Mga Salita sa Pagganap ng Tungkulin (Sipi 32)

Maraming tao ang gumaganap sa kanilang tungkulin nang pabasta-basta na lamang, hindi ito kailanman sineseryoso, na tila ba nagtatrabaho sila para sa mga walang pananampalataya. Ginagawa nila ang mga bagay sa paraang garapal, mababaw, walang pakialam at pabaya, na tila ba ang lahat ay biro. Bakit ganito? Sila ay mga walang pananampalataya na nagtatrabaho; mga hindi mananampalatayang gumaganap sa mga tungkulin. Ang mga taong ito ay labis na bastos; wala silang pakundangan at di-mapigilan, at wala silang ipinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Kapag gumagawa sila ng mga bagay para sa sarili nila, tiyak na hindi sila pabasta-basta, kaya bakit ni katiting ay hindi sila masigasig o masipag pagdating sa pagganap ng kanilang mga tungkulin? Anuman ang kanilang gawin, anumang tungkulin ang kanilang ginagampanan, may katangian ng pagiging mapaglaro at pilyo. Ang mga taong ito ay laging pabasta-basta at may taglay na katangiang mapanlinlang. May pagkatao ba ang mga taong ganito? Tiyak na wala silang pagkatao; wala rin silang ni katiting na konsensiya at katwiran. Tulad ng mga ligaw na buriko o ligaw na kabayo, nangangailangan sila ng patuloy na pamamahala at patnubay. Nililinlang at dinadaya nila ang sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ba ito na nagtataglay sila ng anumang taos-pusong paniniwala sa Kanya? Ginugugol ba nila ang kanilang sarili para sa Kanya? Tiyak na kulang sila at hindi kwalipikadong magtrabaho. Kung ang mga ganoong tao ay pinagtrabaho ng sinuman, masisisante sila sa loob ng ilang araw. Sa sambahayan ng Diyos, talagang tumpak na sabihing sila ay mga trabahador at inupang manggagawa, at maaari lamang silang itiwalag. Maraming tao ang madalas na pabasta-basta habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kapag naharap sila sa pagpupungos, tatanggi pa rin silang tanggapin ang katotohanan, pilit na ipagtatanggol ang kanilang punto, at irereklamo pang ang sambahayan ng Diyos ay hindi patas sa kanila, walang awa at pang-unawa. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Upang mas ipahayag ito nang walang kinikilingan, ito ay isang mapagmataas na disposisyon, at wala silang ni katiting na konsiyensiya at katwiran. Iyong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay dapat na tanggapin man lang ang katotohanan at gawin ang mga bagay nang hindi lumalabag sa konsensiya at katwiran. Ang mga taong hindi kayang tumanggap o magpasakop sa pagpupungos, ay lubhang mayabang, mapagmagaling, at sadyang di-makatwiran. Ang tawagin silang mga halimaw ay hindi isang pagmamalabis dahil sila ay lubos na walang pakialam sa lahat ng kanilang ginagawa. Ginagawa nila ang mga bagay ayon sa kanilang kagustuhan at walang anumang pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan; kung may lumitaw na mga problema, wala silang pakialam. Ang mga taong tulad nito ay hindi kwalipikadong magtrabaho. Dahil ganito ang pagtrato nila sa kanilang mga tungkulin, hindi makayanan ng ibang panoorin sila at nawawalan ng tiwala sa kanila ang mga ito. Kung gayon, maaari kayang magkaroon ng tiwala sa kanila ang Diyos? Sa kadahilanang hindi man lamang nila naabot ang pinakamababang pamantayang ito, hindi sila kwalipikadong magtrabaho at maaari lamang itiwalag. Gaano kayabang at mapagmagaling ang ilang tao? Lagi nilang iniisip na magagawa nila ang anumang bagay; anuman ang isinaayos para sa kanila, sinasabi nilang, “Madali ito; hindi ito malaking bagay. Kaya ko ito. Hindi ko kailangan ng sinuman na makipagbahaginan sa akin tungkol sa mga katotohanang prinsipyo; kaya kong bantayan ang sarili ko.” Sa palaging pagkakaroon ng ganitong uri ng pag-uugali, kapwa ang mga lider at manggagawa ay hindi sila kayang panoorin at walang tiwala ang mga ito sa mga bagay na kanilang ginagawa. Hindi ba’t mayayabang at mapagmagaling ang mga taong ito? Kung ang isang tao ay lubhang mayabang at mapagmagaling, ito ay isang kahiya-hiyang pag-uugali, at kung walang pagbabago, hinding-hindi nila gagawin ang kanilang mga tungkulin nang sapat. Anong pag-uugali ang dapat taglayin ng isang tao sa pagganap ng kanyang mga tungkulin? Dapat magkaroon man lang ang isang tao ng isang saloobin ng responsabilidad. Anuman ang mga paghihirap at problema na dumating sa isang tao, dapat niyang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, unawain ang mga pamantayang hinihingi ng sambahayan ng Diyos, at alamin kung ano ang mga resulta na dapat niyang makamit sa pamamagitan ng pagganap sa kanyang mga tungkulin. Kung maiintindihan ng isang tao ang tatlong bagay na ito, madali niyang magagampanan nang sapat ang kanyang mga tungkulin. Anuman ang mga tungkuling kanyang ginagampanan, kung uunawain muna niya ang mga prinsipyo, uunawain ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, at aalamin kung anong mga resulta ang dapat niyang makamit, hindi ba’t mayroon siyang landas para sa pagganap sa kanyang mga tungkulin? Samakatuwid, napakahalaga ng saloobin ng isang tao sa pagganap sa mga tungkulin. Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa isang basta-bastang paraan—wala silang tamang pag-uugali, hindi nila kailanman hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi nila iniisip ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos at kung ano ang mga resulta ang dapat nilang makamit. Paano nila magagampanan nang sapat ang kanilang mga tungkulin? Kung ikaw ay isang taong taos-pusong naniniwala sa Diyos, kapag ikaw ay pabasta-basta, dapat kang manalangin sa Kanya at pag-isipan at kilalanin ang iyong sarili; dapat kang maghimagsik laban sa iyong mga tiwaling disposisyon, magsikap nang mabuti sa mga katotohanang prinsipyo, at sikaping maabot ang Kanyang mga kinakailangang pamantayan. Sa pamamagitan ng pagganap sa iyong tungkulin sa ganitong paraan, unti-unti mong matutugunan ang mga kinakailangan ng sambahayan ng Diyos. Ang totoo, hindi naman masyadong mahirap gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kailangan lamang magkaroon ng konsensiya at katwiran, maging matuwid at masipag. Maraming walang pananampalataya na masigasig na nagtatrabaho at bilang resulta ay nagtatagumpay. Wala silang kaalam-alam tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, kaya paano sila nakagagawa nang napakaayos? Dahil sila ay nagkukusa at masipag, kaya nakakapagtrabaho sila nang masigasig at nagiging metikuloso, at sa ganitong paraan, madaling nagagawa ang mga bagay-bagay. Wala sa mga tungkulin ng sambahayan ng Diyos ang napakahirap. Basta’t ibinubuhos mo ang buong puso mo rito at ginagawa ang makakaya mo, magiging maayos ang paggawa mo sa trabaho mo. Kung hindi ka matuwid, at hindi ka masipag sa anumang ginagawa mo, kung lagi mong sinisikap na hindi ka mahirapan, kung lagi kang pabasta-basta at iniraraos lang ang lahat ng bagay, kung hindi mo ginagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, nagugulo mo ang mga bagay-bagay at bilang resulta ay napipinsala ang sambahayan ng Diyos, ibig sabihin niyan ay gumagawa ka nang masama, at magiging isang pagsalangsang iyon na kasusuklaman ng Diyos. Sa mahahalagang sandali ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kung hindi ka nagkakamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin at hindi positibo ang iyong ginagampanang papel, o kung nagsasanhi ka ng mga paggambala at kaguluhan, natural na kasusuklaman at ititiwalag ka ng Diyos at mawawalan ka ng pagkakataong maligtas. Pagsisisihan mo ito nang walang hanggan! Ang pagtataas sa iyo ng Diyos para gawin mo ang iyong tungkulin ang tanging pagkakataon mong maligtas. Kung hindi ka responsable, binabalewala mo iyon at pabasta-basta ka, iyon ang saloobin mo sa pagtrato sa katotohanan at sa Diyos. Kung hindi ka sinsero o mapagpasakop ni katiting, paano mo matatamo ang pagliligtas ng Diyos? Napakahalaga ng oras sa ngayon; importante ang bawat araw at bawat minuto. Kung hindi mo hinahanap ang katotohanan, kung hindi mo pinagtutuunan ang buhay pagpasok, at kung pabasta-basta ka at nililinlang ang Diyos sa iyong tungkulin, talagang hindi makatwiran at mapanganib iyon! Sa sandaling kasuklaman at itiwalag ka ng Diyos, hindi na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at wala nang balikan pa mula roon. Minsan, ang ginagawa ng isang tao sa isang minuto ay maaaring makasira sa kanyang buhay. Minsan, dahil sa isang salita na sumasalungat sa disposisyon ng Diyos, ang isang tao ay nalalantad at tinitiwalag—hindi ba’t isa itong bagay na maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto? Tulad lamang ito ng ilang tao, na, sa kabila ng pagganap sa kanilang mga tungkulin, ay parating kumikilos nang walang pananagutan, kumikilos nang walang ingat, at kumikilos nang walang anumang pagpipigil. Sila ay sadyang mga walang pananampalataya at hindi mananampalataya, at anuman ang kanilang gawin, ginugulo nila ang mga bagay-bagay. Dahil dito, ang gayong mga tao ay hindi lamang nagdudulot ng kawalan sa sambahayan ng Diyos, kundi nasasayang din nila ang kanilang pagkakataong maligtas. Sa ganitong paraan, nababawi ang kanilang mga kwalipikasyong gampanan ang kanilang mga tungkulin. Nangangahulugan itong sila ay nalantad at tiniwalag, na isang malungkot na pangyayari. Nais magsisi ng ilan sa kanila, ngunit sa tingin ninyo ba ay magkakaroon sila ng pagkakataon? Kapag tiniwalag na sila, mawawalan na sila ng pagkakataon. At sa sandaling iniwan na sila ng Diyos, halos imposible na nilang tubusin ang kanilang sarili.

Anong klaseng tao ang inililigtas ng Diyos? Masasabi mo na lahat sila ay may konsensiya at katwiran at kayang tanggapin ang katotohanan, dahil tanging ang mga may konsensiya at katwiran ang nagagawang tumanggap at magpahalaga sa katotohanan, at basta’t nauunawaan nila ang katotohanan, maisasagawa nila iyon. Ang mga taong walang konsensiya at walang katwiran ay mga walang pagkatao; sa kaswal na salita, sinasabi natin na wala silang kabutihan. Ano ang kalikasan ng walang kabutihan? Ito ay isang kalikasan na walang pagkatao, hindi marapat na tawaging tao. Tulad nga ng kasabihan, maaaring mawalan ang isang tao ng kahit ano maliban sa kabutihan—hindi na siya tao, kundi isang halimaw sa anyo ng tao. Tingnan mo ang mga demonyo at mga haring diyablo na gumagawa lamang ng mga bagay-bagay para labanan ang Diyos at pinsalain ang Kanyang hinirang na mga tao. Hindi ba wala silang kabutihan? Wala nga; wala talaga sila noon. Ang mga taong gumagawa ng napakaraming bagay na walang kabutihan ay paniguradong haharap sa kaparusahan. Yaong mga walang kabutihan ay walang pagkatao; paano nila magagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin? Hindi sila karapat-dapat na gumanap sa mga tungkulin dahil sila ay mga halimaw. Yaong mga walang kabutihan ay hindi gumaganap sa anumang tungkulin nang maayos. Ang mga ganitong tao ay hindi karapat-dapat na tawaging tao. Sila ay mga halimaw, mga halimaw sa anyo ng tao. Ang mga may konsensiya at katwiran lamang ang maaaring humawak sa mga gawain ng tao, maging tapat sa kanilang salita, mapagkakatiwalaan, at maging kwalipikado bilang isang “matuwid na ginoo.” Ang terminong “matuwid na ginoo” ay hindi ginagamit sa sambahayan ng Diyos. Sa halip, hinihingi ng sambahayan ng Diyos na maging tapat ang mga tao, dahil iyon ang katotohanan. Ang mga tapat na tao lamang ang mapagkakatiwalaan, may konsensiya at katwiran, at karapat-dapat na tawaging tao. Kung kayang tanggapin ng isang tao ang katotohanan habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin at kayang kumilos ayon sa mga prinsipyo, ginagampanan nang sapat ang kanyang mga tungkulin, ang taong ito ay tunay na tapat at talagang mapagkakatiwalaan. At yaong mga makakakamit ng kaligtasan ng Diyos ay mga tapat na tao. Ang pagiging isang matapat na tao na mapagkakatiwalaan ay hindi tungkol sa iyong mga abilidad o hitsura, at lalong hindi tungkol sa iyong kakayahan, kahusayan, o mga talento. Basta’t tinatanggap mo ang katotohanan, kumikilos ka nang may pananagutan, at mayroon kang konsensiya at katwiran at magagawang magpasakop sa Diyos, sapat na iyon. Anuman ang mga kakayahan na taglay ng isang tao, ang tunay na alalahanin ay kung siya ay walang kabutihan o mayroon. Kapag ang isang tao ay walang kabutihan, hindi na siya maituturing na tao, bagkus ay isang halimaw. Ang mga tiniwalag ng sambahayan ng Diyos ay tiniwalag dahil sila ay walang pagkatao at kabutihan. Samakatuwid, ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat magawang tanggapin ang katotohanan, maging isang matapat na tao, magtaglay man lang ng konsensiya at katwiran, magampanan nang mabuti ang kanilang mga tungkulin, at matupad ang atas ng Diyos. Tanging ang mga taong ito ang makakakamit ng kaligtasan ng Diyos; sila ang mga taos-pusong naniniwala sa Kanya at ang mga taos-pusong ginugugol ang kanilang sarili para sa Kanya. Ito ang mga taong inililigtas ng Diyos.

Madalas ninyo bang sinusuri ang inyong pag-uugali at intensyon habang ginagawa ninyo ang mga bagay at ginagampanan ang inyong mga tungkulin? (Bihira.) Kung bihira mong suriin ang iyong sarili, makikilala mo ba ang iyong mga tiwaling disposisyon? Mauunawaan mo ba ang iyong tunay na kalagayan? Kung talagang ibubunyag mo ang mga tiwaling disposisyon, ano ang mga kahihinatnan? Kailangan mong maging napakaliwanag sa lahat ng mga bagay na ito. Kung hindi susuriin ng isang tao ang kanyang sarili, parati siyang gumagawa ng mga bagay sa paraang pabasta-basta at walang kahit katiting na prinsipyo, magiging dahilan ito para makagawa ang isang tao ng maraming kasamaan at mabunyag at matiwalag. Hindi ba’t isa itong seryosong kahihinatnan? Ang pagsusuri sa sarili ay ang paraan upang malutas ang problemang ito. Sabihin mo sa Akin, sapagkat napakalalim na ng katiwalian ng tao, katanggap-tanggap ba na bihira lamang na pagnilayan ang sarili? Magagawa ba nang maayos ng isang tao ang mga tungkulin nang hindi hinahanap ang katotohanan upang malutas ang kanyang mga tiwaling disposisyon? Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon, madaling gumawa ng mga bagay sa maling paraan, lumabag sa mga prinsipyo, at pati na rin gumawa ng kasamaan. Kung hindi mo kailanman susuriin ang iyong sarili, mahirap ito—wala kang pinagkaiba sa isang walang pananampalataya. Hindi ba’t maraming tao ang tiniwalag sa kadahilanang ito? Kapag hinahangad ang katotohanan, paano dapat magsanay ang isang tao upang matamo ito? Ang mahalagang bagay ay ang madalas na pagsusuri sa sarili habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, pinag-iisipan kung siya ay lumabag sa mga prinsipyo at nagpakita ng katiwalian, at kung siya ay may mga maling intensyon. Kung magninilay-nilay ka sa iyong sarili alinsunod sa mga salita ng Diyos at makikita kung paano ito malalapat sa iyong sarili, magiging madaling makilala ang iyong sarili. Kung magninilay-nilay ka sa iyong sarili sa ganitong paraan, unti-unti mong malulutas ang iyong mga tiwaling disposisyon at madaling mareresolba ang iyong masasamang ideya at mga mapaminsalang intensyon at motibasyon. Kung magsusuri ka lang pagkatapos na may mangyaring mali, magsusuri lang pagkatapos magkamali, o magsusuri lang pagkatapos gumawa ng kasamaan, medyo huli na. Ang mga kahihinatnan ay nangyari na, at ito ay bumubuo sa isang pagsalangsang. Kung masyado kang gumagawa ng masama at nagsusuri ka lamang sa sarili mo kapag natiwalag ka na, huli na ang lahat at ang magagawa mo na lang ay umiyak at magngalit ng iyong mga ngipin. Ang mga tunay na naniniwala sa Diyos ay maaaring gumanap sa kanilang mga tungkulin—ito ang karangalan at pagpapala ng Diyos, at ito ay isang pagkakataon na dapat mong pahalagahan. Samakatuwid, mas lalong mahalaga na madalas mong pagnilayan ang iyong sarili habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin. Dapat magsuri nang madalas ang isang tao, nang sinusuri ang lahat ng bagay. Dapat suriin ng isang tao ang kanyang mga intensyon at ang kanyang kalagayan, tinitingnan kung siya ay nabubuhay sa presensya ng Diyos, kung ang mga intensyon sa likod ng kanyang mga kilos ay wasto, at kung parehong ang mga motibo para sa, at ang pinagmulan ng, mga kilos niya ay makakalusot sa pagsusuri ng Diyos at napasailalim sa pagsisiyasat ng Diyos. Minsan, nadarama ng mga tao na ang paghahanap ng katotohanan kapag nahaharap sila sa mga paghihirap sa pagganap sa kanilang mga tungkulin ay mabigat. Iniisip nila, “Puwede na ito. Sapat na ito.” Sinasalamin nito ang saloobin ng isang tao sa mga bagay at mentalidad sa kanyang mga tungkulin. Ang mentalidad na ito ay isang uri ng kalagayan. Anong kalagayan ito? Hindi ba’t ito ay ang pag-atupag sa mga tungkulin nang walang pakiramdam ng pananagutan, isang uri ng pag-uugaling pabasta-basta? (Oo.) Dahil sa pagkakaroon ng ganitong seryosong problema, ang hindi pagsusuri sa sarili ay lubhang mapanganib. May ibang tao na walang pakialam sa kalagayang ito. Iniisip nila, “Normal lang na medyo pabasta-basta, ganyan lang talaga ang mga tao. Ano’ng problema?” Hindi ba’t magulo ang mga taong ito? Hindi ba masyadong mapanganib para sa isang tao na makita ang mga bagay sa ganitong paraan? Tingnan mo ang mga taong tiniwalag. Hindi ba’t palagi nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa isang pabasta-bastang paraan? Ganito ang nangyayari kapag ang isang tao ay pabasta-basta. Hindi magtatagal, ang mga taong madaling maging pabasta-basta ang siyang sisira sa kanilang sarili, at tumatanggi silang baguhin ang kanilang mga gawi hanggang sa sila ay nasa bingit na ng kamatayan. Ang pagsasagawa ng mga tungkulin sa isang pabasta-bastang paraan ay isang seryosong problema, at kung hindi ka makapagninilay-nilay nang mabuti sa iyong sarili at hindi mo hahanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema, ito ay sadyang lubhang mapanganib—maaari kang matiwalag anumang oras. Kung umiiral ang gayong seryosong problema at hindi mo pa rin sinusuri ang iyong sarili at hinahanap ang katotohanan upang malutas ito, ipapahamak at sisirain mo ang iyong sarili, at kapag dumating ang araw na ikaw ay tiniwalag at nagsimula kang umiyak at magngalit ng iyong mga ngipin, magiging huli na ang lahat.