Paano Hangarin at Kamtin ang Katotohanan (9)
Ang Pagbabahagi Mula sa ang Itaas na Brother – Setyembre 1, 2025 (Unang Bahagi)
Ngayon, pagbahaginan natin ang isang talata mula sa Aklat ng Pahayag: “At hindi papasok doon sa anumang paraan ang anumang bagay na karumal-dumal, o anumang gumagawa ng kasuklam-suklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero” (Pahayag 21:27). Paano dapat maunawaan ang talatang ito? Napakahalaga ng tanong na ito. Ang mga pangalan ba ng lahat ng nananampalataya sa Diyos ay maaaring maisulat sa aklat ng buhay? (Hindi.) Tiyak iyon. Kung gayon, kaninong mga pangalan ang maaaring maisulat sa aklat ng buhay? Ano ang batayan nito? Ibinabatay ba ito sa kung ilang taon nang nananampalataya ang isang tao sa Diyos, o sa kung gaano karaming paghihirap ang kanyang dinanas at kung gaano karaming gawain ang kanyang nagawa para sa Diyos? (Hindi ito ibinabatay sa mga ito.) Kung gayon, saan ito ibinabatay? Ibinabatay ito sa kung nakamit ng isang tao ang katotohanan; ito ang pinakamahalagang bagay. Ang mga pangalan ng mga nagkamit ng katotohanan ay nakasulat sa aklat ng buhay, at tanging ang gayong mga tao ang kalipikadong magmana ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Samakatwid, kung ang pangalan ng isang tao ay maaaring maitala sa aklat ng buhay ay talagang napakahalaga. Hinihingi nito sa mga tao na hangarin ang katotohanan at tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan at pagiging naperpekto. Sa partikular, hinihingi nito sa mga tao na danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang makamit ang paglilinis at pagbabago ng kanilang mga tiwaling disposisyon, at sa huli ay makapagbigay ng isang matunog na patotoo para sa Diyos. Ito ang kahulugan ng paggampan ng tungkulin ng isang tao sa paraang pasok sa pamantayan. Ang paggampan ng tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan ay nangangahulugan na sa paggampan ng kanyang tungkulin, palagi niyang isinasagawa ang katotohanan at palagi siyang nagpapasakop sa Diyos. Mayroon siyang patotoo ng isang pagbabago sa kanyang buhay disposisyon, at tunay na nakapagpapasakop at nakasasamba sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang kanilang mga pangalan ay naitatala sa aklat ng buhay. Mula rito, makikita na yaong ang pangalan ay nakatala sa aklat ng buhay ay pawang mga taong may tunay na karanasan sa buhay, na mga nalinis sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo, at nakapagbigay ng isang maganda at matunog na patotoo sa Diyos sa paggampan ng kanilang tungkulin. Ang mga pangalan ng mga taong ito ay nakatala sa aklat ng buhay. Sa pananalita ng tao, mayroon silang bahagi sa kaharian ng langit. Nakikita mo, ngayon ay maraming hinirang na mga tao ng Diyos ang nakakasulat ng mga artikulo ng karanasan sa buhay. Hindi ba’t napakahalaga nito? (Oo.) Ang resultang nakakamit sa pagsusulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan ay na nagkakamit ang isang tao ng paparaming kaalaman sa gawain ng Diyos, higit niyang nauunawaan ang mga katotohanan sa iba’t ibang aspekto na ipinahayag ng Diyos, at higit na nagiging malinaw sa kanya ang mga prinsipyo para sa pagsasagawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan, sa pananalita man o sa gawa, karaniwang nakakamit ng isang tao ang pagiging kaayon ng katotohanan. Kapag ang mga salita at kilos ng isang tao ay umaayon sa katotohanan, natutugunan nito ang pamantayan ng Diyos para sa pagsang-ayon sa mga tao; ibig sabihin, maaari silang sang-ayunan ng Diyos. Maraming tao ang nagsasalita nang tila tama sa iglesia, ngunit kapag nasa bahay sila at nakikipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya at sa mga walang pananampalataya, ang kanilang pananalita ay hindi umaayon sa katotohanan. Ang kanilang mga pagbubunyag at isinasabuhay ay kapareho pa nga ng sa mga walang pananampalataya. Ano ang problema rito? (Hindi pa nagiging buhay nila ang katotohanan.) Ito ang kinahinatnan ng hindi pagbabago ng kanilang buhay disposisyon. Kung gayon, namumuhay ba ayon sa mga salita ng Diyos ang mga taong hindi nagbago ang buhay disposisyon? (Hindi.) Hindi sila mga taong nagsasagawa ng katotohanan, at hindi sila mga taong namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Kung gayon, hindi ba sila mga taong nasa labas ng mga salita ng Diyos? (Oo.) Kinikilala ba sila ng Diyos bilang mga nananampalataya sa Diyos? (Hindi.) Maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos ngunit hindi nila kailanman naunawaan ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, at hindi kailanman namuhay sa mga salita ng Diyos. Walang anuman sa kanilang ginagawa ang nakabatay sa mga salita ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mga walang pananampalataya sa mga mata ng Diyos. Kung ang isang nananampalataya sa Diyos ay itinuturing ng Diyos na isang walang pananampalataya, maaari pa ba siyang magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit? (Hindi.) Kung gayon, ang kanilang pinakadakilang inaasam sa pananampalataya sa Diyos—ang pagpasok sa kaharian ng langit—ay mauuwi sa wala. Samakatwid, ngayon, sa pananampalataya sa Diyos, dapat mabilis na hangarin ng isang tao ang katotohanan at pumasok sa realidad. Ito ay talagang napakahalaga. Bakit ko sinasabing ito ay talagang napakahalaga? Dahil ang malalaking kalamidad ay palaki nang palaki ngayon, at ang panahon para danasin ng mga tao ang gawain ng Diyos ay paikli nang paikli. Bawat araw na lumilipas ay isang araw na nababawas. Sino ang nakakaalam kung sa anong araw magiging napakalaki ng mga kalamidad na mawawalan na ng pagkakataong magkaroon ng mga pagtitipon sa online, at mawawalan na ng pagkakataong ipalaganap ang ebanghelyo, at ni hindi na malalaman ng mga tao kung sila ba ay mabubuhay o mamamatay. Huwag isipin na lahat ng nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay tiyak na mapapalampas. Bukod sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, dapat ka ring pumasok sa katotohanang realidad para matiyak na hindi ka mamamatay. Kung hindi ka nakapasok sa katotohanang realidad, mahirap sabihin kung mananatili kang buhay. Kamakailan, sa iglesia, may ilang indibidwal na, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, ay biglang namatay dahil sa isang kakatwang sakit. Ano ang nangyayari dito? (Sila ay natiwalag na.) Buweno, nanampalataya sila sa Makapangyarihang Diyos at ginagampanan ang kanilang tungkulin, kaya bakit sila namatay? (Hindi sila tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan, at natiwalag sila dahil sa hindi pagpasok sa katotohanang realidad.) Sa panahon ng pagliligtas sa mga tao, binibigyan ng Diyos ang lahat ng maraming pagkakataon. Bibigyan ng Diyos ang mga tao ng isa, dalawa, tatlo, o limang taon para pumasok sa katotohanan. Sa panahong ito, bibigyang-liwanag din ng Diyos ang mga tao at aakayin Niya ang mga ito. Ngunit kung hindi kailanman tatanggapin ng mga tao ang inspirasyon at paggabay ng Banal na Espiritu, at hindi tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan kahit kaunti, kung gayon ay susukuan sila ng Diyos. Ano ang ibig sabihin kapag sinukuan na ng Diyos ang isang tao? Ipinapaubaya ng Diyos ang taong ito kay Satanas at hinahayaan si Satanas na gawin ang anumang nais nito. Kung gayon, mahirap sabihin kung ang taong ito ay mabubuhay o mamamatay; maaari siyang pahirapan ni Satanas hanggang mamatay anumang oras at sa anumang lugar. Samakatwid, napakadelikadong manampalataya sa Diyos nang hindi hinahangad ang katotohanan! Nakita na ba ninyo nang malinaw ang usaping ito? (Oo.) Dapat ninyong tandaan ito. Kung gayon, ano ang pinakamahalagang bagay sa pananampalataya sa Diyos? Ang pag-unawa sa katotohanan ang pinakamahalaga, at ang pagsasagawa sa katotohanan ay mas mahalaga pa. Tanging yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring magkaroon ng pagbabago sa kanilang buhay disposisyon; tanging yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ang mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos; at tanging yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring maging mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kung gayon, ano ang pangako ng Diyos sa mga sumusunod sa kalooban ng Diyos? Ito ay ang hayaan silang magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit, tulad lang ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Dapat makita nang malinaw ng mga tao ang usaping ito, kung hindi, ang iyong pananampalataya sa Diyos ay magiging medyo magulo, at sa huli, wala kang makakamit. Kung makikita mo nang malinaw ang usaping ito, mauunawaan mo kung ano ang ibig sabihin ng manampalataya sa Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang makapagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit. Malalaman mo kung anong uri ng mga tao ang inililigtas at ginagawang perpekto ng Diyos, at pagkatapos ay natural mong matatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kung, sa huli, maisasabuhay mo ang ilang katotohanang realidad at makakapagbigay ka ng ilang tunay na patotoong batay sa karanasan, kung gayon, ang iyong pangalan ay natural na maitatala sa aklat ng buhay. Alam ba ninyo kung ano ang tinutukoy ng aklat ng buhay? Ito ay na itinatala ng Diyos ang mga pangalan ng lahat ng may karanasan sa buhay sa isang aklat, at ang aklat na ito ay ang aklat ng buhay. Lahat ng nagbibigay ng tunay na patotoong batay sa karanasan ay mga taong nagkamit ng buhay, at ang kanilang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. Kung gayon, kapag dumating ang malaking kalamidad, mamamatay pa rin ba ang mga taong ito? (Hindi.) Nagkamit na sila ng buhay, kaya hindi sila mamamatay. Ngunit may ilang taong nanampalataya sa Makapangyarihang Diyos nang walang anumang karanasan sa buhay. Mananatili ba silang buhay? Wala silang karanasan sa buhay, hindi nila alam kung paano isagawa ang katotohanan, at hindi sila nakapasok sa katotohanang realidad. Ang gayong mga tao ay walang bahagi sa aklat ng buhay at tiyak na hindi mananatiling buhay. Kung gayon, bakit walang bahagi sa aklat ng buhay ang mga taong hindi kayang isagawa ang katotohanan? Dahil hindi nila nakamit ang katotohanan. Kung tunay na makakamit ng mga tao ang katotohanang ipinahayag ni Cristo, kung gayon ay nakamit na nila ang buhay ni Cristo. Kung hindi nakamit ng mga tao ang katotohanan, paano sila magkakaroon ng buhay? Kung hindi nagkamit ng buhay ang mga tao, kung gayon ay kapareho sila ng mga walang pananampalataya. Anong uri ng mga tao ang mga walang pananampalataya? Sa mga mata ng Diyos, ang mga walang pananampalataya ay mga hayop. Gaano man kataas ang antas ng kanilang edukasyon, hangga’t hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, sila ay mga hayop. Kung kaya rin nilang labanan ang Diyos, sila ay mga diyablo. Mayroon lamang ng dalawang kategoryang ito ng mga walang pananampalataya: Yaong mga hindi lumalaban sa Diyos ngunit madalas na naghahangad ng kasikatan, pakinabang, katayuan, at nagpapasasa sa mga kalayawan ay mga hayop, at