Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 251
Oktubre 23, 2020
Nagpakumbaba na ang Diyos Mismo sa antas na ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa marurumi at tiwaling mga taong ito, at pineperpekto ang grupong ito ng mga tao. Hindi lamang naging tao ang Diyos upang mamuhay at kumain sa gitna ng mga tao, gabayan ang mga tao, at tustusan ang pangangailangan ng mga tao. Ang higit na mahalaga ay ginagawa Niya ang Kanyang dakilang gawaing iligtas at lupigin ang mga taong ito na lubhang tiwali. Dumating Siya sa puso ng malaking pulang dragon upang iligtas ang pinakatiwaling mga taong ito, para lahat ng tao ay mabago at magawang bago. Ang napakalaking hirap na tinitiis ng Diyos ay hindi lamang ang hirap na tinitiis ng Diyos na nagkatawang-tao, kundi higit sa lahat ay dumaranas ng malaking kahihiyan ang Espiritu ng Diyos—Siya ay nagpapakumbaba at itinatago nang husto ang Kanyang Sarili kaya Siya nagiging isang karaniwang tao. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nag-anyong tao upang makita ng mga tao na mayroon Siyang isang normal na buhay ng tao at normal na mga pangangailangan ng tao. Sapat na ito upang patunayan na nagpakumbaba ang Diyos Mismo nang labis. Ang Espiritu ng Diyos ay natatanto sa katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay napakataas at dakila, subalit nag-aanyo Siyang isang karaniwang tao, isang balewalang tao, upang gawin ang gawain ng Kanyang Espiritu. Ang kakayahan, kabatiran, diwa, pagiging tao, at buhay ng bawat isa sa inyo ay nagpapakita na hindi talaga kayo karapat-dapat na tumanggap ng ganitong uri ng gawain ng Diyos. Hindi talaga kayo karapat-dapat na hayaang magtiis ang Diyos ng gayong hirap para sa inyong kapakanan. Ang Diyos ay napakadakila. Siya ay lubhang kataas-taasan, at ang mga tao ay napakaaba, ngunit gumagawa pa rin Siya sa kanila. Hindi lamang Siya nagkatawang-tao upang magtustos para sa mga tao, upang magsalita sa mga tao, kundi namumuhay pa Siyang kasama ng mga tao. Masyadong mapagkumbaba ang Diyos, masyadong kaibig-ibig.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto
Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Labis na Kaibig-ibig
I
Diyos Mismo'y nagpapakumbaba't gumagawa Siya sa marurumi't tiwaling tao. Upang sila'y maperpekto, naging tao ang Diyos; nagpapastol Siya't nagtutustos sa kanila, dumadating sa puso ng malaking pulang dragon upang lupigi't iligtas ang tiwali, baguhin at ipanibago sila. Nagpapakumbaba Siya upang maging tao't tinitiis ang paghihirap na dala nito. Ito ang malaking kahihiyan ng Espiritu. Diyos, dakila at matayog; tao, masama at hamak. Ngunit Siya'y nagsasalita, nagtutustos, namumuhay kasama nila. Siya'y napakamapagkumbaba't kaibig-ibig.
II
Diyos na nag-anyong taong may normal na buhay at pangangailangan, ay patunay na nagpapakumbaba Siya. Espiritu ng Diyos, dakila't mataas, dumarating bilang karaniwang tao upang gawin ang gawain ng Espiritu Niya. Kayo'y 'di karapat-dapat sa gawain Niya, sa paghihirap na tinitiis na Niya. Pinapakita ito sa kakayahan, kabatiran at katuturan niyo. Kayo'y 'di karapat-dapat sa gawain Niya, sa paghihirap na tinitiis na Niya. 'Pinapakita ito sa pagkatao't mga buhay niyo. Diyos, dakila at matayog; tao, masama at hamak. Ngunit Siya'y nagsasalita, nagtutustos, namumuhay kasama nila. Siya'y napakamapagkumbaba't kaibig-ibig.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video