Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ikaapat na bahagi

Unawain ang Saloobin ng Diyos at Bitawan ang Lahat ng mga Maling Pagkaintindi sa Diyos

Itong Diyos na kasalukuyan ninyong pinaniniwalaan, isinaalang-alang niyo na ba kung anong uri ng Diyos Siya? Kapag nakakakita Siya ng isang masamang tao na gumagawa ng masasamang bagay, kinamumuhian ba Niya ito? (Kinamumuhian Niya ito.) Kapag nakikita Niya ang mga pagkakamali ng mga ignoranteng tao, ano ang saloobin Niya? (Kalungkutan.) Kapag nakikita Niya ang mga taong ninanakaw ang mga handog sa Kanya, ano ang saloobin Niya? (Kinamumuhian Niya sila.) Napakalinaw ang lahat ng mga ito, hindi ba? Kapag nakikita Niya ang isang tao na nagiging pabaya sa kanilang paniniwala sa Diyos, at hindi nila sinusunod ang katotohanan, ano ang saloobin ng Diyos? Hindi ito masyadong malinaw sa inyo, hindi ba? Ang kawalan ng pag-iingat ay saloobin na hindi isang kasalanan, at hindi ito nakapananakit sa Diyos. Naniniwala ang mga tao na hindi dapat itong ituring na isang malaking pagkakamali. Kung gayon, ano sa tingin mo ang saloobin ng Diyos? (Ayaw Niyang tumugon dito.) Ayaw tumugon dito—anong saloobin ito? Mababa ang pagtingin ng Diyos sa mga taong ito, kinasusuklaman Niya ang mga taong ito! Hinaharap ng Diyos ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagsasawalang-bahala sa kanila. Ang hakbang Niya ay upang balewalain sila, hindi Siya gagawa ng anumang bagay sa mga ito, kabilang na ang pagliliwanag, pagpapalinaw, pagkakastigo, o disiplina. Hindi kabilang ang ganitong uri ng tao sa gawain ng Diyos. Ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong pinapalubha ang Kanyang disposisyon, at nagkakasala sa mga atas ng Kanyang pamamahala? Matinding pagkasuklam! Matindi ang poot ng Diyos sa mga taong hindi nagsisisi sa pagpapalubha sa Kanyang disposisyon! Ang “matinding poot” ay isa lamang pakiramdam, isang kondisyon; hindi nito kinakatawan ang isang malinaw na saloobin. Ngunit ang pakiramdam na ito, ang kondisyon na ito, ay magdudulot ng isang kalalabasan para sa taong ito: Pupunuin nito ng matinding pagkamuhi ang Diyos! Ano ang kahihinatnan ng matinding pagkamuhi na ito? Babalewalain ng Diyos ang taong ito, at hindi Siya tutugon sa kanila sa mga oras na iyon. Hihintayin Niyang maihiwalay sila sa panahon ng pagganti. Ano ang ipinahihiwatig nito? May kalalabasan pa rin ba ang taong ito? Hindi kailanman hinangad ng Diyos na mabigyan ng kalalabasan ang ganitong uri ng tao! Kaya hindi ba normal na hindi tumutugon ang Diyos sa ganitong uri ng tao sa kasalukuyan? (Oo.) Paano dapat ang paghahanda ng ganitong uri ng tao ngayon? Dapat silang maghanda sa pagtanggap ng mga negatibong kahihinatnan na sanhi ng kanilang pag-uugali, at ng kasamaang nagawa nila. Ito ang pagtugon ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Kaya malinaw kong sasabihin ngayon sa ganitong uri ng tao: Huwag na ninyong panghawakan ang mga kahibangan, at huwag na kayong makibahagi pa sa mga mapagmithing pag-iisip. Hindi laging nagpaparaya ang Diyos sa mga tao; Hindi Niya titiisin nang walang takda ang mga kasalanan o pagsuway. Sasabihin ng ilang tao: “May nakita rin akong ilang mga tao na tulad nito. Kapag sila’y nananalangin nahihipo sila ng Diyos, at matindi ang kanilang pag-iyak. Karaniwan na napakasaya rin nila; tila nasa kanila ang presensya ng Diyos, at ang patnubay Niya.” Huwag sabihin na walang kapararakan yan! Ang pag-iyak nang matindi ay hindi nangangahulugang hinipo sila ng Diyos o pagkakaroon ng presensya ng Diyos, mas lalo na ang patnubay ng Diyos. Kung napagagalit ng tao ang Diyos, gagabayan pa rin ba ng Diyos ang mga ito? Samakatuwid, kapag nagpasya ang Diyos na alisin ang isang tao, na abandonahin ang mga ito, ang taong iyan ay wala ng kalalabasan. Hindi mahalaga kung gaano kakampante ang pakiramdam nila kapag nananalangin sila, at kung gaano ang tiwalang ipinakikita nila sa Diyos sa kanilang puso; hindi na mahalaga ito. Ang mahalaga ay hindi na kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng kumpiyansa, na itinakwil na ng Diyos ang taong ito. Kung paano ang makitungo sa kanila pagkatapos ay hindi na rin mahalaga. Ang mahalaga ay sa sandaling ginalit ng taong ito ang Diyos, naitakda na ang kanilang kalalabasan. Kung itinakda na ng Diyos na hindi iligtas ang ganitong uri ng tao, maiiwanan sila upang parusahan. Ito ang saloobin ng Diyos.

