Christian Song | "Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" Choral Hymn | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 17, 2026

I

Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay walang alam sa kung ano ang layunin ng kanilang pag-iral, subalit natatakot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o masasandalan, ngunit atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at pinatatatag nila ang kanilang sarili upang itaguyod ang kanilang mga katawang-lupa, na walang anumang espirituwal na pakiramdam, at umiiral sila sa isang buhay na walang dangal sa mundong ito. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, na tulad ng iba, walang layunin. Tanging ang Nag-iisang Banal ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay desperadong umaasam sa Kanyang pagdating. Ang gayong paniniwala ay matagal nang nananatiling hindi pa rin naisasakatuparan sa mga yaong walang kamalayan. Gayumpaman, nananabik pa rin sila sa ganito.

II

Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pag-ayaw sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kailangan Niyang maghintay nang napakatagal bago Siya makatanggap ng sagot mula sa mga tao. Gusto Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at dalhan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kaunting kapanglawan ng mundong ito, huwag kang magulumihan, huwag manangis. Yayakapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay nagbabantay sa iyong tabi. Siya ay naghihintay na bumalik ka, hinihintay ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: kapag natanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at na sa hindi malamang panahon ay nawalan ka ng direksiyon, sa hindi malamang panahon ay nawalan ka ng malay sa daan, at sa hindi malamang panahon ay nagkaroon ka ng isang "ama"; kapag napagtanto mo, higit pa rito, na ang Makapangyarihan sa lahat ay palaging nagbabantay, naghihintay roon nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Labis Siyang nananabik, naghihintay ng tugon na walang sagot. Ang Kanyang pagbabantay ay walang katumbas na anumang halaga, at ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang Kanyang pagbabantay ay walang tiyak na katapusan, o marahil ito ay nagwakas na. Ngunit dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin