pag-ibig sa Diyos ang nasa loob mo ngayon?

II

Karamihan sa inyo'y may uri ng pag-ibig na tinatanggihan ng Diyos.

Gan'tong pag-ibig ay 'di kayang magtagal, ni kayang mag-ugat ito,

tulad ng bulaklak na namumukadkad at nalalanta nang 'di namumunga.

Kung minahal mo na ang Diyos tulad nito at kung walang

nag-aakay sa 'yo sa landas sa unahan, ika'y malulugmok.

Kung mahal mo'ng Diyos sa sandaling ito,

ngunit 'di binabago'ng disposisyon ng buhay mo,

'di ka makakawala kay Satanas.

Walang sinuman tulad nito'ng ganap na makakamit ng Diyos;

siguradong sila'y magiging kay Satanas, sa katawan, kaluluwa't espiritu.

III

Yaong 'di makakamit ng Diyos

ay babalik sa kung sa'n sila galing,

pababa sa lawa ng apoy

upang tanggapin ang parusa ng Diyos.

Yaong nakamit ng Diyos ay yaong

tinatalikdan at tinatakasan si Satanas.

Sila'y opisyal na kabilang

sa yaong nasa kaharian.

Ang mga tao sa kaharian ay ganito binubuo.

Handa ka bang maging ganitong klase ng tao?

Ikaw ba ay handang makamit ng Diyos?

Tumakas kay Satanas at bumalik sa Diyos?

Pag-aari ka ba ni Satanas, o ika'y kabilang ba

sa mga tao ng kaharian?

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger