Tagalog Full Christian Movie | "Babagsak ang Lungsod"

Nobyembre 28, 2017

Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia. Nakisanib din sila sa gobyernong CCP para labanan ang Kidlat ng Silanganan at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig dito. Aktibo rin nilang isinumbong sa mga pulis ang mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian para maaresto. Lubhang namroblema si Cheng Huize; natanto niya na nawala na sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at naging isang relihiyosong lugar na gaya ng Dakilang Babilonia, isinumpa at nilait ng Panginoon. Sa gayo'y ipinasiya niyang siyasatin ang Kidlat ng Silanganan at hanapin ang gawain at pagpapakita ng Diyos…. Makakatakas kaya siya mula sa relihiyosong Babilonia na malapit nang bumagsak?

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:

ESO/J. Emerson/VISTA.

ESO/T. Preibisch

NASA

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger