Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 242

Agosto 18, 2020

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

1. Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at itaas ang Diyos.

2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at hindi ang anumang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos.

3. Ang pera, materyal na mga bagay, at ang lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay ang mga handog na dapat na ibinibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay maaaring tamasahin ng walang iba kundi ng tagapaglingkod at ng Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa kaluguran ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa tagapaglingkod, at wala nang iba pa ang kwalipikado o may karapatan na tamasahin ang anumang bahagi ng mga iyon. Ang lahat ng mga handog ng tao (kabilang ang pera at mga bagay na pwedeng tamasahin na materyal) ay ibinigay sa Diyos, hindi sa tao. At kaya, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ang mga ito ng tao, sa gayon ninanakaw niya ang mga handog. Ang sinumang gumagawa nito ay isang Judas, sapagka’t, bilang karagdagan sa pagiging taksil, kinukuha rin ni Judas ang anumang inilalagay sa supot ng pera.

4. Ang tao ay mayroong tiwaling disposisyon at, higit pa rito, siya ay nadádalá ng mga emosyon. Dahil dito, lubos na ipinagbabawal sa dalawang kasapi na magkaibang kasarian na magtrabaho nang magkasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinuman na matutuklasang gumagawa ng ganoon ay patatalsikin, nang walang pagbubukod—at walang sinuman ang palilibrihin.

5. Huwag kang sasambit ng paghatol sa Diyos, ni basta-basta magtatalakay ng mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Dapat mong gawin ang nararapat bilang isang tao, at magsalita nang nararapat na pagsasalita ng tao, at hindi dapat lalampas sa iyong mga limitasyon ni labagin ang iyong mga hangganan. Bantayan mo ang iyong mga pananalita at mag-ingat sa iyong sariling mga yapak. Ang lahat ng ito ay pipigil sa iyo mula sa paggawa ng anumang bagay na lalabag sa disposisyon ng Diyos.

6. Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga pananagutan, at panghawakan ang iyong tungkulin. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi ka gumagawa, sa gayon ikaw ay hindi karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.

7. Sa gawain at mga usápín ng iglesia, bukod sa pagsunod sa Diyos, sa lahat ng bagay ay dapat mong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Kahit na ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Dapat kang maging ganap sa iyong pagsunod, at hindi dapat suriin ang tama o mali; kung ano ang tama o mali ay walang kinalaman sa iyo. Dapat mo lamang iukol ang iyong sarili sa ganap na pagsunod.

8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi mo dapat itaas o tingalain ang sinumang tao; hindi mo dapat ipang-una ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa iyong puso, at hindi mo dapat ipalagay ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng antas sa Diyos, na Kanyang kapantay. Ito ay hindi-mahahayaan ng Diyos.

9. Ang iyong mga iniisip ay nararapat na ang gawain ng iglesia. Dapat mong isaisantabi ang mga pagkakataon ng iyong sariling laman, hindi nag-aalinlangan tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-puso na ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin ang gawain ng Diyos at pangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal.

10. Ang mga kamag-anak na hindi kabilang sa pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawang-lalaki o asawang-babae, ang iyong mga kapatid-na-babae o ang iyong mga magulang, at iba pa) ay hindi dapat pilitin tungo sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang paramihin ang bilang nito ng mga taong walang paggagamitan. Lahat ng mga taong hindi masayang naniniwala ay hindi dapat akayin tungo sa iglesia. Ang kautusang ito ay nakadirekta sa lahat ng mga tao. Sa bagay na ito ay dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa, at walang sinuman ang maaaring lumabag nito. Kahit na atubiling pumapasok sa iglesia ang mga kamag-anak na hindi kabilang sa pananampalataya, hindi sila dapat bigyan ng mga libro o bigyan ng isang bagong pangalan; ang gayong mga tao ay hindi kabahagi ng sambahayan ng Diyos, at ang kanilang pagpasok sa iglesia ay dapat na ipatigil sa anumang paraan na kinakailangan. Kung ang suliranin ay dinala sa iglesia dahil sa paglusob ng mga demonyo, sa gayon ikaw mismo ay patatalsikin o magkakaroon ng mga pagbabawal na ipapataw sa iyo. Sa madaling salita, ang lahat ay may pananagutan tungo sa bagay na ito, nguni’t hindi ka rin dapat maging walang-ingat, o gamitin ito para sa personal na pakinabang.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin