Mga Salita sa Pagganap ng Tungkulin (Sipi 33)

Hindi alam ng ilang tao kung paano mararanasan ang gawain ng Diyos at hindi nila alam kung paano dadalhin ang Kanyang mga salita sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin o sa totoong buhay. Lagi silang umaasa sa pagdalo sa maraming pagtitipon upang matamo ang katotohanan at umunlad sa buhay. Gayunpaman, ang ganito ay hindi makatotohanan at isang argumento na walang batayan. Natatamo ang buhay sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos at pagdanas sa paghatol at pagkastigo. Nagagawa ng mga nakakaalam kung paano maranasan ang Kanyang gawain, maging anuman ang tungkuling kanilang ginagampanan, na maunawaan at maisagawa ang katotohanan, matanggap ang pagpungos, at makapasok sa katotohanang realidad, matamo ang pagbabago sa kanilang disposisyon, at magawang perpekto ng Diyos kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Ayaw ng mga tamad at gahaman sa mga kaginhawahan na gampanan ang kanilang mga tungkulin, at hindi nila nararanasan ang gawain ng Diyos sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin, walang sawang humihiling na pagkalooban sila ng sambahayan ng Diyos ng mga pagtitipon, sermon, at ng pagbabahaginan tungkol sa katotohanan. Bilang resulta, pagkatapos ng sampu o dalawampung taon ng pananalig at pagkatapos makinig sa di-mabilang na mga sermon, hindi pa rin nila nauunawaan ang katotohanan o natatamo ang katotohanan. Hindi nila alam kung paano maranasan ang gawain ng Diyos, hindi nila nauunawaan kung ano ang pananalig sa Diyos, at hindi nila alam kung paano maranasan ang salita ng Diyos para makilala nila ang kanilang mga sarili at matamo ang katotohanan at ang buhay. Sila ay mga tao na naghahanap ng kaginhawahan at pabaya sa kanilang mga tungkulin; samakatuwid, sila ay ibinubunyag at itinitiwalag dahil sa kung paano nila gampanan ang kanilang mga tungkulin. Ngayon, lahat ng tao na kontento sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at nagpapahalaga sa paghahangad sa katotohanan ay may kaunting pagpasok sa buhay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, nagninilay-nilay sila para makilala nila ang kanilang mga sarili kapag nagbubunyag sila ng katiwalian, at kapag nahaharap sila sa mga kahirapan sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin, hinahanap nila ang katotohanan at ibinabahagi ang tungkol sa katotohanan upang lutasin ang mga suliranin. Hindi namamalayan, pagkatapos ng ilang taon ng pagtupad ng mga tungkulin, umaani sila ng mga gantimpala, nakapagsasalita sila ng ilang patotoo batay sa karanasan, nagtataglay sila ng ilang kaalaman ukol sa gawain ng Diyos at sa Kanyang disposisyon, at sa gayon ay nababago nila ang kanilang buhay disposisyon. Sa kasalukuyan, nililinis ng mga iglesia sa iba’t ibang dako ang mga sarili nito mula sa masasamang tao at sa mga nakakagambala at nagiging sanhi ng kaguluhan. Ang mga nananatili, sa kabuuan, ay ang mga kayang manindigan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, may katapatan, at nagpapahalaga sa paghahanap ng katotohanan upang lutasin ang kanilang mga suliranin. Sila ang uri ng mga tao na makapaninindigan sa kanilang patotoo. Dapat ninyong matutuhang dalhin ang mga salita ng Diyos sa totoong buhay at sa mga tungkuling inyong ginagampanan, isagawa ang mga ito at gamitin ang mga ito, at kapag umuusbong ang mga suliranin at mga kahirapan, hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito. Bilang karagdagan, dapat ninyong matutuhang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos sa pagtupad ng inyong mga tungkulin, at pagsikapan ang pagsasagawa ng katotohanan at pangangasiwa ng mga bagay ayon sa mga prinsipyo ng bawat bagay. Dapat ninyong matutuhan kung paano isagawa ang pagmamahal para sa Diyos, at nang may magpagmahal-sa-Diyos na puso, isaalang-alang mo ang Kanyang pasanin at makarating ka sa punto na kung saan ay magagalak Siya sa iyo. Ang ganitong tao lamang ang tapat na umiibig sa Diyos. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, hindi mo man lubos na nauunawaan ang katotohanan, nagagawa mo pa ring matupad ang iyong mga tungkulin nang maayos, at hindi mo lamang malulutas ang iyong pagiging pabasta-basta, bagkus matututuhan mo ring maisagawa ang pag-ibig sa Diyos, ang magpasakop sa Kanya, at ang mapalugod Siya sa pagtupad mo sa iyong mga tungkulin—ito ang aral sa pagpasok sa buhay. Kung maisasagawa mo ang katotohanan at makakakilos ka ayon sa mga prinsipyo sa ganitong paraan sa bawat bagay, pumapasok ka sa katotohanang realidad at magkakaroon ka ng pagpasok sa buhay. Gaano ka man kaabala sa pagtupad ng iyong mga tungkulin, kung taglay mo ang mga bunga ng pagpasok sa buhay, ang paglago sa buhay, at kaya mong magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, masisiyahan ka sa pagtupad ng iyong mga tungkulin. Hindi ka makakaramdam ng pagod gaano ka man kaabala. Palagi kang magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan sa puso mo at mararamdaman mo na lalo kang pinagyaman at kalmado. Anumang mga paghihirap ang umusbong, kapag hinahanap mo ang katotohanan, bibigyan ka ng kaliwanagan at gagabayan ka ng Banal na Espiritu. At pagkatapos ay tatanggapin mo ang mga pagpapala ng Diyos. Bilang karagdagan, maging ikaw man ay abala o hindi kapag tumutupad ka ng iyong mga tungkulin, mahalaga na gawin ang paminsan-minsang angkop na ehersisyo at makabuluhang pagpapalakas ng katawan. Mapapabuti nito ang sirkulasyon, makakatulong ito sa pagpapanatili ng matataas na antas ng enerhiya, at maaari itong maging mabisa para makaiwas ka sa ilang sakit na dulot ng trabaho. Ito ay lubos na nakakatulong sa mahusay na pagtupad mo sa iyong mga tungkulin. Samakatuwid, sa pagtupad mo ng iyong mga tungkulin, kung matututuhan mo ang maraming aral, mauunawaan ang maraming katotohanan, tunay na makikilala ang Diyos, at sa bandang huli ay matatakot sa Diyos at lalayo sa kasamaan, ganap kang magiging kaayon sa Kanyang mga layunin. Kung kaya mong matamo ang pag-ibig para sa Diyos, magpatotoo sa Kanya, at maging kaisa Niya sa puso at kalooban, tinatahak mo ang landas ng pagpeperpekto Niya. Ito ay isang tao na nagtamo ng pagpapala ng Diyos, at ito ay isang lubos na pinagpalang bagay! Kung tapat mong ginugugol ang iyong sarili para sa Diyos, tiyak na tatanggap ka ng masasaganang pagpapala mula sa Kanya. Sila bang hindi ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, at hindi tinutupad ang kanilang mga tungkulin ay makapagtatamo ng katotohanan? Makakamit ba nila ang kaligtasan? Hindi natin masasabi. Ang lahat ng pagpapala ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagtupad ng isang tao sa kanyang mga tungkulin at pagdanas sa gawain ng Diyos. Sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin na nalalaman ng isang tao kung paano danasin ang gawain ng Diyos, at nalalaman kung paano danasin ang paghatol at pagkastigo, ang mga pagsubok at pagpipino, at ang pagpupungos. Ito ang mga bagay na karapat-dapat na pagpalain. Hangga’t iniibig ng isang tao ang katotohanan at hinahangad niya ito, matatamo niya ang katotohanan sa bandang huli, mababago ang kanyang buhay disposisyon, matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos, at magiging isa siyang tao na pinagpala ng Diyos.

Hindi hinahanap ng ilang tao ang katotohanan kapag may nangyayari sa kanila habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin, palagi silang nabubuhay ayon sa sarili nilang mga haka-haka at mga imahinasyon, ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang mga kagustuhan, at pikit-matang kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban. Bilang resulta, ginagawa nila ang maraming bagay nang mali at inaantala ang gawain ng iglesia. Kapag nahaharap sa pagpupungos, hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanan at ipinagpapatuloy nila ang kanilang katigasan ng ulo at walang-ingat na pag-uugali. Dahil dito, naiwawala nila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang kanilang pananalig sa Diyos ay nagiging magulo at nababalot ng kadiliman. Ang ilang tao ay mahilig sa katanyagan at pakinabang, at naghahangad ng katayuan, nagpapakaabala sa mga bagay na ito nang hindi isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos o tinatanggap ang anumang pagbabahagi tungkol sa katotohanan. Sa bandang huli, sila ay ibinubunyag at itinitiwalag, at nahuhulog sa kadiliman. Kinikilala ng ilang mananampalataya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, gayunman sa kanilang puso ay nananalig lamang pa rin sila sa Diyos sa langit at sa Espiritu ng Diyos. Palagi silang may mga haka-haka tungkol sa praktikal na Diyos at ang kanilang puso ay nag-iingat sa Kanya, natatakot na mauunawaan Niya ang tunay nilang sarili. Iniiwasan nila ang Diyos sa bawat pagkakataon, at kapag nakikita nila Siya, itinuturing nila Siya bilang isang estranghero. Bilang resulta, maging pagkatapos man ng ilang taong pananalig, wala silang natamo at wala sila ni katiting na pananampalataya sa Kanya. Wala silang pinagkaiba sa mga hindi mananampalataya. Ito ay ganap na dahil sa hindi nila hinahangad ang katotohanan. Palaging gustong makita ng ilang tao ang praktikal na Diyos. Nasasabik silang mapalugod ang Diyos at na Kanyang maitaas ang kanilang katayuan, para magkaroon sila ng awtoridad sa iglesia. Bilang resulta, dahil sa kanilang kawalan ng katapatan, kawalan ng kaprangkahan, malimit na pagmamasid sa mukha ng Diyos, at paghahaka-haka tungkol sa Kanyang kahulugan, sila ay Kanyang kinasusuklaman. Ayaw nang makita ng Diyos ang ganitong uri ng mga tao. Ano ang layunin ng pananalig ng mga taong ito sa Diyos? Sa dami na ng mga katotohanang sinasalita ng Diyos, bakit pa nila Siya sinisiyasat? Kung nananalig sila sa Diyos, bakit hindi nila hangarin ang katotohanan? Bakit palagi silang ambisyoso at mapagnasa, naghahangad ng katanyagan, pakinabang, katayuan, mga benepisyo at bentahe? May masasama silang layunin sa pananalig sa Diyos at nahihirapan ang mga tao na intindihin sila. Ang lahat ng ito ay mga pag-uugali ng mga hindi mananampalataya. Sa mahigpit na pananalita, ang sinumang nananalig sa Diyos ngunit hindi matanggap ang katotohanan ay isang hindi mananampalataya. Ang mga naghahangad lamang sa katotohanan, ang mga nagsisikap na matupad nang mabuti ang kanilang mga tungkulin, at ang mga naghahangad na mapalugod ang Diyos ang mayroong tapat na pananalig sa Diyos at nagagawang matamo ang Kanyang pagsang-ayon.

Ngayon, ang bawat araw at taon na dumaraan sa inyong mga buhay ay may halaga. Saan matatagpuan ang halagang ito? Kapag ang isang tao ay humaharap sa Lumikha, ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, at natatamo ang katotohanan mula sa Lumikha, nagiging kapaki-pakinabang siya sa paningin ng Diyos. Hindi ba’t ang pag-aambag mo ng iyong hamak na pagsisikap sa plano ng pamamahala ng Diyos ang siyang nagbibigay-halaga sa bawat araw ng buhay mo? (Oo, ito nga.) Ito ang halaga ng bawat araw ng buhay, at ito ay napakahalaga! Kung ang bawat araw ng buhay mo ay may gayong halaga, ano ba ang kaunting pagdurusa o karamdaman kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin? Hindi dapat magreklamo ang mga tao. Napakarami nang nakamtan ng mga tao sa pagiging nasa presensiya ng Diyos; tinatamasa nila ang hindi nakikitang biyaya at mga pagpapala, at hindi nakikitang proteksyon na higit pa sa anumang bagay na maaari nilang maisip at makita. Napakarami nang natanggap ng mga tao—ano ba kung may kaunting karamdaman? Hindi ba’t iyon ang leksyon na dapat matutuhan ng mga tao? Kung, sa pamamagitan ng karamdaman, magagawang maunawaan ng isang tao ang katotohanan, kung makakamit niya ang pagpapasakop sa Diyos, at mapapalugod niya ang Diyos, hindi ba’t isa iyong karagdagang pagpapala mula sa Diyos? Sa mga naghahanapbuhay sa mundo, sino ang hindi nakararanas ng karamdamang pisikal? Sino ang may pakialam kung mayroon silang karamdaman? Walang sinumang may pakialam, walang sinumang nagtatanong, at walang sinumang makapagbibigay sa kanila ng katiyakan. Kayo bang mga tumutupad ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay may katiyakan? (Oo.) Ang lahat ng tapat na ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos ay may katiyakan at tinatanggap ang Kanyang mga pagpapala. Anong uri ng katiyakan ang inyong nakikita at nakikilala? (Hindi na ako naiimpluwensiyahan o nalalason ng masasamang kalakaran ng mundo; itinakwil ko na ang panliligalig at pamiminsala ng mga walang pananampalataya, at taglay ko ang proteksyon at mga pagpapala ng Diyos sa lahat ng bagay. Hindi na ako masusunggaban o mauusig ng malaking pulang dragon. Titira ako sa sambahayan ng Diyos, makikisalamuha sa iba pang mga kapatid, at ang aking puso ay magiging payapa, masaya, at kalmado. Araw-araw, kakain at iinom ako ng salita ng Diyos at magbabahagi ako tungkol sa katotohanan, at ang aking puso ay sisigla nang sisigla. Pagkatapos kong maunawaan ang katotohanan, ang aking puso ay totoong nagagalak, nakakamit ng aking espiritu ang kalayaan at pagpapalaya, at hindi na ako nalilinlang o napipinsala ng masasama at mapanlinlang na tao. Bilang karagdagan, pagkatapos kong masaksihan ang proteksyon at mga pagpapala ng Diyos, hindi na ako natatakot kapag dumarating sa akin ang mga sakuna; nagiging kalmado ang puso ko at napapayapa. Isinantabi ko na ang mga pag-aalala tungkol sa mga bagay kagaya ng kung matutugunan ba ang aking mga pangunahing pangangailangan sa hinaharap, at kung mayroon bang sinumang magsusustento sa akin kapag ako ay matanda na. Ang mabuhay sa presensiya ng Diyos ay totoong isang pagpapala at kagalakan!) Ang nalalasap ninyo sa ngayon ay limitado, ngunit pagkatapos ng malaking sakuna, mauunawaan at makikita ninyo nang malinaw ang maraming bagay. Ang lahat ng ito ay proteksyon ng Diyos at Kanyang pagpapala. Sa kasalukuyan, bagamat paminsan-minsan ay nararanasan ninyo ang pagpupungos, at dumaraan kayo sa mga pagsubok at pagpipino, at may mga pagkakataong nararanasan ninyo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at nagdurusa kayo dahil sa Kanyang mga salita, ito ang pagdurusa ng pagtatamo ng kaligtasan at pagpeperpekto—hindi ito kagaya ng pagdurusa ng mga walang pananampalataya. Ang pinakamahalagang bagay ay na sa pamamagitan ng pagtupad sa iyong mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, ikaw ay nagiging isang kapaki-pakinabang na nilikha at namumuhay ka nang may halaga at kabuluhan—sa halip na namumuhay para sa laman at para kay Satanas, nabubuhay ka para sa paghahangad sa katotohanan at upang mapalugod ang Diyos. Sa pagtupad mo ng iyong mga tungkulin, nakakamtan mo ang pagkaunawa sa maraming katotohanan at sa mga layunin ng Diyos. Ito ay isang napakahalagang bagay. Pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, makapasok sa katotohanang realidad, at matamo ang katotohanan bilang iyong buhay, mabubuhay ka sa presensiya ng Diyos, at mabubuhay sa liwanag. Araw-araw mo na ngayong tinutupad ang iyong mga tungkulin, at ang bawat araw na nabubuhay ka ay may mga gantimpala at halaga. Nakamtam mo na rin ang katotohanan, at nabubuhay ka sa presensiya ng Diyos. Ito ba ay pagkakaroon ng katiyakan? (Oo.) Ano ang katiyakang ito? (Ang hindi mabihag ni Satanas.) Maliban sa hindi mabihag ni Satanas, ano ang higit pang mahalagang bagay? Ikaw ay nilalang ng Diyos bilang isang tao, at ngayon ay nagagampanan mo ang iyong tungkulin, nauunawaan ang Kanyang mga layunin, tinataglay ang katotohanang realidad, nagagawang sumunod sa Kanyang daan, at nabubuhay ayon sa Kanyang mga layunin. Sinasang-ayunan ka ng Diyos, at iyon ang iyong katiyakan at garantiya na hindi ka wawasakin ng Diyos. Hindi ba’t ito ang iyong puhunan sa buhay? Kung wala ang mga bagay na ito, karapat-dapat ka bang patuloy na mabuhay? (Hindi.) Paano natatamo ng isang tao ang kwalipikasyong ito? Hindi ba’t ito ay sa kakayahang magampanan ang mga tungkulin ng isang nilikha, matugunan ang mga layunin ng Diyos, at masundan ang Kanyang daan, pati na rin ang pagtatamo ng katotohanang realidad, at pagtrato sa salita ng Diyos bilang buhay ng isang tao? (Oo.) Dahil sa mga bagay na ito, nagagawa mong sambahin ang Diyos, at sa Kanyang paningin, ikaw ay isang katanggap-tanggap na nilikha. Paano Siyang hindi magagalak sa iyo? Sinu-sino ang mga taong gustong wasakin ng Diyos? Anong uri sila ng mga nilikha? (Mga gumagawa ng kasamaan.) Ang sinumang gumagawa ng kasamaan ay lumalaban sa Diyos, at napopoot sa Kanya—sila ay mga kaaway ng Diyos at sila ang unang mawawasak. Ang mga anticristo na nakikipagkumpitensya sa Diyos para sa katayuan, ang mga hindi mananampalataya; ang mga tutol sa katotohanan, na napopoot sa Diyos, na hindi naghahangad sa katotohanan at na kinakalaban Siya hanggang sa wakas, at ang mga hindi makatupad ng kanilang tungkulin bilang mga nilikha sa anumang antas—ito ang mga taong nais wasakin ng Diyos. Ang ilang tao na hindi tumutupad ng kanilang mga tungkulin ay mga hindi mananampalataya. Ang ibang tao, bagamat tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin, ay palaging pabasta-basta, nakagagawa sila ng kasamaan at nakapagdudulot ng kaguluhan, at kinakalaban at tinututulan nila ang Diyos. Maituturing ba ang mga ganitong tao bilang mga katanggap-tanggap na nilikha sa paningin ng Diyos? (Hindi, hindi sila maituturing.) Ano ang pinakahuling magiging resulta ng mga nilikha na maituturing na hindi katanggap-tanggap? (Ititiwalag sila ng Diyos at wawasakin sila.) Mayroon bang halaga ang mga buhay ng mga nilikha na itinuturing na hindi katanggap-tanggap? (Wala.) Maaari nilang isipin, “May halaga ang buhay ko. Gusto kong mabuhay. Makagagawa ako ng mabubuting bagay sa aking buhay!” Gayunpaman, sa paningin ng Diyos, ni hindi nila magampanan ang kanilang pangunahing tungkulin bilang mga nilikha. Kung hindi nila magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, sulit ba ang buhay nila? May halaga ba ang kanilang pag-iral? Kung walang halaga ang kanilang pag-iral, gusto pa rin ba sila ng Diyos? (Hindi.) Ano ang gagawin ng Diyos? Ititiwalag Niya sila. Isasantabi ang may magagaang kaso at ibibigay sila sa maruruming diyablo at masasamang espiritu, habang ang may mabibigat na kaso ay tatanggap ng kaparusahan, at ang may lalo pang mabibigat na kaso ay mauuwi sa pagkawasak.