Christian Dance | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Nagpapahayag ng Katotohanan para Iligtas ang Sangkatauhan" | Praise Song
Disyembre 30, 2024
I
Nagliliwanag ang kidlat mula sa Silangan,
ginigising iyong mga natutulog sa kadiliman.
Ang Banal na Espiritu ay nangungusap sa mga iglesia,
at ito ang Anak ng tao na nagsasalita.
Sa pakikinig sa Kanyang tinig, ang hinirang na mga tao ng Diyos
ay naitataas sa harap Niya
at dumadalo sa piging ng kaharian sa langit.
Ang hinirang na mga tao ng Diyos mula sa lahat ng bansa
ay nagpapalaganap ng mabuting balita,
nagbubunyi at nagpupuri sa pagdating ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan.
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Tagapagligtas na nagbalik,
at ang Kanyang pagpapakita ay nagdadala ng liwanag sa sangkatauhan.
Nagpapahayag Siya ng katotohanan para hatulan at iligtas ang sangkatauhan,
nililinis Niya ang ating mga tiwaling disposisyon.
Sa pamamagitan ng paghatol, tayo ay naliligtas,
at naisasabuhay natin ang tunay na wangis ng tao.
Nalaman na natin ang pagiging matuwid at banal ng Diyos,
at iniaalay natin ang ating pasasalamat at papuri sa Kanya.
II
Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos at tumatanggap ng Kanyang paghatol,
at nakikita natin kung gaano nga ba kalalim na nagawang tiwali ang sangkatauhan.
Nakikilala ang ugat ng kasamaan ng mundo,
itinatakwil natin si Satanas at bumabaling tayo sa Diyos.
Sa pamamagitan ng mga pag-uusig at kapighatian,
malinaw nating nakikita ang kahindik-hindik na tunay
na kalikasan ng malaking pulang dragon.
Nakikilatis natin ang mga pakana at tukso ni Satanas,
at determinado tayo na sundan ang Diyos hanggang sa huli.
Inaakay tayo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos
na mapagtagumpayan ang impluwensiya ng kadiliman
at magtagumpay laban kay Satanas.
Ang Kanyang mga salita ay nagiging pananalig at lakas natin,
at malakas tayong nagpapatotoo para luwalhatiin Siya.
Dinadala tayo ng Diyos sa liwanag,
at tayo ay nalulugod sa Kanyang presensiya at namumuhay sa harap Niya.
Ang mga tao ng Diyos ay umaawit ng papuri nang buo nilang puso,
at nagmamahal at nagpapatotoo sa Diyos magpakailan pa man.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video