Tagalog Christian Music Video | "Ang mga Kahihinatnan ng Pagtanggi kay Cristo ng mga Huling Araw"

Agosto 11, 2023

Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa'n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa'n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.

I

Kung 'di mo hanap daan ng buhay

mula kay Cristo ng mga huling araw,

pagsang-ayon ni Jesus at pagpasok sa langit

kailanma'y 'di makakamtan,

pagka't ika'y sunud-sunuran,

bilanggo ng kasaysayan.

Yaong mga iginapos ng kasaysayan,

kailanma'y 'di makakamit ang buhay

ni ang daan ng walang hanggang buhay;

malabong tubig lang mayro'n sila

na libu-libong taon nilang kinapitan,

'di buhay na tubig na dumadaloy mula sa trono.

Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa'n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa'n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.

II

Yaong walang tubig ng buhay

magiging mga bangkay,

mga laruan ni Satanas at mga anak ng impiyerno.

Pa'no na lang sila titingin sa Diyos?

Kung titigil ka't kakapit sa nakaraan,

kung wala kang gagawin

para baguhin ang kalagayan,

'di ba't lagi kang sasalungat sa Diyos?

Si Cristo ng mga huling araw hatid ay buhay,

walang maliw, walang hanggang

daan ng katotohanan—

daan kung sa'n lahat nagkakamit ng buhay,

kung sa'n makikilala ang Diyos

at masasang-ayunan Niya.

III

Mga hakbang sa gawain ng Diyos

malawak, makapangyarihan,

gaya ng mga along rumaragasa't

kulog na dumadagundong,

ngunit ika'y naghihintay lamang ng kamatayan.

Pa'no ka masasabing tagasunod ng Cordero?

Pa'no mo bibigyang katwiran

na ang iyong Diyos ay

laging bago't 'di kailanman naluluma?

Pa'no ka dadalhin sa bagong panahon

ng mga lumang salita,

o aakaying hanapin ang gawain ng Diyos

at umakyat sa langit?

Hatid nito'y panandaliang ginhawa lamang,

'di katotohanang nagbibigay buhay

o pagiging perpekto.

Ito'y 'di ba dapat pagnilayan?

'Di mo ba makita mga misteryong taglay nito?

Magagawa mo bang magtungo sa langit

at makilala ang Diyos nang mag-isa?

Tingnan mo kung sinong gumagawa't

nagliligtas sa tao sa mga huling araw.

Kung hindi, katotohanan at buhay

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin