Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 594
Setyembre 23, 2020
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video