Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Awtoridad at Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Marso 9, 2022
I
Ang nakamit na ng tao ngayon—
tayog, kaalaman, pag-ibig, at katapatan, pagkamasunurin ng tao,
at lahat ng nakikita ng tao
ay nanggagaling sa paghatol ng salita.
Dahil dito tao'y kita ang kamangha-manghang gawain ng Diyos:
Siya'y gumagawa ng labis na tao'y 'di kayang makamit;
malalaking misteryo at kababalaghan.
Samakatuwid marami ang nagpasakop na.
Walang makahihigit sa paghatol ng Kanyang salita,
at walang kadiliman ang nangingibabaw sa awtoridad Niya.
Tao'y nagpapasakop dahil sa Kanyang pagkakatawang-tao't awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.
II
Yaong 'di kailanman nagpasakop ay lumuluhod sa Diyos
'pag hinarap ng Kanyang salita.
Sila ay yumuyuko sa paghatol ng Kanyang salita,
'di kailanman nagsisiyasat o humahatol gamit ang kanilang dila.
Katawang-tao ng Diyos ay lumalantad na parang Siya ay karaniwan,
ngunit salita Niya'y 'pinapakita ito sa tao:
Siya'y puno ng awtoridad at Siya ang Diyos Mismo,
mga salita Niya ang pagpapahayag ng Diyos Mismo.
Walang maaaring magkasala sa Kanya,
Siya ay katawang-taong Diyos.
III
Inihahatid ng nagkatawang-taong Diyos ang salita Niya,
upang marinig at matanggap ng lahat ang Kanyang paghatol.
Diyos ay 'di nag-aanyong Espiritu upang takutin ang tao na magpasakop.
Tunay na disposisyon ng tao, kahit naitagong malalim,
ay nabubunyag nitong totoo't pambihirang gawain,
upang tao ay maaaring makilala at mabago ito.
Paghatol ng Diyos ay praktikal at inihahatid gamit ang salita.
IV
Ito ang awtoridad at kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Walang makahihigit sa paghatol ng Kanyang salita at walang kadiliman
ang nangingibabaw sa awtoridad Niya.
Tao'y nagpapasakop dahil sa Kanyang pagkakatawang-tao't awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.
Ang gawaing dala ng katawang-taong laman Niya'y awtoridad na tinataglay Niya.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video