Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 247

Agosto 15, 2020

Sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at hangga’t sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, tiyak na magiging patas Siya tungo sa tao, sapagka’t Siya ang pinakamatuwid. Kung sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, kaya ba Niyang isantabi ang tao? Ako ay patas sa lahat ng mga tao, at hinahatulan ang lahat ng mga tao ayon sa Aking matuwid na disposisyon, gayunman mayroong akmang mga kundisyon sa mga kinakailangan Ko sa tao, at yaong Aking kailangan ay dapat na matupad ng lahat ng mga tao, maging sinuman sila. Hindi Ko alintana kung gaano kalawak o kung gaano kagalang-galang ang iyong mga kakayahan; ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung lumalakad ka sa Aking daan, at kung umiibig ka at nauuhaw para sa katotohanan o hindi. Kung ikaw ay kulang sa katotohanan, at sa halip nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at hindi kumikilos ayon sa Aking daan, sumusunod lamang nang walang pakialam o malasakit, kung gayon sa sandaling iyon ay pababagsakin kita at parurusahan dahil sa iyong kasamaan, at ano nga ang masasabi mo sa panahong iyon? Masasabi mo bang ang Diyos ay hindi matuwid? Ngayon, kung nakasunod ka sa mga salita na Aking binitiwan, kung gayon ikaw ang uri ng taong Aking sinasang-ayunan. Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mabubuting mga panahon at ang masasama, nguni’t hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na habulin ang Diyos sa bawa’t araw, at kailanma’y hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo na, sa ano mang katayuan, naniniwala ka na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ka para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang iyong sarili sa Kanya, at masigasig na nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin ka Niya. Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamatuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na pantaong kalooban, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira! May mga tao na nagsasabi, “Ngayon ay gumagawa ako para sa Iyo; kapag dumating ang katapusan, maaari Mo ba akong bigyan ng munting pagpapala?” Kaya tinatanong kita, “Nakatupad ka ba sa Aking mga salita?” Ang pagkamatuwid na iyong sinasalita ay nakasalig sa isang pag-uugnayan. Iniisip mo lamang na Ako ay matuwid, at hindi nagtatangi sa lahat ng mga tao, at ang lahat ng mga yaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay siguradong maliligtas at makakamtan ang Aking mga pagpapala. Mayroong panloob na kahulugan ang Aking mga salita na “lahat niyaong mga sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay tiyak na maliligtas”: Lahat niyaong mga sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay silang mga lubos Kong makakamtan, sila yaong, pagkatapos Kong malupig, ay hinahanap ang katotohanan at ginagawang perpekto. Anong mga kalagayan ang iyong natamo? Ang nakamit mo lamang ay pagsunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan, nguni’t bukod doon ay ano pa? Ikaw ba ay nakatugon sa Aking mga salita? Natupad mo ang isa sa Aking limang kailangan, gayunman ay wala kang hangarin na tuparin ang natitirang apat. Natagpuan mo ang pinakasimple, pinakamadaling landas, at hinabol ito habang iniisip na ikaw ay mapalad. Sa gayong tao na katulad mo ang Aking matuwid na disposisyon ay isa ng pagkastigo at paghatol, ito ay isa ng matuwid na kagantihan, at ito ay ang matuwid na pagpaparusa sa lahat ng mga manggagawa ng kasamaan; lahat niyaong mga hindi lumalakad sa Aking daan ay tiyak na parurusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. Kapag ang ganitong matuwid na disposisyon ay inihayag sa pagpaparusa sa tao, ang tao ay matitigilan, at magsisisi na, habang sinusunod ang Diyos, hindi siya lumakad sa Kanyang daan. Noong panahong yaon, nagdusa lamang siya nang kaunti habang sumusunod sa Diyos, nguni’t hindi lumakad sa daan ng Diyos. Ano ang mga maidadahilan? Wala nang ibang pagpipilian kundi ang makastigo! Gayunman sa kanyang isipan siya ay nag-iisip, “Hindi bale, nakasunod naman ako hanggang sa katapus-tapusan, kaya kahit na kastiguhin Mo ako, hindi ito magiging matinding pagkastigo, at pagkatapos mailapat ang pagkastigong ito ay nanaisin Mo pa rin ako. Alam kong matuwid Ka, at hindi Mo ako pakikitunguhan nang gayon magpakailanman. Sapagka’t hindi ako katulad niyaong mga papawiin; yaong mga papawiin ay makatatanggap ng matinding pagkastigo, samantalang ang sa aking pagkastigo ay magiging mas magaan.” Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi gaya ng iyong sinabi. Hindi ito ang kaso na yaong mga mabubuti at umaamin ng kanilang mga pagkakamali ay pinakikitunguhan nang maluwag. Ang pagkamatuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nagpapabaya sa pagkakasala ng tao, at lahat ng marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi isang utos ng pangasiwaan: Ito ay utos ng pangasiwaan sa kaharian, at ang utos na ito ng pangasiwaan ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang patagana para sa kaligtasan. Sapagka’t kapag ang bawa’t tao ay pinagsama-sama ayon sa uri, ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Yaon ang panahon na ang hantungan ng tao ay lilinawin, ito ang panahon na ang gawain ng pagliligtas ay darating sa katapusan, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay natapos na, at ang paghihiganti ay ilalapat sa bawa’t isa niyaong gumawa ng masama.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin