Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 592
Oktubre 8, 2020
Kapag nakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa, ang buong mga puwersa ni Satanas ay magagapos, at ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay ay hindi magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong sosyal, magulong relasyong pangsambahayan…, ang mga ito ay totoong nakaaabala, masyadong masakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa oras na malupig ang tao, ang kanyang puso at kaisipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang sa Diyos at ng pusong umiibig sa Diyos. Sa oras na lahat silang nasa loob ng mundo na naghahangad na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa oras na matalo si Satanas, at sa oras na si Satanas—lahat ng mga puwersa ng kadiliman—ay nagapos na, sa gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi maligalig, makapamumuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at walang mga suliranin ng laman, sa gayon ito ay magiging madali. Ang mga ugnayan sa laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napalalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa iyong karaniwang sambahayan, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa sinuman. Wala nang bubuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang kanyang pagdurusa. Ang pamumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng isang anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay lalong magiging parang anghel. Ito ang panghuling pangako, ito ang huling pangako na ipagkakaloob sa tao. Sa kasalukuyan ang tao ay sumasailalim sa pagkastigo at paghatol; iniisip mo ba na ang karanasan ng tao sa gayong mga bagay ay walang kabuluhan? Maaari ba na ang gawain ng pagkastigo at paghatol ay isasagawa nang walang dahilan? Nasabi na noong nakaraan na upang kastiguhin at hatulan ang tao ilalagay siya sa napakalalim na balon, ibig sabihin ang pag-aalis ng kanyang kapalaran at mga inaasam. Ito ay para sa kapakanan ng isang bagay: ang paglilinis sa tao. Ang tao ay hindi inilalagay sa napakalalim na balon nang sadya, at pagkatapos ay tatalikuran siya ng Diyos. Sa halip, ito ay upang makitungo sa paghihimagsik na nasa loob ng tao, upang sa katapusan ang mga bagay na nasa loob ng tao ay malinis, upang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos, at maging gaya ng isang banal na tao. Kapag ito ay nagawa, sa gayon ang lahat ay makakamit. Sa katunayan, kapag ang mga bagay na nasa loob ng tao na kailangang tuusin ay natuos, at ang tao ay nakapagdala ng matunog na patotoo, si Satanas ay matatalo rin, at kahit na magkaroon man ng kaunti sa mga bagay na iyon na dati nang nasa loob ng tao na hindi lubos na nalinis, sa oras na matalo si Satanas, hindi na ito magiging sanhi ng gulo, at sa oras na iyon ang tao ay nalinis na nang lubos. Ang tao ay hindi pa kailanman nakaranas ng gayong buhay, ngunit kapag natalo si Satanas, ang lahat ay maisasaayos at yaong mga walang kwentang bagay sa loob ng tao ay malulutas; lahat ng iba pang mga gulo ay matatapos sa oras na ang pangunahing suliranin ay malutas. Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, nang Kanyang personal na isagawa ang Kanyang gawain sa tao, ang lahat ng gawain na Kanyang isinasagawa ay nang upang matalo si Satanas, at matatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at pagpapasakdal sa inyo. Kapag kayo ay naglahad ng matunog na patotoo, ito, gayundin, magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nalupig at sa huli lubos na ginawang perpekto nang upang matalo si Satanas. Sa diwa, gayunman, kasama ng pagkatalo ni Satanas ito ang sabay-sabay na pagkaligtas sa lahat ng sangkatauhan mula rito sa malalim na dagat ng kalungkutan. Hindi alintana kung ang gawain mang ito ay isasakatuparan sa buong mundo o sa Tsina, ito lahat ay upang matalo si Satanas at madala ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Alam mo, ang normal na katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng katawang-taong Diyos ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa kanilang lahat sa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa lahat ng sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang kaibuturan ng lahat ng gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang madala ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan. Bakit, sa dinami-dami nitong gawain, lagi na lamang sinasabi na maglahad kayo ng patotoo? At kanino patungkol ang patotoo na ito? Hindi ba ito nakadirekta kay Satanas? Ang patotoo na ito ay ginagawa sa Diyos, at ito ay ginagawa upang magpatotoo na nakamit na ang resulta ng gawain ng Diyos. Ang pagpapatotoo ay may kinalaman sa gawain sa pagtalo kay Satanas; kung wala lamang ang digmaan kay Satanas, kung gayon ay hindi na kailangang magpatotoo ng tao. Ito ay dahil kailangang matalo si Satanas, kaalinsabay ng pagliligtas sa tao, iniuutos ng Diyos na magpatotoo sa Kanya ang tao sa harapan ni Satanas, na siyang ginagamit Niya upang iligtas ang tao at makipaglaban kay Satanas. Bilang resulta, ang tao ay parehong sa layunin ng kaligtasan at kasangkapan sa pagkatalo ni Satanas, at kaya ang tao ay nasa sentro ng gawain sa kabuuang pamamahala ng Diyos, at si Satanas ay ang layunin lamang ng pagkawasak, ang kalaban. Maaaring maramdaman mo na wala kang nagawa, ngunit dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon, ang pagpapatotoo ay nailahad na, at ang patotoong ito ay patungkol kay Satanas at hindi ginawa para sa tao. Ang tao ay hindi angkop upang masiyahan sa gayong patotoo. Papaano niya mauunawaan ang gawain na ginawa ng Diyos? Ang layon ng laban ng Diyos ay si Satanas; ang tao, samantala, ay ang tanging layunin ng kaligtasan. Nasa tao ang tiwaling disposisyon ni Satanas, at walang kakayahan na maunawaan ang gawaing ito. Ito ay dahil sa katiwalian ni Satanas. Ito ay hindi likas na nasa loob ng tao, ngunit idinirekta ni Satanas. Ngayon, ang pangunahing gawain ng Diyos ay upang matalo si Satanas, iyon ay, upang ganap na lupigin ang tao, nang sa gayon ay makapaglahad ng huling patotoo ang tao sa Diyos sa harapan ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang lahat ng bagay ay matatapos. Sa maraming mga kaso, sa iyong mata lamang ay mukhang walang nangyaring anuman, ngunit sa katotohanan, ang gawain ay naganap na. Kinakailangan ng tao na ang lahat ng gawain sa pagiging ganap ay malinaw, ngunit hindi gagawing malinaw sa iyo, natapos Ko na ang Aking gawain, dahil si Satanas ay sumuko, ibig sabihin ito ay lubos na natalo, na nadaig si Satanas ng lahat ng karunungan, kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ito ang eksaktong patotoo na dapat mailahad, at bagaman wala itong malinaw na pagpapahayag sa tao, bagaman hindi ito makikita na gamit ang mata lamang, si Satanas ay natalo na. Ang kabuuan ng gawaing ito ay dinirekta laban kay Satanas, at isasakatuparan dahil sa digmaan kay Satanas. At kaya, maraming mga bagay ang hindi nakikita ng tao bilang matagumpay, ngunit ito’y, sa mga mata ng Diyos, matagal nang matagumpay. Isa ito sa mga panloob na katotohanan sa lahat ng gawain ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video