Christian Song | "Ang Diyos ay Lumilikha ng Mas Magandang Bukas Para sa Sangkatauhan" Choral Hymn | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 14, 2026
I
Igagawad Ko ang Aking mahahalagang bunga sa mga magsasaka ng Canaan na masisipag na sumasalubong sa Aking pagbabalik nang may sabik na pagkamasinop. Ninanais Ko lamang na ang kalangitan ay magtagal nang walang-hanggan, at, higit pa riyan, na hindi kailanman tumanda ang tao, na mapasa-kapahingahan magpakailanman ang kalangitan at ang tao, at yaong mga "pino at sipres" na laging luntian ay samahan ang Diyos magpakailanman, at sasama magpakailanman sa kalangitan sa pagpasok sa ideyal na panahon nang magkasama.
II
Ipinagkakaloob Ko ang hantungan ng sangkatauhan sa kanila, iniiwan Ko ang lahat ng Aking kayamanan sa tao, ibinubuhos ang Aking buhay sa gitna ng mga tao, itinatanim ang binhi ng Aking buhay sa bukid ng puso ng tao, iniiwanan siya ng walang-hanggang mga alaala, iniiwan ang Aking buong pag-ibig sa sangkatauhan, at ibinibigay sa tao ang lahat ng itinatangi ng tao sa Akin. Ipinagkaloob Ko na ang Aking kabuuan sa sangkatauhan. Iniwan Ko na ang kabuuan ng Aking buhay sa tao, at nang tahimik, nagpagal na Ako nang husto upang bungkalin ang magandang lupain ng pag-ibig para sa sangkatauhan; ni hindi Ako kailanman humingi ng anumang makatwirang kahilingan sa tao, at wala Akong ginawa kundi sundin lang ang mga pagsasaayos ng tao at lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (10)
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video