Tagalog Christian Song With Lyrics | "Sinisikap na ng Diyos Noon pa man na Gabayan ang Tao"

Abril 4, 2022

Magmula nang umiral ang pamamahala ng Diyos,

Siya'y ganap na nakatuon sa gawain Niya.

Laging ginagabayan ang tao gamit ang

Kanyang pagiging Diyos, mga pag-aari't buhay.

I

Sa kabila ng pagtatakip ng persona Niya mula sa tao,

Diyos ay laging nasa tabi niya,

nagpapahayag ng disposisyon Niya,

gamit ang diwa Niya bilang gabay sa tao.

Siya'y gumagawa sa bawat tao

gamit ang kalakasan Niya, awtoridad at karunungan,

nililikha ang Kapanahunan ng Kautusan,

Biyaya't Kaharian sa kasalukuyan.

Magmula nang umiral ang pamamahala ng Diyos,

Siya'y ganap na nakatuon sa gawain Niya.

Laging ginagabayan ang tao gamit ang

Kanyang pagiging Diyos, mga pag-aari't buhay.

II

Bagaman persona Niya'y nakatago mula sa tao,

bagaman Siya'y laging nakakubli,

disposisyon Niya, pagiging Diyos, mga pag-aari't

kalooban sa tao'y lahat nahayag.

Kaya kahit tao'y 'di makita't mahipo ang Diyos,

Kanyang disposisyon at Kanyang diwa

ay nakikita't nararanasan ng tao,

at ganap na mga pagpapahayag ng Diyos.

Magmula nang umiral ang pamamahala ng Diyos,

Siya'y ganap na nakatuon sa gawain Niya.

Laging ginagabayan ang tao gamit ang

Kanyang pagiging Diyos, mga pag-aari't buhay.

III

Anumang pamamaraan

ang piliin ng Diyos sa gawain Niya,

tao'y tinatrato Niyang nasa tunay Niyang pagkakakilanlan,

ginagawa'ng dapat gawin, sinasabi'ng dapat sabihin.

Magsalita man ang Diyos mula sa ikatlong langit,

sa katawang-tao, o bilang karaniwang tao,

buong puso't isip Siyang nangungusap sa tao

nang walang panlilinlang.

Magmula nang umiral ang pamamahala ng Diyos,

Siya'y ganap na nakatuon sa gawain Niya.

Laging ginagabayan ang tao gamit ang

Kanyang pagiging Diyos, mga pag-aari't buhay.

'Pag ginagawa ng Diyos ang gawain Niya,

ipinahahayag Niya ang Kanyang salita, Kanyang disposisyon, Kanyang disposisyon,

ipinahahayag ang mayroon Siya't kung ano Siya, nang walang pasubali.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger