Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 589
Hulyo 27, 2020
Nilalayon ng Lumikha na isaayos ang lahat ng mga nilikha. Hindi mo dapat iwaksi o suwayin ang alinman sa Kanyang ginagawa, ni hindi ka dapat maging mapaghimagsik tungo sa Kanya. Sa huli ay matatamo ng gawain na Kanyang isinasagawa ang Kanyang mga layunin, at sa ganito matatamo Niya ang kaluwalhatian. Ngayon, bakit hindi nasasabi na ikaw ay mga inapo ni Moab, o ang anak ng ang malaking pulang dragon? Bakit walang usapan tungkol sa mga hinirang, at usapan lang tungkol sa mga nilikha? Ang nilikha—ito ang orihinal na tawag sa tao, at ito ay kanyang likas na pagkakakilanlan. Ang mga pangalan ay nagkakaiba lang sapagkat ang mga panahon at mga yugto ng gawain ay magkaiba; sa katunayan, ang tao ay isang ordinaryong nilikha. Ang lahat ng mga nilikha, maging sila man ang pinakatiwali o pinakabanal, ay dapat gumanap sa tungkulin ng isang nilikha. Kapag isinasagawa na Niya ang gawain ng panlulupig, hindi ka kokontrolin ng Diyos gamit ang iyong mga inaasam, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang layunin ng gawain ng panlulupig ay upang maisakatuparan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin siya sa Maylalang, at pagkatapos lamang nito siya maaaring pumasok sa kamangha-manghang hantungan. Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginagawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung maaari mong malaman ang iyong sariling mga inaasam, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa bang isang nilikha? Sa madaling sabi, sa papaano mang paraan gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Ipagpalagay, bilang halimbawa, ang kalangitan at ang kalupaan at ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos upang magsilbi sa tao: Ang buwan, ang araw, at ang mga bituin na ginawa Niya para sa tao, ang mga hayop at mga halaman, tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig, at iba pa—lahat ay para sa kapakanan ng pag-iral ng tao. At kaya, sa papaano mang paraan Niya pinarurusahan at hinahatulan ang tao, ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang kanyang makalamang mga inaasahan, ito ay para sa kapakanan ng pagdadalisay sa tao, at ang pagdalisay sa tao ay para sa kapakanan ng kanyang pag-iral. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video