yaong mga nagkakaila at lumalaban sa Diyos ay mga diyablo. Kung gayon, sino ang wawasakin sa malaking kalamidad ng mga huling araw? Yaong sa mga diyablo at mga hayop ay pawang mga puntirya para sa pagkawasak. Sinasabi ng ilang tao, “Tingnan mo yaong mga may kapangyarihan, kayamanan, at katayuan. Namumuhay sila nang napakaginhawa ngayon. Mamamatay ba talaga sila sa mga sakuna?” Ang mga walang pananampalatayang ito ay namumuhay nang napakaginhawa ngayon, ngunit sino ang nakakaalam kung anong sakuna ang darating sa kanila at magiging sanhi ng kanilang pagkamatay. Ngayon, ang mga sakuna ay palaki nang palaki, at lahat ng uri ng salot, digmaan, at taggutom ay dumating na. Anumang sakuna ang dumating, may ilang taong mamamatay. Anumang uri ka ng tao, gaano man kalaki ang iyong kapangyarihan, kayamanan, o katayuan, hangga’t hindi mo tinatanggap ang katotohanan, maaari kang mamatay anumang oras at sa anumang lugar. Kung gayon, sabihin mo sa akin, ano ang huling kalalabasan ng mga taong naghahangad ng kasikatan, pakinabang, katayuan, at kalayawan ng laman? Maaari silang mamatay anumang oras. Inililigtas ng Diyos yaong mga naghahangad sa katotohanan. Lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan at sa huli ay hindi nakamit ang anumang katotohanan ay mamamatay sa malalaking kalamidad; walang sinumang makakatakas.
Sinasabi ng ilang tao, “Nagsimula na ang malalaking kalamidad. Kung ngayon lang tayo magsisimulang maghangad ng katotohanan, maaari pa ba natin itong makamit?” Nakasalalay ito sa kung paano mo ito hahangarin. Ang paghahangad sa katotohanan ay nangangailangan ng kakayahang magdusa ng hirap at magbayad ng halaga; kung walang pagdurusa at pagbabayad ng halaga, ito ay talagang imposible. Kung gayon, mayroon na ba kayong determinasyon ngayon na magdusa ng hirap at magbayad ng halaga alang-alang sa paghahangad sa katotohanan? Kaya ba ninyong talikuran ang mga bagay-bagay at gugulin ang inyong sarili para sa Diyos? Kaya ba ninyong mamuhay nang hindi para sa mga kapakanan ng laman? Kung kaya mong mamuhay nang hindi para sa iyong sariling laman, kasikatan, pakinabang, katayuan, o reputasyon, kundi para lamang makamit ang katotohanan, at para maligtas at mapalugod ang Diyos, kung gayon ay maisasagawa mo ang katotohanan at matatalikuran ang lahat. Ito ay pagbibigay ng tunay na patotoo, at ang gayong tao ay mahalaga sa mga mata ng Diyos. Paano naman yaong mga namumuhay para sa laman at hindi ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos kahit kaunti? Hindi nila isinasagawa ang katotohanan, kaya wala silang patotoo. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ginugugol ang aking sarili para sa Diyos dahil marami akong paghihirap.” Totoo na marami kang paghihirap, ngunit kung hindi mo kayang gugulin ang iyong sarili para sa Diyos, at hindi mo kayang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, taos-puso ba ang iyong pananampalataya sa Diyos? (Hindi.) Ang gayong tao ay hindi taos-pusong nananampalataya sa Diyos. Kung palagi mong isinasaalang-alang ang laman, nag-iimbot sa mga makamundong bagay, nag-iimbot sa mga kalayawan ng laman, at nag-iimbot sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hindi ka namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, lalo nang hindi mo natutugunan ang mga hinihingi ng Diyos, kung gayon, nasaan ang iyong sinseridad sa pananampalataya sa Diyos? Kung mayroon kang sinseridad, mauunawaan mo ang katotohanan, magugugol mo ang iyong sarili para sa Diyos, at matatalikuran mo ang lahat ng mayroon ka para sa Diyos. Ito ay pagbibigay ng tunay na patotoo. Kahit na hindi mo kayang ganap na talikuran ang lahat ngayon, dapat kaya mo man lang talikuran ang isang bahagi nito at gampanan ang ilang tungkulin, tama ba? Kung wala kang kayang talikuran kahit kaunti at wala kang kayang gampanang anumang tungkulin, kung gayon ay wala kang patotoo. Samakatwid, dahil maliit ang iyong kasalukuyang tayog, dapat mo munang talikuran ang isang bahagi. Pagkatapos, sa pamamagitan ng paghahangad at pag-unawa sa katotohanan, dahan-dahan, magagawa mo munang talikuran lamang ang isang bahagi at pagkatapos ay magagawa mo nang talikuran ang paparami nang paparami pa, at sa huli, magagawa mong talikuran ang lahat at gugulin ang iyong sarili para sa Diyos. Hindi ba’t ito ay pagbibigay ng patotoo? (Oo.) Ang buhay pagpasok ng mga tao ay dapat dumaan sa prosesong ito. Kapag nakakaunawa ka ng kaunting katotohanan, may kaunti kang tatalikuran. Kapag nakakaunawa ka ng mas maraming katotohanan, mas marami kang tatalikuran. Kapag lubos mo nang nauunawaan ang katotohanan, magagawa mo nang talikuran ang lahat. Ito ang paglago ng iyong buhay. Habang patuloy na lumalago at nahihinog ang iyong buhay, ang iyong pagtalikod ay magiging mas ganap, at magbibigay ka ng tunay na patotoo. Pinapatunayan nito na nagbibigay ka ng patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos, na taglay mo ang katotohanan bilang iyong buhay, at na mayroon kang bahagi sa aklat ng buhay. Tingnan mo, kapag nagbibigay ang mga tao ng gayong maganda at matunog na patotoo, ang kanilang mga pangalan ay naitatala sa aklat ng buhay. Kung gayon, sabihin ninyo sa akin, hindi ba’t pinagpala ang gayong mga tao? (Oo.) Ngunit paano tinitingnan ng mga walang pananampalataya ang gayong mga tao? Huhusgahan nila ang mga ito, sasabihing, “Hindi kayo namumuhay nang maginhawa, hindi kayo kumikita ng pera, ang alam lang ninyo ay talikuran at gugulin ang inyong sarili para sa Diyos. Mga hangal kayo, mapurol ang inyong isip!” Kaya, ngayon, ang ilang tao, upang makatuon sa paggugol ng kanilang sarili para sa Diyos, ay tinalikuran ang kanilang mga trabaho at pag-aasawa, at tinatawag na mga hangal at baliw ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Ngunit sa mga mata ng Diyos, sila ay matatalinong tao, mga taong minamahal at sinasang-ayunan ng Diyos. Habang mas hinuhusgahan, sinisiraang-puri, at kinokondena sila ng mga walang pananampalataya, mas sinasang-ayunan at pinagpapala sila ng Diyos, at sa huli, ang mga taong ito ay magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng langit. Ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa at hindi nakauunawa sa katotohanan ay hindi kayang makita nang malinaw ang usaping ito. Iniisip nila, “Hindi tayo dapat tawaging mga baliw at hangal ng mga walang pananampalataya. Masyadong malaking kahangalan iyon. Dapat tayong maging matatalinong tao sa mga mata ng mga walang pananampalataya; ito ang pagiging isang madunong na tao.” Ang mga taong may ganitong pananaw ba ay tunay na madunong? (Hindi.) Hindi nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at sumusunod lang sa mga kalakaran ng mundo. Sila ang mga pinakahangal na tao. Alang-alang sa paghahangad sa katotohanan, nagdurusa ang isang tao ng ilang hirap at hinuhusgahan, sinisiraang-puri, kinokondena, at itinatakwil ng mga walang pananampalataya, ngunit ang gayong tao ang pinakamabuting tao sa mga mata ng Diyos, isang taong naligtas, isang taong sinasang-ayunan ng Diyos. Sa pananampalataya sa Diyos, dapat nating hangarin na maging mga taong sinasang-ayunan ng Diyos. Hindi natin kailangan ang pambobola ng mga walang pananampalataya, ni hindi natin kailangan ang kanilang pag-unawa. Hayaan nating kondenahin tayo ng mga walang pananampalataya sa anumang paraang nais nila; hindi matutukoy ng kanilang pagkondena ang ating kalalabasan. Hindi natin sila kailangang bigyan ng anumang pansin. Dapat mong malaman na ang mundong ito ay madilim at buktot, at ang mga walang pananampalataya ay walang normal na pagkatao. Sila ay mga hayop, sila ay mga diyablo at mga Satanas. Kung hahangarin mo ang katotohanan, natural kang kokondenahin ng mga walang pananampalataya at itatakwil ng mundo. Ito ay isang usapin ng pagdurusa, at hindi ito makakayanan ng mga ordinaryong tao. Ang ilang tao ay madalas pang manalangin nang lumuluha, “O Diyos, hindi ako gusto ng aking pamilya, ng aking mga kamag-anak, at ng aking mga kaibigan, lahat sila ay hinuhusgahan, kinokondena, at itinatakwil ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko na alam kung paano mananampalataya sa Iyo; hindi ko na alam kung paano susunod sa Iyo. Wala akong lakas.” Nauunawaan ba ng mga taong tulad nito ang katotohanan? (Hindi.) Hindi nila makilatis ang maliit na bagay na ito na nangyayari sa kanila at wala silang pananalig na sumunod sa Diyos. Sabihin ninyo sa akin, hindi ba’t napakaliit ng kanilang tayog? (Oo.) Napakaliit ng tayog ng gayong mga tao, kaya dapat natin silang tulungan at suportahan nang may mapagmahal na puso. Normal para sa mga tao na magkaroon ng maliit na tayog at hindi makilatis ang usaping ito kapag nagsisimula pa lang silang manampalataya sa Diyos. Hindi ba’t ang tayog ng lahat ay nagsisimula nang maliit at unti-unting lumalaki? Kapag maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos at marami nang naranasan sa gawain ng Diyos, lalago ang iyong tayog, at makikilatis mo ang mga bagay na ito. Paano ka man kondenahin at itakwil ng mga walang pananampalataya, hindi mo na mararamdaman na nagdurusa ka. Sa halip, mararamdaman mo, “Ang mga walang pananampalataya ay mga diyablo; sila ang kinamumuhian ng Diyos. Hindi ako makikinig sa kanila. Ibang landas ang tinatahak ko kaysa sa kanila; dapat akong magtakda ng malinaw na hangganan sa pagitan namin!” Ang mga pangalan ng gayong mga tao ay maitatala sa aklat ng buhay, at sila ay magiging mga taong pinagpala. Kung nais ng mga tao na matanggap ang pagpapalang ito, dapat silang magdusa ng maraming hirap. Dapat mong harapin nang tama ang lahat ng bagay na ito at magsumikap na hangarin ang katotohanan at manindigan sa iyong patotoo.
Ngayon, may ilang taong kayang hangarin at isagawa ang katotohanan, ngunit kapag nagsasagawa sila, palaging may mga paglihis. Lumilihis sila pakaliwa o pakanan, at hindi nila kailanman maarok ang mga prinsipyo. Paano dapat tratuhin ang gayong mga tao? (Magbahagi pa ng katotohanan para suportahan at tulungan sila.) Tama iyan. Tratuhin sila nang may mapagmahal na puso at tulungan sila nang may mapagmahal na puso. Hindi dapat kalimutan ang prinsipyong ito. Kung ang ilang tao ay may ilang paglihis o paminsan-minsan ay medyo baluktot sa pagsasagawa ng katotohanan, dapat ba silang kondenahin, atakihin, o ihiwalay? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil walang katotohanan ang mga tao, at sa proseso ng pagsasagawa, tiyak na magkakaroon ng mga paglihis at kapintasan. Normal lang ito; walang sinumang makakaiwas dito.) Kung gayon, kung may magbansag sa kanila, na nagsasabing, “Wala silang espirituwal na pang-unawa, sila ay katawa-tawa, dapat silang itiwalag,” tama ba ito? (Hindi.) Ito ay isang malubhang paglabag sa mga prinsipyo, at nagpapakita ito ng kawalan ng pagmamahal sa mga taong ito. Kung ang gayong tao ay isang lider o isang manggagawa, maaari nilang pinsalain at sirain ang kanilang mga kapatid. Samakatwid, kapag ang ating mga kapatid ay may ilang paglihis paminsan-minsan o paminsan-minsan ay medyo baluktot sa pagsasagawa ng katotohanan, dapat talaga natin itong tratuhin nang tama. Hindi natin sila dapat husgahan o kondenahin, at hindi natin dapat palakihin ang isyu, at lalong hindi natin sila dapat bansagan bilang walang espirituwal na pang-unawa o katawa-tawa, o kondenahin sila bilang mga puntirya para sa pagtitiwalag ng Diyos. Kung ganito ang pagtrato mo sa mga tao, magiging napakalubha ng mga kahihinatnan, at maaari mo pa silang masira. Dapat tayong maging responsable para sa ating mga kapatid; hindi natin dapat pinsalain o sirain ang mga tao sa ating mga kilos. Ngayon, may ilang taong gumawa ng gayong mga bagay, kaya dapat kong tukuyin ang mga ito upang matuto sila ng isang aral. Bihira para sa mga kapatid na matanggap ang Makapangyarihang Diyos at matalikuran at maigugol ang kanilang sarili para sa Diyos. Ang gayong mga tao ay may kaunting sinseridad sa mga mata ng Diyos. Kahit na mayroon silang ilang paglihis sa paggampan ng kanilang tungkulin, hindi natin sila dapat husgahan, kundi dapat natin silang taimtim na tulungan at suportahan. Lahat ay nakagawa na ng maraming maling bagay sa kanilang buhay. Sa partikular, kapag nagsisimula pa lang manampalataya sa Diyos ang mga tao at wala pang malinaw na pagkaunawa sa katotohanan, madaling magkaroon ng mga paglihis at maging ng mga pagsalangsang sa kanilang mga kilos. Hindi ba’t ito ay isang katunayan? (Oo.) Kaya hinding-hindi mo dapat kaswal na kondenahin ang mga tao. Kung ang kanilang mga kilos ay lumalabag sa mga prinsipyo, ang pinakamahusay na paraan, ang paraang naaayon sa mga layunin ng Diyos, ay ang diligan, suportahan, at paglaanan sila nang may mapagmahal na puso. Kung tutukuyin natin kung saan sila lumabag sa mga katotohanang prinsipyo at pagbabahaginan nang lubusan ang mga katotohanang prinsipyo, at nauunawaan nila at handa silang magsisi, kung gayon ay matatanggap nila ang katotohanan, at dapat natin silang tulungan at suportahan nang higit pa nang may mapagmahal na puso. Kung, gaano man tayo makipagbahaginan ng katotohanan at tumulong sa kanila, naunawaan nila ngunit hindi ito tinatanggap at patuloy na kumikilos sa ganoong paraan, at nagdudulot pa ng mga paggambala at panggugulo sa gawain, kung gayon ay dapat natin silang tratuhin nang seryoso. Maaari nating dalhin ang kanilang mga pagpapamalas sa iglesia at pagbahaginan ang mga ito kasama ang hinirang na mga tao ng Diyos at hayaan ang lahat na sukatin kung paano sila haharapin ayon sa mga prinsipyo. Haharapin natin sila sa anumang paraan na sabihin ng lahat. Ito ang paraan ng pagtrato sa mga tao alinsunod sa mga prinsipyo. Talagang hindi mo dapat ilarawan o harapin ang mga tao dahil lang sa hindi maganda ang kanilang saloobin sa loob ng isang sandali o dahil naninindigan sila sa kanilang sariling mga pananaw. Dapat natin silang bigyan ng kaunting panahon, hayaan silang dumanas sa loob ng isa o dalawang buwan, at tingnan kung kumusta ang kanilang paggampan, kung makakagawa sila ng ilang pagbabago, at pagkatapos ay magpasya sa tamang paraan ng pagharap sa kanila. Ito ay dahil ang ilang tao ay hindi naman talaga ayaw tanggapin ang katotohanan. Sa simula, sadyang matigas ang ulo nila kapag nagsasalita at hindi inaamin ang kanilang mga pagkakamali. Sa katunayan, ang kanilang puso ay dahan-dahang lalambot sa proseso ng pagdanas, at pagninilayan nila ang kanilang sarili. Pagkatapos ng ilang panahon, makikilala nila na ang mga pananaw na kanilang pinanghawakan ay talagang mali, na ang kanilang ibinunyag ay pawang isang tiwaling disposisyon, at na talagang dapat silang magsisi at magbago. Tingnan mo, kung hindi mo bibigyan ng panahon ang gayong mga tao, hindi ba’t hinahayaan mo silang