Christian Song | "Ang Kaharian ng Diyos ay Nagpakita na sa Lupa" Choral Hymn | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 14, 2026

I

Ang makapangyarihang tunay na Diyos, ang Haring nakaluklok sa trono, ang namumuno sa buong sansinukob, nakaharap sa di-mabilang na mga bansa at mga tao, at nagniningning ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo. Makikita iyon ng lahat ng may buhay sa sansinukob at hanggang sa mga kadulu-duluhan ng lupa. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan, at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagbukas na ng kanilang mga telon sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos, at sila ay muling nabuhay, na parang gumigising mula sa isang panaginip, na parang sila ay mga usbong na sumisibol mula sa lupa! Ang nag-iisang tunay na Diyos ay nagpapakita sa harap ng mga tao sa mundo. Sinong mangangahas na lumapit sa Kanya nang may paglaban? Ang lahat ay nanginginig sa takot. Ang lahat ay lubos na nakumbinsi, at ang lahat ay paulit-ulit na nagsusumamo ng kapatawaran. Ang di-mabilang na mga tao ay lumuluhod sa harap Niya, at sinasamba Siya ng di-mabilang na mga bibig!

II

Ang mga kontinente at mga karagatan, ang mga bundok, ang mga ilog, at lahat ng bagay ay nagpupuri sa Kanya nang walang katapusan! Ang maiinit-init na simoy ng hangin, na may kasamang ihip ng tagsibol, ay nagdadala ng ambon, walang-tigil na ulan ng tagsibol. Ang mga lumalagaslas na batis at ang napakaraming tao ay magkatulad, kapwa puno ng dalamhati at galak, nagbubuhos ng mga luha ng pagkakautang at paninisi sa sarili. Ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga alon at mga daluyong, ay umaawit lahat, pinupuri ang banal na pangalan ng tunay na Diyos! Ang tinig ng pagpuri ay umaalingawngaw nang napakalinaw! Ang mga lumang bagay na minsang ginawang tiwali ni Satanas—ang bawat isa sa mga ito ay muling gagawing bago at babaguhin at papasok sa isang ganap na bagong mundo …

III

Ito ang sagradong trumpeta, at nagsimula na itong tumunog! Pakinggan ito. Yaong tunog na napakatamis ay ang pagbigkas ng trono. Inaanunsiyo nito sa bawat bansa at tao na sumapit na ang panahon, narito na ang kinalabasan ng mga huling araw, tapos na ang Aking plano ng pamamahala, ang Aking kaharian ay hayagan nang nagpakita sa lupa, at ang mga kaharian sa mundo ay naging Aking kaharian, Ako na siyang Diyos. Ang Aking pitong trumpeta ay tumutunog mula sa trono, at magaganap ang mga napakakamangha-manghang bagay! Tinitingnan Ko nang may galak ang Aking mga tao, na nakakarinig sa Aking tinig at nagtitipon mula sa bawat bansa at lupain. Ang napakaraming tao, na bukambibig ang tunay na Diyos, ay nagpupuri at lumulukso nang walang katapusan! Nagpapatotoo sila sa mundo, at ang tunog ng kanilang patotoo sa tunay na Diyos ay katulad ng dumadagundong na tunog ng maraming katubigan. Ang napakaraming tao ay dadagsa sa Aking kaharian.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 36

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin