Mga Sagot ng Ang Itaas sa mga Tanong ng Hinirang na mga Tao ng Diyos Mula sa Buong Mundo (7)

Ang Pagbabahagi Mula sa ang Itaas na Brother – Nobyembre 17, 2025 (Ikapitong Bahagi)

Tanong 14: Hindi ko pa nauunawaan ang katotohanan at hindi ko kayang kumilatis ng mga tao. Hindi ko alam kung paano makikilala ang mga tao at malalaman ang tungkol sa kanilang sitwasyon kapag nangangaral ng ebanghelyo, para makumpirma ko kung sila ay isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Pakiusap, ibahagi mo ang tungkol sa landas para dito.

Sagot: Kung hindi mo alam kung paano kumilatis ng mga tao, sasabihin ko sa iyo ang isang simpleng paraan. Una, pagmasdan mo ang mga salita at kilos ng tao para makita kung mukha siyang mabuting tao. Kung wala siyang katwiran sa kanyang mga salita at kilos, hindi siya tinatablan ng katwiran, at palagi siyang namiminsala at nambibiktima ng iba, ipangangaral mo pa rin ba sa kanya ang ebanghelyo? (Hindi.) Kung mukhang mabuti ang tao, nagsasalita nang napakamakatwiran at napakapraktikal, at kayang tanggapin ang katotohanan, dapat nating ipangaral sa kanya ang ebanghelyo. Paano kung mayroon siyang mahusay na kakayahan at abilidad na umarok, pero hindi ka nakakaunawa ng maraming katotohanan, at kapag nagtatanong siya, hindi ka makapagbahagi nang malinaw at hindi mo siya lubos na mahikayat, at dahil dito, nabibigo kang maipasok siya? Hindi ba’t ito ay isang bagay na madalas mangyari kapag nangangaral ng ebanghelyo? (Oo.) Sa harap ng gayong kabiguan, tama bang saloobin ang basta na lang itong tratuhin nang negatibo? (Hindi.) Kung gayon, paano mo ito dapat tratuhin? (Patuloy na sangkapan ang sarili ko ng katotohanan.) Kailangan mong malaman na nangyayari ang ganitong uri ng kabiguan dahil kulang tayo sa katotohanan; nabigo tayong maipasok siya dahil hindi tayo nakapagbahagi tungkol sa katotohanan nang lubusan at malinaw. Hindi niya ito kasalanan, at hindi dahil sa hindi niya kayang maunawaan ang katotohanan. Samakatwid, dapat nating sangkapan ang ating sarili ng katotohanan para malutas ang problemang ito. Anong aral ang matututuhan ng isang taong naghahanap ng katotohanan mula rito? Mapagtatanto niya, “Napakababa ng aking tayog, at labis akong nagkukulang sa katotohanan. Kapag nakakatagpo ako ng isang taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, hindi ko masagot ang kanyang mga tanong gaano man ako makipagbahaginan. Mukhang hindi talaga epektibo ang pangangaral ng ebanghelyo kung hindi nauunawaan ang katotohanan. Ngayon ko lang nakikita kung gaano ako karukha at kahabag-habag. Dapat kong taimtim na sangkapan ang aking sarili ng katotohanan!” Sa pamamagitan ng kabiguang ito, nakikilala niya kung gaano siya karukha at kahabag-habag, at nakikita niya na hindi sapat na magkaroon lang ng determinasyon na mangaral ng ebanghelyo nang hindi nauunawaan ang katotohanan; kung hindi nauunawaan ang katotohanan, hindi mo maipapasok ang mga tao. Sa ganitong paraan, lumilitaw sa kanya ang isang pusong nananabik sa katotohanan. Hindi ba’t isa itong pakinabang? (Oo.) Kung makakatagpo ka ng isang tao at mangangaral ka sa kanya ng ebanghelyo, at hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti gaano ka man makipagbahaginan tungkol dito, at patuloy ka niyang pinabubulaanan at patuloy siyang gumagamit ng mapanlinlang na pangangatwiran, nakikipagtalo kahit na siya ang mali, matutuklasan mo na ang taong ito ay isang diyablo, isang masamang tao. Sasabihin mo sa iyong sarili, “Hinding-hindi tatanggapin ng masasamang tao ang katotohanan, at hindi inililigtas ng Diyos ang masasamang tao. Pero patuloy pa rin akong nangaral ng ebanghelyo sa kanya. Hindi ba’t ito ay kahangalan, kamangmangan, at pag-aaksaya ng pagsisikap? Talagang hindi ko nauunawaan ang layunin ng Diyos! Susukuan ko na siya at titigilan ko na ang pangangaral ng ebanghelyo sa kanya.” Pagkatapos mabigo nang ilang beses sa pangangaral sa masasamang tao, magkakaroon ka ng ganitong pagkilatis. Pagkatapos ay mauunawaan mo kung bakit hindi inililigtas ng Diyos ang masasamang tao. Hindi dahil sa kulang sa mapagmahal na puso ang Diyos o hindi Siya mahabagin sa kanila; ito ay dahil tumatanggi ang masasamang tao na tanggapin ang katotohanan anuman ang mangyari. Matigas ang ulo nilang tinatanggihan ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos, kaya hindi sila inililigtas ng Diyos. Ang gayong mga tao ay nakatadhana para sa pagkalipol. Kapag naunawaan mo na ang mga bagay na ito, hindi ba’t natuto ka na ng isang aral? (Oo.) Samakatwid, ang susi sa pagkilatis sa mga tao ay ang tingnan ang kanilang saloobin sa katotohanan. Kung kaya mong kumilatis ng mga tao sa ganitong paraan, magagawa mong kilatisin kung ang isang tao ay mabuti o masama. Kung makikipagbahaginan ka sa isang tao tungkol sa katotohanan at hindi niya ito tinatanggap kahit kaunti, malamang na isa siyang masamang tao. Pero hindi natin siya dapat pikit-matang tukuyin nang ganito. Maaari mo siyang basahan ng ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi pa rin niya tinatanggap ang mga ito at nagpapatuloy siya sa paghusga at pagkondena, makikita mo na ang kanyang tunay na kulay. Hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti at isa siyang masamang tao, at hindi mo na kailangang mangaral pa ng ebanghelyo sa kanya. Kaya, hindi ba’t natuto ka ng maraming aral sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo? Nalaman mo na kung ano ang masasamang tao at kung bakit hindi sila inililigtas ng Diyos, at sa sandaling makilatis mo na ang kanilang tunay na kulay, magkakaroon ka na ng pagkilatis. Samakatwid, malaki ang naitutulong ng pangangaral ng ebanghelyo para ang mga tao ay makaunawa sa katotohanan at lumago sa buhay. Ito ay dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, nakakasalamuha mo ang lahat ng uri ng mga tao araw-araw: Mga tao sa relihiyon, mga walang pananampalataya, iyong mga tumatanggap sa katotohanan at iyong mga hindi, iyong mga nagmamahal sa katotohanan at iyong mga namumuhi rito, pati na rin ang iba’t ibang masasamang espiritu, mga diyablo, at mga Satanas—makakatagpo ka ng bawat uri ng tao. Kung tutuon ka sa paghahanap sa katotohanan, pagkatapos makisalamuha sa lahat ng uring ito ng mga tao, magagawa mong maunawaan ang ilang katotohanan at malalaman mo kung paano tingnan at kilatisin ang mga tao. Sa susunod na makisalamuha ka sa isang tao, mabilis mong makikilatis kung anong uri siya ng tao at malalaman mo kung paano siya tratuhin ayon sa mga prinsipyo at nang may karunungan. Sa ganitong paraan, hindi ba’t magiging angkop ka para gamitin ng Diyos? Kung wala kang pagkilatis sa mga tao, wala kang magiging mga prinsipyo sa pagtrato mo sa kanila, at hindi ka magiging angkop para gamitin ng Diyos.

Tanong 15: Paano ko makikilatis ang kalikasang diwa ng isang tao at malinaw na makikita kung siya ay isang mabait na tao o isang buktot na tao?

Sagot: Ang isang paraan para makilatis ang kalikasang diwa ng isang tao ay sa pamamagitan ng kanyang hitsura. Kayang tukuyin ng mga taong may karanasan ang kalikasang diwa ng isang tao mula sa kanyang hitsura. Kung ang isang tao ay mukhang malupit, at natatakot o kinikilabutan ang mga tao kapag tumitingin sa kanya, matutukoy ng isang taong may karanasan na tiyak na isa siyang masamang tao. Kung hindi mo matukoy sa pamamagitan ng hitsura ng isang tao, maaari mong gamitin ang katotohanan para kilatisin siya. Maaari mo siyang basahan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para makita kung ano ang kanyang saloobin. Kung minamahal niya ang katotohanan at kaya niya itong tanggapin, isa siyang mabuti at mabait na tao. Kung nasusuklam siya sa katotohanan, anuman ang hitsura niya, isa siyang diyablo at isang Satanas, at tiyak na hindi isang mabuting tao. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Madalas sabihin na “Ang katotohanan ang siyang pinakanagbubunyag sa tao,” at ito ang tinutukoy ng pahayag na ito. Kahit sino pa ang isang tao, mabubunyag ang kanyang tunay na kulay sa harap ng katotohanan. Kung minamahal ba ng isang tao ang katotohanan o hindi ay nabubunyag sa isang iglap kapag sinusukat siya sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Kung ang isang tao ba ay masamang tao o hindi ay ganap ding nabubunyag kapag sinusukat siya sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sabihin ninyo sa akin, minamahal ba ng mga lider ng mundo ng relihiyon ang katotohanan? (Hindi.) Ang tanging minamahal nila ay kapangyarihan at katayuan. Hindi nila tinatanggap ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at nilalabanan at kinokondena pa nga nila ang katotohanan. Sa ganitong paraan, silang lahat ay nabunyag na. Sila ang masasamang tao at mga anticristo na lumalaban sa Diyos. Samakatwid, ang katotohanan ang siyang pinakanagbubunyag sa tao, at ang paggamit sa katotohanan para kumilatis ng mga tao ang pinakatumpak na paraan.

Tanong 16: Kapag naghahanap ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, hindi ako masyadong magaling sa pagkilatis kung sinong mga tao ang may gawain ng masasamang espiritu sa kanila o kung anong mga pagpapamalas ang idinudulot nito sa kanila. Maaari bang makipagbahaginan ang brother tungkol sa mga prinsipyo para sa pagsusuri nito?

Sagot: Paano mo makikilatis kung sinong mga tao ang may gawain ng masasamang espiritu sa kanila? Sabihin ninyo sa akin, ang mga tao bang may hindi normal na pag-iisip ay may gawain ng masasamang espiritu sa kanila? (Oo.) Ang ilang tao ay normal ang pag-iisip kung minsan, pero minsan ay bigla silang nababaliw o nawawala sa sarili. Mayroon ba silang gawain ng masasamang espiritu sa kanila? (Mayroon.) Ang ilang tao ay nagsasalita na parang tao kung minsan, pero sa ibang pagkakataon ay nagsasalita sila ng mga maladiyablong salita. Mayroon ba silang gawain ng masasamang espiritu sa kanila? (Mayroon.) Ang ilang tao ay palaging may masasamang espiritu sa kanilang puso na nag-uutos sa kanila kung ano ang gagawin, at ang iba naman ay palaging nagsasalita sa ibang mga wika kapag nananalangin sila. Mayroon bang gawain ng masasamang espiritu sa mga taong ito? (Mayroon.) Ito ang mga uri ng pagpapamalas na ipinapakita ng mga taong may gawain ng masasamang espiritu. Pero ang ilang tao ay mukhang napakanormal sa panlabas, nang walang anumang sobrenatural na pagpapamalas. Hindi sila nagsasalita sa ibang mga wika, ni wala silang espiritu sa kanilang puso na nag-uutos sa kanila kung ano ang gagawin. Kaya paano mo matutukoy kung may gawain ng masasamang espiritu sa kanila? Dapat mong kilatisin ang ganitong uri ng tao batay sa kung ano ang sinasabi niya. Kung ang lahat ng sinasabi niya ay walang-katotohanan at palaging sumasalungat sa mga salita ng Diyos, at kung makikipagbahaginan ka sa kanya tungkol sa katotohanan pero tumatanggi siyang tanggapin ito anuman ang mangyari at patuloy na nagsasabi ng mga maling kaisipan, kung gayon, ang taong ito ay isang masamang espiritu. Maaaring sabihin ng isang tao, “Pero wala kaming nakitang anumang sobrenatural na gawain ng masasamang espiritu sa kanya.” Kaya wala kang nakitang mga pagpapamalas ng gawain ng masasamang espiritu ay dahil ipinanganak siyang isang diyablo; ipinanganak siya bilang reinkarnasyon ng isang masamang espiritu. Katulad lang ito ng mga opisyal na iyon ng CCP—wala silang anumang sobrenatural na pagpapamalas ng gawain ng masasamang espiritu, pero ipinanganak silang mga diyablo na lumalaban sa Diyos. Kaya, iba-iba ang mga sitwasyon ng mga taong may gawain ng masasamang espiritu. Ang isang uri ay hindi ang reinkarnasyon ng isang masamang espiritu; sa halip, kalaunan ay sinapian sila ng isang masamang espiritu. Magpapakita sila ng ilang sobrenatural na pagpapamalas. Ang isa pang uri ay ipinanganak bilang reinkarnasyon ng isang masamang espiritu. Hindi sila nagpapakita ng mga sobrenatural na pagpapamalas, kaya dapat nating tingnan ang kanilang saloobin sa katotohanan. Kung partikular nilang kinamumuhian ang katotohanan, kinamumuhian ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan, at kinamumuhian ang mga positibong bagay, ipinanganak sila bilang reinkarnasyon ng isang masamang espiritu. Samakatwid, ang pangunahing bagay na dapat tingnan kapag kinikilatis kung ang isang tao ay may gawain ng masasamang espiritu sa kanya ay kung kinamumuhian ba niya ang katotohanan. Hindi mo dapat ibatay ang iyong pagkilatis sa kung nagpapakita ba siya ng mga sobrenatural na pagpapamalas ng gawain ng masasamang espiritu. Kung gagamitin mo ang pamantayang iyon, hindi magiging ganap na tumpak ang iyong pagtatasa. Makikilatis mo lang ang ilang tao na malinaw na may gawain ng masasamang espiritu, tulad ng mga palaging nagsasalita sa ibang mga wika kapag nananalangin, na palaging may masasamang espiritu na kumakausap sa kanila, at patuloy na nagsasabing nakatanggap sila ng mga paghahayag, o na kayang malaman kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa, o kaya pa ngang malaman kung may dumating sa labas kahit hindi nila nakikita ito, at iba pa. Makikita mo lang na mayroon silang gawain ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng mga sobrenatural na bagay na ito. Kaya, paano mo kinikilatis ang mga hindi gumagawa ng mga sobrenatural na bagay na ito? Sasabihin ko sa inyo ang pinakatumpak na paraan: Kung ang isang tao, sa sandaling marinig ka niyang magbasa ng mga salita ng Diyos at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, ay nagiging mapanlaban at napupuno ng galit sa iyo, at nag-aalab sa apoy at namumula ang kanyang mga mata, ang taong iyon ay isang masamang espiritu, isang Satanas. Kung mayroon siyang anumang pagkatao, hindi siya gaanong mamumuhi sa katotohanan, ni magkakaroon ng ganoong tingin sa kanyang mga mata. Samakatwid, ang gayong tao ay isang masamang espiritu; partikular na kinamumuhian ng masasamang espiritu ang katotohanan. Kung palaging inaarok ng isang tao ang katotohanan sa isang partikular na balighong paraan, at gaano ka man makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, hindi siya matitinag mula sa kanyang mga walang-katotohanang pananaw, kung gayon, siya ay isang katawa-tawang espiritu. Kung makakakita ka ng isang tao na umaarok sa katotohanan sa isang partikular na balighong paraan, na napakagaling sa paglilito ng mga konsepto at paggamit ng mapanlinlang na pangangatwiran, siya ay isang balighong espiritu. Ang isang balighong espiritu ay lalo pang isang masamang espiritu. Pagkatapos ng pagbabahaginang ito, alam na ba ninyo ngayon kung paano kilatisin kung anong mga uri ng tao ang may gawain ng masasamang espiritu? (Oo.)

Tanong 17: Paano natin dapat tingnan ang pag-alis ng mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Sagot: Mayroong ilang sitwasyon kung saan umaalis ang mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang isang sitwasyon ay kapag ang isang tao na kasisimula pa lang sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos at hindi pa nauunawaan ang katotohanan ay nailihis ni Satanas. Ang gayong tao ay maaari pa ring sagipin, at dapat tayong muling makipagbahaginan sa kanya tungkol sa katotohanan para sagipin siya. Halimbawa, ang ilan na kasisimula pa lang sa pananampalataya ay nailihis ng negatibong propaganda; ang ilan ay ginugulo ng mga pastor ng relihiyon at umaatras; at ang ilan ay umaalis sa iglesia dahil sa matinding paghadlang mula sa kanilang mga pamilya. Ang mga taong ito ay pawang tinatangay ng lahat ng uri ng mga diyablo at mga Satanas dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Pero kung sila ay mabubuting tao na nagmamahal sa katotohanan at nailihis lang dahil hindi nila ito naunawaan, hindi ba’t dapat sagipin ang gayong mga tao? (Dapat.) Dapat sagipin ang gayong mga tao. Mayroon pang isang sitwasyon kung saan umaalis ang mga tao sa iglesia, iyon ay kapag umaalis ang isang tao pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng lima o anim na taon. Ang gayong tao ay talagang nakakaunawa na ng ilang katotohanan. Kahit na hindi siya makapagbahagi tungkol sa katotohanan nang malinaw, nauunawaan niya ang ilan dito sa kanyang puso. Kaya bakit aalis sa iglesia ang gayong tao? Ito ay dahil hindi niya minamahal ang katotohanan. Iniisip niya, “Araw-araw kayong nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, palaging tinatalakay ang paghahangad sa katotohanan at paggawa ng tungkulin. Ang palaging pakikinig dito ay walang kabuluhan sa akin; hindi ito kasingpraktikal ng pagkita ng pera at pamumuhay nang maganda. Ayaw ko nang manampalataya.” At sa gayon, umaalis siya sa iglesia para pumunta sa mundo upang kumita ng pera at mamuhay. Pero alam ba niya na ang mundong ito ay malapit nang wasakin ng malalaking kalamidad? Alam ba niya na isang panghuli at limitadong panahon na lang ang natitira para sa gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, at na kung palalampasin ng isang tao ang pagkakataong ito, hindi na siya magkakaroon ng isa pang oportunidad na matanggap ang pagliligtas ng Diyos? Alam ba niya na ang kalalabasan ng mga nang-iiwan sa Diyos para hangarin ang pera at ang mundo ay ang masadlak sa malalaking kalamidad at mawasak? Dapat niyang malaman ang mga bagay na ito. Kaya, kung alam niya ang mga bagay na ito, bakit kaya pa rin niyang umalis sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ito ay dahil hindi niya minamahal ang katotohanan, hindi siya naniniwala sa napakagandang destinasyon na ipinangako ng Diyos sa tao, at wala siyang tunay na pananalig sa Diyos. Iniisip niya, “Masyadong malabo ang ideya na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos at darating na ang malalaking kalamidad. Araw-araw kong nakikita ang pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran. Walang nagbago.” Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala ang Diyos ng malalaking kalamidad, na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, at na tayo ngayon ay nasa panghuling maikling panahon kung kailan inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Iniisip niya na marami pang oras, na ang mga bagay tulad ng malalaking kalamidad at ang pagkawasak ng sangkatauhan ay malayo pa, at na ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay ang mamuhay lang nang maayos. Ang ilan ay nagdududa pa nga at nag-iisip, “Palagi ninyong sinasabi na malapit nang dumating ang malalaking kalamidad, at na malapit na ang kalalabasan ng lahat ng bagay sa mundo. Paano iyon magiging posible? Sinusubukan ba ninyong ilihis ang mga tao?” Nagkaroon na sila ng mga pagdududa tungkol sa katotohanan, at ang gayong mga tao ang pinakamalamang na umalis sa iglesia. Kung aalis sa iglesia ang mga taong ito dahil sa dahilang ito, karapat-dapat pa rin bang subukang sagipin sila? (Hindi.) At paano kung ang isang tao na nanampalataya sa loob ng lima o sampung taon ay nailihis ng mga anticristo at masasamang espiritu? Karapat-dapat pa rin bang sagipin ang gayong tao? (Hindi.) Ang gayong mga tao ay walang espirituwal na pang-unawa at hindi nagmamahal sa katotohanan. Walang saysay na subukang sagipin sila. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan sa kanilang puso, kaya ang pagsubok na iligtas sila ay isang pag-aaksaya ng pagsisikap. Dapat nating gugulin ang ating oras at lakas sa mga taong nagmamahal sa katotohanan. Ang pagsagip sa mabubuting taong tulad nito ang siyang naaayon sa layunin ng Diyos.

Tanong 18: Iginigiit ng ilang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, “Imposibleng gumawa ang Diyos ng anumang iba pang gawain na lagpas sa kung ano sa Kanyang mga salita at gawain ang nakatala sa Bibliya.” Paano tayo dapat makipagbahaginan para malutas ang isyung ito? Dagdag pa rito, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ng gawaing ginagawa Niya sa Kapanahunan ng Kaharian?

Sagot: Naniniwala itong mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na hindi nagsasalita o gumagawa ang Diyos nang higit pa sa kung ano ang nakatala sa Bibliya. Pero nauunawaan ba talaga nila ang Bibliya? Naglalaman ang Bibliya ng maraming propesiya tungkol sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw para muling magsalita at gumawa. Halimbawa, ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Malinaw mula rito na ipapahayag ng Diyos ang katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Dahil ang gawain ng paghatol ay ang gawaing gagawin ng Diyos sa mga huling araw, tiyak na hindi ito maitatala sa Bibliya nang patiuna. Samakatwid, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay gawaing wala sa Bibliya. Ang pangangahas nitong mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na igiit na hindi nagsasalita o gumagawa ang Diyos nang higit pa sa kung ano ang nakatala sa Bibliya ay nagpapatunay na hindi nila nauunawaan ang Bibliya; pikit-mata silang humuhusga batay sa sarili nilang kalooban. Hindi ba’t hangal at mangmang ang gayong mga tao? (Oo.) Na ipapahayag ng Diyos ang katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian ay malinaw na ipinropesiya sa maraming bahagi sa Bibliya. Ang Panginoong Jesus Mismo ay nagsalita ng maraming salita na nagpopropesiya na muling magsasalita at gagawa ang Diyos sa mga huling araw. Halimbawa, ipinropesiya ng Panginoong Jesus “ang pagdating ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Kaya anong gawain ang gagawin ng Anak ng tao pagdating Niya? Darating Siya para ipahayag ang katotohanan at gumawa ng isang yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan. Maraming tao sa relihiyon ang naniniwala na ang Panginoon ay babalik lamang para dalhin paitaas ang mga mananampalataya sa kaharian ng langit. Mali ang pananaw na ito. Kung ganoon ang kaso, maaari na lang direktang dalhin paitaas sa himpapawid ng Panginoon ang mga tao pagdating Niya; hindi na Niya kakailanganing ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Kung gayon, paano matutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus na darating ang Espiritu ng katotohanan sa mga huling araw para ipahayag ang lahat ng katotohanan? Samakatwid, ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay hinding-hindi, gaya ng inaakala ng mga tao, para lang dalhin paitaas ang mga mananampalataya sa kaharian ng langit, kundi para ipahayag ang katotohanan at gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol. Kaya, anong mga resulta ang makakamit ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Lubusan Niyang dadalisayin ang tao, ililigtas ang tao, at gagawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Pauna itong itinakda ng Diyos sa panahon ng paglikha. Sa mga huling araw, gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa puso at isipan, dadalhin sila sa Kanyang kaharian, at sa wakas ay wawakasan ang masamang kapanahunang ito. Ito ang plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ito rin ang resultang makakamit ng Kanyang gawain ng paghatol. Kung hindi dadalisayin at ililigtas ng Diyos ang grupong ito ng mga tao at hindi sila dadalhin sa susunod na kapanahunan, ang Kanyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan at paggawa ng napakaraming gawain sa tao ay mauuwi sa wala, at ang Kanyang paglikha sa sangkatauhan ay mawawalan ng kabuluhan. Ano ang sinabi ng Diyos sa Genesis nang likhain Niya sina Adan at Eba? “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis(Genesis 1:26). Ang pahayag na ito ay natutupad at naisasakatuparan sa mga huling araw. Sa mga huling araw, dumating ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang lahat ng katotohanan. Kung makakamit ng mga tao ang katotohanan bilang kanilang buhay, isasabuhay nila ang wangis ng katotohanan, at ang wangis ng katotohanan ay ang wangis ng Diyos. Kapag naisabuhay ng mga tao ang wangis ng katotohanan, sila ay magagawang ganap ng Diyos at magiging mga taong naaayon sa layunin ng Diyos. Kung magkagayon, ang mga salita ng Diyos, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis,” ay ganap nang matutupad at maisasakatuparan. Sabihin ninyo sa akin, saan nilikha ng Diyos ang tao? (Sa lupa.) At sino ang kumokontrol sa lupa? (Si Satanas.) Mula pa noong itapon ng Diyos si Satanas mula sa ikatlong langit, naghari na ito sa lupa, at ang lupa ay naging sakop na ni Satanas. Kaya bakit pinili ng Diyos na likhain sina Adan at Eba sa sakop ni Satanas? Bakit Niya ibibigay ang sangkatauhan kay Satanas para gawing tiwali? May mga misteryo rito, at lahat ng ito ay mga misteryong ibinubunyag ng maliit na balumbon. Pagbahaginan natin ito saglit. Ano ang layunin ng Diyos sa pagbibigay ng sangkatauhan kay Satanas? Dahil ba gusto Niyang paglaruan ang sangkatauhan? (Hindi. Ang layunin ng Diyos ay para personal na maranasan ng mga tao na pahirapan at gawing tiwali ni Satanas, para makilatis nila ang kabuktutan ni Satanas at mas makilala ang banal at matuwid na diwa ng Diyos, sa gayon ay talikuran si Satanas, tunay na bumalik sa Diyos, at ganap na makamit ng Diyos.) Ito ang layunin ng Diyos mula pa noong itapon Niya si Satanas mula sa ikatlong langit. Nais ng Diyos na gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay para lubusang ipahiya at talunin si Satanas, para hindi na nito muling mailihis o magawang tiwali ang sinumang nilikha. Kaya, pagkatapos magkaroon ng ganitong layunin ang Diyos, ano ang ginawa Niya? Nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa. Nais ng Diyos na gamitin si Satanas para magserbisyo upang makagawa ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa puso at isipan, at kaya ibinigay Niya ang sangkatauhan kay Satanas. Nang makita ni Satanas ang sangkatauhang nilikha ng Diyos, natuwa ito. Sabi nito, “Diyos, nilikha Mo ang sangkatauhan sa lupa, at ang lupa ay aking sakop. Gagawin kong tiwali ang sangkatauhang nilikha Mo. Gagawin ko silang tiwali hanggang sa lahat sila ay lumaban sa Iyo tulad ko, para ang Iyong plano sa paglikha at pagkakamit sa sangkatauhan ay mauwi sa wala at mabigo.” Nang may