Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 601
Setyembre 23, 2020
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing masama ni Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang masamang disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa mundo nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang masamang sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa lupa. Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na suwail sa Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video