Christian Dance | "Makapangyarihang Diyos, ang Aming Minamahal" | Praise Song

Setyembre 21, 2024

I

Kaninong mga salita at pagbigkas ang tumatanglaw sa mga nasa kadiliman?

Kaninong mga salita at pagbigkas ang nagdadala sa amin sa presensiya ng Diyos?

Sino ang nagpapahayag ng katotohanan sa bawat araw

para magtustos at magdilig sa amin?

Kaninong mga salita at pagbigkas

ang nagpapahintulot sa amin na maunawaan ang katotohanan?

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Ikaw ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang pagpapakita ng Anak ng tao.

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Ikaw ay nagpapakita at gumagawa, at nagpapahayag ng katotohanan,

nagdadala ng liwanag sa tao.

II

Kaninong mga salita ang pinakamahalaga, at ang katotohanan at buhay?

Kaninong mga salita ang nagdadalisay sa aming katiwalian,

at nagbabago sa amin na maging mga bagong tao?

Kaninong mga salita ang matuwid at maharlika tulad ng isang matalim na espada,

nilulupig ang puso ng mga masa at ginagawa silang magpasakop sa Diyos?

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Ang Iyong mga salita ay humahatol at naglilinis sa mga tao,

at nagbibigay ng daan para sa buhay na walang hanggan.

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Ipinahahayag Mo ang katotohanan upang linisin kami

nang makapamuhay kami sa harap Mo.

III

Kaninong mga salita ang lumalaganap sa lahat ng direksiyon?

Kaninong banal na pangalan ang lumalaganap?

Kaninong mga salita ang lumulupig sa mga tao ng Diyos sa bawat bansa,

para makabalik sila sa harap ng Kanyang trono?

Kaninong mga salita ang tila isang bigkis, na kumokonekta sa aming mga puso,

para maialay namin ang aming katapatan sa Diyos, anuman ang etnisidad o bansa?

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Pinupuri Ka ng mga tao Mo nang lubos,

walang tigil kaming kumakanta ng mga awit ng pagmamahal para sa Iyo.

O, Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal.

Nagpapatotoo sa Iyo ang Iyong mga tao,

at magpapasakop sa Iyo, at magmamahal sa Iyo, sa magpasawalang-hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin