Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 233
Setyembre 4, 2020
Nakapagsimula na Akong kumilos para parusahan yaong mga gumagawa ng masama, at yaong mga gumagamit ng kapangyarihan at umuusig sa mga anak ng Diyos. Mula ngayon, ang lupit ng Aking mga atas administratibo ay laging mapapasa mga kumokontra sa Akin sa kanilang puso. Alamin ito! Ito ang simula ng Aking paghatol, at walang awang ipapakita kaninuman, ni walang sinumang paliligtasin, sapagkat Ako ang Diyos na walang kinikilingan na nagsasagawa ng katuwiran, at makakabuting tanggapin ninyong lahat ito.
Hindi sa nais Kong parusahan yaong mga gumagawa ng masama; sa halip, ito ay ganting hatid nila sa kanilang sarili dahil sa sarili nilang kasamaan. Hindi Ako mabilis magparusa kaninuman, ni hindi Ko tinrato ang sinuman nang hindi makatarungan—matuwid Ako sa lahat. Talagang mahal Ko ang Aking mga anak, at talagang kinamumuhian Ko yaong masasama na sumusuway sa Akin; ito ang prinsipyo sa likod ng Aking mga kilos. Bawat isa sa inyo ay dapat magkaroon ng kabatiran sa Aking mga atas administratibo; kung hindi, hindi kayo matatakot ni katiting, at kikilos kayo nang walang-ingat sa Aking harapan. Hindi rin ninyo malalaman kung ano ang nais Kong makamit, kung ano ang nais Kong maisakatuparan, kung ano ang nais Kong matamo, o kung anong klaseng tao ang kailangan ng Aking kaharian.
Ang Aking mga atas administratibo ay:
1. Sino ka man, kung kinokontra mo Ako sa puso mo, hahatulan ka.
2. Didisiplinahin kaagad yaong mga taong Aking nahirang sa anumang maling naisip nila.
3. Ilalagay Ko sa isang tabi yaong mga hindi naniniwala sa Akin. Hahayaan Ko silang magsalita at kumilos nang walang-ingat hanggang sa kahuli-hulihan, kung kailan lubusan Ko silang parurusahan at aayusin.
4. Pangangalagaan at poprotektahan Ko yaong mga naniniwala sa Akin sa lahat ng oras. Sa lahat ng oras ay pagkakalooban Ko sila ng buhay sa pamamagitan ng pagliligtas. Mamahalin Ko ang mga taong ito at siguradong hindi sila mahuhulog o maliligaw ng landas. Anumang kahinaan nila ay magiging pansamantala, at tiyak na hindi Ko aalalahanin ang kanilang mga kahinaan.
5. Yaong mga tila naniniwala, ngunit hindi naman talaga—na naniniwala na mayroong isang Diyos ngunit hindi hinahanap ang Cristo, subalit hindi rin naman lumalaban—sila ang pinakakaawa-awang mga tao, at sa pamamagitan ng Aking mga gawa, hahayaan Kong makakita sila nang malinaw. Sa pamamagitan ng Aking mga kilos, ililigtas Ko ang gayong mga tao at ibabalik sila.
6. Ang mga panganay na anak, ang unang tumanggap sa Aking pangalan, ay pagpapalain! Tiyak na ipagkakaloob Ko ang pinakamagagandang pagpapala sa inyo, tutulutan kayong matamasa ang mga ito hangga’t gusto ninyo; walang sinumang mangangahas na hadlangan ito. Lahat ng ito ay inihahanda nang buong-buo para sa inyo, dahil ito ang Aking atas administratibo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 56
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video