Tagalog Christian Song | "Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay"
Enero 15, 2025
I
Hindi nananangan ang Diyos sa lumang mga bagay o tumatahak sa landas na madalas daanan; kapag gumagawa at nagsasalita Siya, hindi Siya mapagbawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, may kalayaan at liberasyon ang lahat, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—kalayaan at liberasyon ang dinadala Niya sa sangkatauhan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na tunay, totoong umiiral. Hindi Siya isang papet o isang nililok na luwad; at lubos na naiiba Siya sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla; at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa mga tao ay pawang buhay at liwanag, pawang kalayaan at liberasyon, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nahahadlangan ng anuman sa alinman sa Kanyang gawain.
II
Anuman ang sabihin ng mga tao o paano man nila nakikita o tinatasa ang bago Niyang gawain, isasakatuparan Niya ang Kanyang gawain nang walang pag-aalinlangan. Hindi Siya mag-aalala tungkol sa mga kuru-kuro o pamumuna ng sinuman na may kinalaman sa Kanyang gawain at mga salita, o maging sa kanilang matinding pagtutol at paglaban sa Kanyang bagong gawain. Walang sinuman sa lahat ng nilikha ang maaaring gumamit ng pantaong katwiran, imahinasyon, kaalaman, o moralidad upang sukatin o limitahan ang ginagawa ng Diyos, upang siraan, guluhin o isabotahe ang Kanyang gawain.
III
Walang pagbabawal sa Kanyang gawain at sa kung ano ang Kanyang ginagawa; hindi ito mapipigilan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay, ni hindi ito magugulo ng anumang mga puwersa ng kaaway. Pagdating sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging-nagwawaging Hari, at niyuyurakan sa ilalim ng Kanyang tuntungan ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng erehiya at mga kamalian ng sangkatauhan. Alinmang bagong yugto ng Kanyang gawain ang Kanyang isinasakatuparan, tiyak na mabubuo at mapalalawak ito sa sangkatauhan at tiyak na maisasakatuparan nang walang hadlang sa buong sansinukob hanggang sa matapos na ang Kanyang dakilang gawain. Ito ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. May mga prinsipyo ang Diyos sa Kanyang mga salita at gawain, ngunit walang mga pagbabawal, sapagkat ang Diyos Mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video