ganitong intensyon, sinimulang gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Matagal nang alam ng Diyos na gagawin ito ni Satanas. Sinabi ng Diyos, “Pahihintulutan kitang gawing tiwali ang sangkatauhan sa loob ng anim na libong taon, pero hindi Ako magwawalang-kibo. Gagawa Ako para iligtas ang tao mula sa iyong impluwensiya ng kadiliman at gagawa ng isang grupo ng mga tao na kaisa Ko sa puso at isipan, para ikaw ay lubusang mapahiya at matalo.” Kaya, patuloy na gumagawa ang Diyos para iligtas ang tao sa loob ng anim na libong taon na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Lalo na sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang ordinaryong tao, ipinapahayag ang katotohanan at gumagawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang tao, at sa huli ay gumagawa ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa puso at isipan. Sa puntong ito, si Satanas ay lubusang mapapahiya at matatalo, at itatapon ito ng Diyos sa walang hanggang hukay. Ang mga taong ginawang ganap ng Diyos ay dadalhin sa kaharian ng Diyos, at ang plano ng pamamahala ng Diyos sa paglikha at pagliligtas sa sangkatauhan ay magkakaroon ng matagumpay na pagtatapos. Hindi ba’t isang mabuting bagay ang ginagawa ng Diyos? (Oo.) Kung gayon, bakit ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para iligtas ang tao? Ang kabuluhan nito ay tunay na malalim. Ito ay dahil ginagamit ni Satanas ang mga satanikong disposisyon, satanikong kaalaman, satanikong pilosopiya, at satanikong lason para gawing tiwali ang sangkatauhan. Pagkatapos ng anim na libong taon ng pagtitiwali ni Satanas, matagal nang nagawang tiwali ang tao hanggang sa kaibuturan at naging isang pagsasakatawan ni Satanas. Masasabing ang tao ay si Satanas. Habang gumagawa ang Diyos para iligtas ang mga tao, ang mga satanikong disposisyon, kaalaman, at tradisyonal na kultura ay nangingibabaw at kumokontrol sa mga tao mula sa loob, na nagiging sanhi para sila ay maghimagsik, lumaban, at sumalungat sa Diyos. Ginagamit ng Diyos ang katotohanan, ang mga tinataglay Niya at ang Kanyang pagiging Diyos, at ang Kanyang disposisyon para lupigin, dalisayin, at iligtas ang sangkatauhan. Kapag ang katotohanan ang naghahari sa mga tao at nagiging buhay nila, nawawala ang mga satanikong disposisyon, kaalaman, pilosopiya, at lason sa loob nila. Sa ganitong paraan, ang tiwaling sangkatauhan, na kay Satanas, ay dinadalisay, inililigtas, at ginagawang perpekto, at sa gayon ay nakakamit ang resulta ng pagpapahiya, pagtalo, at pagdaig kay Satanas. Isa itong labanan. Samakatwid, ang yugtong ito ng gawain sa mga huling araw, kung saan ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan ang tao, ay ang gawain ng paglupig. Ano ang ibig sabihin ng paglupig? Nangangahulugan ito na ginagamit ng Diyos ang katotohanan para labanan at makipagtunggali sa masama at tiwaling sangkatauhang ito at sa mga puwersa ni Satanas. Sa huli, tinatalo at nilulupig Niya ang lahat ng mga kay Satanas, at inililigtas at ginagawang perpekto ang mga naghahangad sa katotohanan. Ito ang kabuluhan ng gawain ng paglupig. Kapag nakamit na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao, magpapadala Siya ng malalaking kalamidad para wasakin ang lumang mundong ito, at kasabay niyon, magwawakas ang masamang kapanahunang ito. Sabihin ninyo sa akin, wala bang kabuluhan ang pagwawakas ng Diyos sa kapanahunang ito sa ganitong paraan? (Mayroon.) Mayroon itong malaking kabuluhan. Sa paggawa nito, ang nakakamit ng Diyos sa huli ay isang grupo ng mga tao na nakalaya mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas at kayang maging kaisa Niya sa puso at isipan. Ito ang panghuling resultang makakamit sa pamamagitan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.