Tagalog Christian Movie Trailer | "Isang Mapanganib na Paglalakbay para sa Pag-eebanghelyo"

Hunyo 25, 2024

Si Xu Songen ay isang elder sa isang bahay-simbahan, at matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, masigasig niyang ipinangaral ang ebanghelyo sa kanyang pastor at mga kasamahang manggagawa. Gayunpaman, nagulat siya nang maharap siya sa kanilang pagkondena at pagtatakwil. Nakita ni Xu Songen na ang kalikasang diwa ng pastor at mga elder ay ang pagkapoot sa katotohanan at pagkayamot dito, at determinado siyang humiwalay sa relihiyon. mula sa relihiyon. Pagkatapos nito, aktibo siyang nagpalaganap ng ebanghelyo at nagpatotoo para sa Diyos, at sa loob ng kalahating taon, dinala niya sa harap ng Diyos ang mahigit 10,000 mananampalataya na dating nasa kanyang pamumuno. Dahil dito, naharap siya sa paglaban ng relihiyosong pastor, at iniulat siya sa pulisya at naaresto. Habang nasa kulungan, nakilala niya ang lider ng relihiyon na si Li Muguang, at agad silang nagkasundo, madalas silang nagtutulungan at nagbabahaginan sa loob ng bilangguan. Gustong-gusto ni Xu Songen na magbigay ng patotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw kay Li Muguang, ngunit mahigpit silang binabantayan sa bilangguan, at malapit na ring matapos ang sentensiya ni Li Muguang at malapit na itong makalaya. Pagkatapos pag-isipang mabuti, gumawa ng mapanganib na desisyon si Xu Songen: Nagpasya siyang tumakas mula sa bilangguan para ipalaganap ang ebanghelyo kay Li Muguang. Magtagumpay kaya siya sa kanyang pagtakas sa bilangguan? Makapagpapatuloy kaya siya sa pagpapalaganap at pagpapatotoo sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw? Panoorin ang Isang Mapanganib na Paglalakbay para sa Pag-eebanghelyo upang malaman.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin