Christian Dance | "Ang Diyos ay Nasa Trono" | Praise Song
Agosto 13, 2024
I
Naging laman ang Diyos at binibigkas ang Kanyang mga salita;
nagpapakita Siya upang gumawa
isinasagawa ang paghatol ng mga huling araw
at dinadala ang Kapanahunan ng Kaharian.
Ang mga hinirang ng Diyos ay itinataas sa harapan Niya,
at nagpapatirapa tayo sa pagsamba sa Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa maluwalhating trono—
napakamaluwalhati at napakaganda!
Ang mga pagbigkas ng Diyos ay nagkakaloob sa atin ng tubig ng buhay.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tayo ay harap-harapan sa Kanya,
at sa wakas ay dumadalo tayo sa piging.
Hinihiwalay tayo ng Diyos mula sa tiwaling mundo at ginagawa Niya tayong banal.
Pagkatapos ay inaalis namin sa aming mga sarili ang mga makamundong pagkakagapos,
at pumapasok sa pagsasanay ng kaharian.
II
Nagsimula na ang paghatol sa sambahayan ng Diyos,
ibinubunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos.
Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita Niya ay ginagawa tayong mga bagong tao.
O Makapangyarihang Diyos! Ikaw Mismo ang gumawa para iligtas kami,
nang sa gayon ay magbago ang aming disposisyon, para maging mga bagong tao
at maglingkod sa harap ng trono ng Diyos.
Ang Diyos ay marunong at makapangyarihan sa Kanyang gawain,
ginagamit Niya ang malaking pulang dragon upang magserbisyo.
Inaakay kami ng Diyos na tumayong saksi sa mga paghihirap,
at maging matagumpay laban kay Satanas.
Ang mga salita ng Diyos ngayon
ay ipinapakita sa amin ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat,
lumulupig at gumagawa ng isang grupo ng mananagumpay.
ganap nang natalo ng Diyos si Satanas at nakamit ang lahat ng kaluwalhatian.
Ang Makapangyarihan, Siya na ngayon at noon, ay namumuno bilang Hari sa lupa.
Ang mga salita ng Diyos ang tunay na liwanag, tinatanglawan ang madilim na mundo.
Ang lahat ng bansa at tao ay pumupunta sa liwanag at nagpapasailalim sa Diyos.
Nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono ng kaluwalhatian,
tinatamasa ang Kanyang pamamahinga.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video