mapalampas ang kanilang pagkakataong maligtas? Hindi ba’t katumbas ito ng pamiminsala at paninira sa kanila? Hindi madali para sa mga tao na makamit ang pagkakataong maligtas. Kung sisirain natin ang pagkakataong ito para sa kanila, iyon ay paggawa ng masama, at maiiwan tayo na may walang hanggang pakiramdam ng pagkakautang. Sa lahat ng mga taon na ako ay gumagawa, madalas kong sinusuri ang aking sarili, iniisip, “Nagpaalis o nagpatalsik na ba ako ng isang tao nang hindi tama? Maaari kayang dahil sa isang bagay na hindi ko sinabi nang malinaw sa mga pagsasaayos ng gawain na aking inilabas, mahigpit na ipinatupad ng mga tao sa ibaba ang mga regulasyon at nagpaalis o nagpatalsik ng isang tao nang hindi tama?” Sa paglilingkod sa Diyos, palagi kong sinusuri ang aking sarili sa ganitong paraan. Dapat kong tiyakin na sa proseso ng paglilingkod sa Diyos at paggampan ng aking tungkulin, hindi ako namiminsala ng sinuman, at hindi sinisira ang pagkakataon ng sinuman na maligtas. Dagdag pa rito, mula sa isang positibong perspektiba, dapat ko ring pagsikapang diligan nang maayos ang lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos, upang maunawaan ng lahat ang katotohanan at malaman kung paano tratuhin at harapin ang mga tao. Dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang matiyak na walang mga taong napaalis o napatalsik mula sa iglesia nang hindi tama. Tanging sa ganitong paraan magiging malinis ang aking konsensiya, at mararamdaman ko ang kapayapaan at kagalakan sa aking puso. Samakatwid, kada tatlo hanggang limang taon, naglalabas ako ng isang pagsasaayos ng gawain sa mga iglesia sa mainland China, na nagsasabing, “Mayroon ba sa mga dating napaalis o napatalsik ng iglesia na tunay na nagsisi? Kung may ilang taong talagang nagpapakita ng mga pagpapamalas ng pagsisisi, dapat silang tanggapin pabalik. Mayroon ding ilan na pumirma sa Tatlong mga Pahayag. Kung sila ay taos-puso sa paggampan ng kanilang tungkulin sa nakaraan at ang kanilang pagkatao ay medyo mabuti, at dahil lamang sa isang pansamantalang kahinaan ng laman kaya hindi nila nakayanan ang pagpapahirap at pumirma sila sa Tatlong mga Pahayag, at pagkatapos pumirma, sila ay labis na nasasaktan at nagsisisi, hanggang sa punto na nais na nilang mamatay, ngunit pagkatapos niyon, nagpatuloy pa rin sila sa pananampalataya sa Diyos at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nakapangaral din ng ebanghelyo at nakapagkamit ng ilang tao, kung gayon, ang gayong mga tao ay maaari ding tanggapin pabalik at bigyan ng isa pang pagkakataon.” Hindi ba’t ginawa ko ito sa loob ng mga taong ito? (Oo.) Bakit ko ginagawa ito? Dahil ang mga tao ay nagdusa ng maraming hirap sa kanilang buhay, at hindi madaling magkamit ng pagkakataong manampalataya sa Diyos at maligtas. Kung sila ay mga taos-pusong mananampalataya sa Diyos, at pinaalis o pinatalsik natin sila dahil lang sa nagbunyag sila ng labis na katiwalian o may ilang pagsalangsang, hindi ba’t hindi iyon patas sa kanila? Kung ang mga taong ito ay tunay na nagsisi at hindi natin sila tinanggap pabalik, hindi ba’t binibigo natin ang Diyos? (Oo.) Hindi natin maaaring biguin ang mga tao, at ang mas mahalaga, hindi natin maaaring biguin ang Diyos. Ang layunin ng Diyos ay na maligtas ang lahat, at hindi Niya nais na masadlak sa perdisyon ang sinuman. Kaya, kapag nakikita ng Diyos ang isang taos-pusong mananampalataya sa Diyos na napapaalis o napapatalsik, ano ang nararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso? Malulugod ba ang Diyos? Hindi ba’t masasaktan ang Diyos? Ito ang mga bagay na dapat pagnilayan ng lahat.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.