Christian Dance | "Tinatamasa Ko ang Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song

Oktubre 17, 2024

I

Nagdadala ng totoong kagalakan sa aking puso ang pagiging naiharap sa Diyos.

Napakatamis na matamasa ang mga salita ng Diyos.

Banayad man o mahigpit,

nagdadala ng pakinabang sa akin ang Kanyang mga salita.

Sa pag-unawa sa katotohanan, napakalaya ng puso ko.

O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos,

minamahal kong Makapangyarihang Diyos.

Napakahalaga ng ipinagkaloob na katotohanang ito!

Bagong mga salita, bagong liwanag.

Nagdadala ng totoong kasiyahan ang pagkakaroon ng gabay ng Diyos

at ang pamumuhay sa liwanag.

II

Araw-araw akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at namumuhay sa harap ng Diyos.

Sa pagtanggap sa paghatol ng Diyos, nagbabago ang disposisyon ko.

Ang katamisan sa pasakit, ang mga luha sa pagtawa—

nilalasap kong lahat iyon, nilalasap kong lahat iyon.

Nililinang ng mga kamay mismo ng Diyos ang bunga ng buhay.

O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos,

minamahal kong Makapangyarihang Diyos.

Napakakaibig-ibig ng matuwid Mong disposisyon!

Hinahatulan at pinupukaw kami ng Iyong mga salita.

Nililinis at inililigtas kami ng Iyong mga salita, ang grupong ito ng mga tao.

III

Anong pagpapala ang matamasa ang pagmamahal ng Diyos!

Hindi kailanman walang saysay ang buhay kapag nakamit na natin ang katotohanan.

Matapat nating ginugugol ang sarili natin

at hindi kinatatakutan ang paghihirap at pagod.

Tinatanggap natin ang atas ng Diyos, pinoproklama at pinatototohanan Siya.

O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos,

minamahal kong Makapangyarihang Diyos.

Nagdusa Ka nang matindi para iligtas ang sangkatauhan.

Iniaalay namin ang aming puso sa Iyo.

Maayos naming gagawin ang aming mga tungkulin nang buong puso at isipan para suklian Ka.

O, mga kapatid, mga kapatid,

magkaisa tayo sa ating puso para mahalin ang Diyos,

sundan ang kalooban Niya at magpakita ng pagsasaalang-alang

sa Kanyang mga layunin, sa Kanyang mga layunin.

Hangarin natin ang katotohanan at isabuhay ang wangis ng tao

para luwalhatiin ang Diyos, para luwalhatiin ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin