Christian Song | "Pinagpala ang mga Nagmamahal sa Diyos" | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 15, 2026

I

Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang makakapagpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at sila lamang ang makatatanggap ng mga pangako ng Diyos. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos; sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos.

II

Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay kayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng langit nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang humawak ng kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos.

III

Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba't ibang dako ng mundo. Sila ay mga tao mula sa buong mundo na nagsasalita ng iba't ibang wika at may iba't ibang kulay ng balat, ngunit ang kahalagahan ng kanilang pag-iral ay pareho; silang lahat ay may mapagmahal-sa-Diyos na puso, silang lahat ay nagtataglay ng magkakatulad na patotoo, at may magkakatulad na determinasyon, at magkakatulad na minimithi. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpala sila ng Diyos, at mamumuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin