Christian Dance | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Karapatdapat sa Pagmamahal ng Tao" | Praise Song

Oktubre 21, 2024

I

Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan,

nagpakita na si Cristo ng mga huling araw.

Narinig na natin ang tinig ng Diyos at itinaas na tayo sa harap ng Diyos.

Araw-araw nating kinakain at iniinom ang salita ng Diyos,

at naunawaan na natin ang katotohanan at nakita na natin ang Diyos.

Ang ating mga taon ng pag-asa ay natupad na,

at natatamasa natin ang napakalaking pagpapala.

Ang Diyos ay nagsasalita bawat araw upang tustusan at diligan tayo,

pinapalusog ang ating mga uhaw na puso.

Kinuha ng paglalantad at paghatol ng salita ng Diyos ang puso natin.

Sa patnubay at pamumuno ng salita ng Diyos,

tayo ay naging may kakayahang mamuhay sa harap ng Diyos.

Nagagalak tayong maunawaan ang katotohanan;

karapatdapat sa pagmamahal ng tao ang Makapangyarihang Diyos.

II

Dahil nahatulan at nakastigo na ng salita ng Diyos,

nagpapatirapa ako sa harap ng Diyos.

Nakikita ko kung gaano ako katiwali, at na ako'y walang wangis ng tao.

Alam ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos at napupuno ng pagsisisi ang puso ko.

Kung hindi dahil sa paghatol ng Diyos,

hindi ako magiging karapatdapat na mabuhay.

Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay tunay na mahalaga,

at nagbigay sa akin ng pagkakataong mailigtas.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paghatol at mga pagsubok,

dahil binigyan ako ng mga ito ng panahon na makapagsisi.

Sa mga pagsubok at pagpipino, ang salita ng Diyos ay nananatili sa aking tabi.

Hindi ako nakararamdam ng lungkot o na ako'y tinalikuran,

ni hindi ako nakararamdam ng sakit.

Gaano man ako magdusa sa pagsunod sa Diyos,

nakamit ko na ang kaligtasan ng Diyos.

Habang tinatamasa ko ang labis na pag-ibig ng Diyos sa araw na ito,

dapat kong gawin ang aking makakaya upang suklian Siya.

Handa akong ialay ang aking pagkamatapat sa Diyos,

at igugol ang aking buhay sa pagpoproklama at pagpapatotoo sa Diyos.

Ang Makapangyarihang Diyos ay karapatdapat sa kaluwalhatian at papuri,

at karapatdapat Siya sa pagmamahal ng tao.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin