Christian Dance | "Ang Buhay na Tubig na Dumadaloy Mula sa Trono ay Malinaw at Dalisay" | Praise Song

Hulyo 24, 2024

I

Ang buhay na tubig na Dumadaloy Mula sa Trono ay Malinaw at Dalisay.

Araw-araw kaming dinidiligan at tinutustusan ng mga salita ng Diyos.

Umaagos ang buhay na tubig ng buhay, at tinutustusan ang puso ng tao.

Unti-unting lumalago ang aming buhay,

nagbibigay galak sa Diyos at pinasasaya ang aming puso.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Dinala Mo kami sa harap ng Iyong trono,

at inakay Mo kami sa tamang landas sa buhay.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Dinala Mo kami sa harap ng Iyong trono,

at inakay Mo kami sa tamang landas sa buhay.

II

Ang lahat ng kaluwalhatian ay mapasa-Makapangyarihang Diyos!

Siya ang nagpapahayag ng katotohanan para iligtas tayo.

Hinahatulan at inilalantad ng mga salita ng Diyos ang ating tiwaling kalikasan.

Dahil nakikita namin ang katuwiran at kabanalan ng Diyos,

handa kaming tanggapin ang Kanyang paghatol at paglilinis.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Iniligtas Mo ako mula kay Satanas, namumuhay ako sa liwanag ng Iyong mukha.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Iniligtas Mo ako mula kay Satanas, namumuhay ako sa liwanag ng Iyong mukha.

III

Pinalilibutan namin ang trono ng Diyos para paglingkuran Siya.

Matapat naming tinutupad ang aming mga tungkulin

upang ang kalooban ng Diyos ay maisagawa sa lupa.

Ginagabayan kami ng mga salita ng Diyos

upang mapagtagumpayan ang maraming kapighatian at pagsubok.

Natatamasa ko ang labis na pagmamahal ng Diyos;

nais kong mahalin ang Diyos at magpatotoo para sa Kanya.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Kaming mga nilikha ay nagpapatirapa at sumasamba sa Iyo,

pinupuri Ka namin magpakailanman.

O Makapangyarihang Diyos, pinasasalamatan at pinupuri Ka namin!

Kaming mga nilikha ay nagpapatirapa at sumasamba sa Iyo,

pinupuri Ka namin magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger