Christian Dance | "Sumasayaw sa Pagpuri sa Diyos" | Praise Song

Agosto 16, 2024

I

Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nagbibigay-liwanag sa puso ko;

ang pagpupuri sa Diyos ay nagdadala ng kagalakan sa atin.

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos araw-araw,

mayroon tayong kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu.

Natatanggap natin ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos;

ang pag-unawa sa katotohanan ay nagpapalaya sa aking puso.

Ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagbibigay ng daan pasulong;

paanong hindi ko pasasalamatan ang Makapangyarihang Diyos?

Magmadali kayo at umawit, mga kapatid.

Nagdadala ng pagpapalaya sa atin ang pagpupuri sa Diyos.

Pinupungusan tayo upang tayo'y malinis,

may matatamo tayo kapag pinagnilayan natin ang ating mga sarili.

Tumatagos sa ating puso ang mahihigpit Niyang salita,

pero ito ay para makilala natin ang ating mga sarili.

Kung talagang makakaya ninyong hanapin ang katotohanan,

mararamdaman ninyo ang pagmamahal ng Diyos.

II

Ang pag-unawa sa katotohanan ay talagang kasiyahan.

Ang pagpupuri sa Diyos ay nagdadala ng kagalakan sa atin.

Ang pagsunod sa Diyos at ang paggawa ng tungkulin— iyon ay Kanyang espesyal na biyaya.

Ang pagdurusa at pagpipino ay mga pagpapala ng Diyos;

huwag magkamali ng pagkaintindi o magreklamo.

Kung magpapasakop kayo sa mga pagsasaayos ng Diyos,

makikita ninyo ang mga gawa ng Diyos.

Maghandog ng mga pasasalamat at papuri sa Diyos,

mamuhay sa presensiya Niya sa bawat araw.

Sa pamamagitan ng pang-uusig, mga kapighatian, at mga pagsubok,

unti-unting lumalago ang ating buhay.

Mapalad tayong makagpatotoo ngayon para sa Diyos;

ito ay pawang pagtataas at pagpapala Niya.

Ang Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa atin.

Umaawit at sumasayaw tayo para papurihan Siya!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin