Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 59
Setyembre 30, 2020
Ipinagbubunyi Ako ng mga tao, pinupuri Ako ng mga tao; lahat ng bibig ay tinatawag ang nag-iisang totoong Diyos, lahat ng tao ay tumitingala upang masdan ang Aking mga gawa. Ang kaharian ay bumababa sa mundo ng mga tao, ang Aking persona ay mayaman at sagana. Sino ang hindi magagalak dito? Sino ang hindi sasayaw sa galak? O, Sion! Itaas ang iyong matagumpay na bandila upang ipagbunyi Ako! Awitin ang iyong awit ng tagumpay at ipalaganap ang Aking banal na pangalan! Lahat ng nilikha hanggang sa dulo ng daigdig! Magmadaling linisin ang inyong sarili na magagawa kayong mga alay sa Akin! Mga konstelasyon sa langit sa kaitaasan! Magmadaling bumalik sa inyong lugar upang ipakita ang Aking dakilang kapangyarihan sa kalawakan! Ako’y nakikinig sa tinig ng mga tao sa lupa, na ibinubuhos ang kanilang walang-hanggang pagmamahal at pagpipitagan sa Akin sa awit! Sa araw na ito, kung kailan lahat ng nilikha ay muling nabubuhay, Ako’y bumababa sa mundo ng mga tao. Sa sandaling ito, sa sandaling ito mismo, lahat ng bulaklak ay mag-uunahang mamukadkad, lahat ng ibon ay sabay-sabay na aawit, lahat ng bagay ay manginginig sa galak! Sa tunog ng pagpupugay ng kaharian, bumabagsak ang kaharian ni Satanas, nawasak sa dagundong ng awit ng kaharian, hindi na babangong muli kailanman!
Sino sa lupa ang nangangahas na bumangon at lumaban? Habang Ako’y bumababa sa lupa, dala Ko’y pagkasunog, dala Ko’y poot, dala ko’y lahat ng klaseng kapahamakan. Ang mga kaharian sa lupa ay Akin nang kaharian ngayon! Sa kalangitan, gumugulong at umaalon ang mga ulap; sa ilalim ng langit, ang mga lawa at mga ilog ay rumaragasa at kumakatha ng isang nakaaantig na himig. Naglalabasan ang nagpapahingang mga hayop mula sa kanilang lungga, at lahat ng tao ay ginigising Ko mula sa kanilang pagtulog. Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay ng napakaraming tao! Inaalay nila ang pinakamagagandang awit sa Akin!
Sa magandang sandaling ito, sa kapanapanabik na panahong ito,
ang kalangitan sa itaas at lahat ng nasa ilalim ng langit ay nagpupuri ngayon. Sino ang hindi mananabik para dito?
Sino ang hindi magbubunyi para dito? Sino ang hindi mapapaiyak sa pagkakataong ito?
Ang himpapawid ay hindi na ang dating himpapawid, ngayon ito’y himpapawid ng kaharian.
Ang lupa ay hindi na ang dating lupa, kundi ngayon ay lupang banal.
Pagkalipas ng isang malakas na ulan, ang maruming sinaunang mundo ay lubusang binabago.
Nagbabago ang kabundukan … nagbabago ang katubigan …
nagbabago rin ang mga tao … nagbabago ang lahat….
Tahimik na mga bundok! Sumayaw para sa Akin!
Di-umaagos na mga katubigan! Malayang umagos!
Natutulog na mga tao! Bumangon sa inyong mga pagtataguyod!
Nakarating na Ako … at naghahari Ako….
Makikita ng lahat ng kanilang sariling mga mata ang Aking mukha, maririnig ng lahat ng kanilang sariling mga tainga ang Aking tinig,
mararanasan sa kanilang mga sarili ang buhay sa kaharian….
Napakatamis … napakaganda….
Di-malilimutan … di-malilimutan….
Sa pagsusunog ng Aking poot, nagpupumiglas ang malaking pulang dragon;
sa Aking maringal na paghatol, ipinakikita ng mga diyablo ang tunay na anyo ng mga ito;
sa Aking mahihigpit na mga salita, lahat ay nahihiya, hindi nangangahas ipakita ang kanilang mga mukha.
Ginugunita ang nakaraan, paano nila Ako tinuya,
laging ipinagmamarangya ang kanilang mga sarili, lagi Akong sinasalungat.
Ngayon, sino ang hindi iiyak? Sino ang walang nadaramang taos na pagsisisi?
Puno ng mga luha ang buong mundo ng sansinukob …
puno ng mga tunog ng pagsasaya … puno ng tawanan….
Walang-katulad na galak … walang-katulad na galak….
Tumatagiktik ang mahinang ulan … pumapagaspas pababa ang makapal na niyebe….
Pinaghahalo ng mga tao ang lungkot at ligaya … tumatawa ang ilan …
humihikbi ang ilan … at nagbubunyi ang ilan….
Para bang nakakalimutan ng mga tao … kung ito’y isang tagsibol na makulimlim at maulan,
isang tag-araw ng namumukadkad na mga bulaklak, isang taglagas ng masaganang ani,
isang taglamig na singlamig ng yelo at nagyelong hamog, walang nakakaalam….
Tinatangay ang mga ulap sa himpapawid, ang dagat ay nagngangalit sa lupa.
Ikinakaway ng mga anak na lalaki ang kanilang bisig … iginagalaw ng mga tao ang kanilang mga paa sa sayaw….
Nasa paggawa ang mga anghel … nagpapastol ang mga anghel….
Abalang-abala ang mga tao sa lupa, nagpaparami ang lahat sa lupa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Awit ng Kaharian
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video