Kahit na ang bahagi ng diwa ng Diyos ay pag-ibig, at iniaabot Niya ang Kanyang awa sa lahat ng tao, hindi napapansin at nakalilimutan ng mga tao ang punto na diwa rin Niya ang karangalan. Hindi nangangahulugan na dahil may pag-ibig Siya ay maaaring malayang magkasala ang mga tao sa Kanya at wala na Siyang kahit anong mga damdamin, o anumang mga reaksyon. Hindi nangangahulugan na dahil may awa Siya ay wala na Siyang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao. Ang Diyos ay buhay; talagang umiiral Siya. Hindi Siya isang kathang-isip na sunud-sunuran o iba pang bagay. Dahil Siya ay umiiral, dapat makinig tayong mabuti sa tinig ng Kanyang puso sa lahat ng oras, bigyang-pansin natin ang Kanyang saloobin, at unawain natin ang Kanyang mga damdamin. Huwag sana nating gamitin ang imahinasyon ng mga tao na ipakahulugan ang Diyos, at huwag sana nating ipataw ang mga saloobin at kagustuhan ng mga tao sa Diyos, pinalalabas na ang Diyos ay ginagamit ang istilo at pag-iisip ng tao kung paano Niya tratuhin ang sangkatauhan. Kung gagawin mo ito, ginagalit mo ang Diyos, tinutukso mo ang poot ng Diyos, at hinahamon mo ang karangalan ng Diyos! Kaya, pagkatapos ninyong naunawaan ang kahigpitan ng bagay na ito, hinihimok ko ang bawat isa sa inyo rito na maging maingat at matalino sa inyong mga kilos. Maging maingat at matalino sa inyong pagsasalita. At tungkol sa pagtrato ninyo sa Diyos, habang mas maingat at matalino kayo, mas mahusay! Kapag hindi mo naiintindihan ang saloobin ng Diyos, huwag kang magsasalita nang walang-ingat, huwag kang maging bulagsak sa iyong mga kilos, at huwag kang basta-basta sa pagbabansag. Mas lalo na, huwag kang darating sa mga konklusyon na walang batayan. Sa halip, dapat kang maghintay at sumunod; isa rin itong pagpapahayag ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kung makakamit mo ang puntong ito nang higit sa lahat, at matatamo mo ang pag-uugaling ito nang higit sa lahat, hindi ka sisisihin ng Diyos dahil sa iyong katangahan, sa iyong kamangmangan, at sa iyong kawalan ng katuwiran. Sa halip, dahil sa iyong takot na masaktan ang Diyos, sa iyong paggalang sa mga layunin ng Diyos, at sa saloobin mong sumunod sa Kanya, aalalahanin ka ng Diyos, gagabayan at bibigyan ka ng kaliwanagan, o magpaparaya Siya sa iyong kamusmusan at kamangmangan. Kabaligtaran naman nito, dapat bang walang paggalang ang iyong saloobin sa Kanya—walang batayan na paghatol sa Diyos, walang batayan na paghula at pagtukoy sa mga ideya ng Diyos—bibigyan ka ng Diyos ng isang paniniwala, disiplina, kahit kaparusahan; o magbibigay Siya sa iyo ng isang pahayag. Marahil kasama ang iyong kalalabasan sa pahayag na ito. Samakatuwid, nais ko pa itong bigyang-diin nang isa pang beses, at sabihan ang lahat na narito na maging maingat at matalino sa lahat ng bagay na nanggagaling sa Diyos. Huwag magsalita nang padalos-dalos, at huwag maging padalos-dalos sa iyong mga kilos. Bago mo sabihin ang anumang bagay, dapat ka munang mag-isip: Nakagagalit ba sa Diyos ang paggawa nito? Ang paggawa ba sa bagay na ito ay pagkatakot sa Diyos? Kahit sa mga simpleng bagay, dapat mo pa ring subukin na intindihin ang mga katanungang ito, talagang isaalang-alang ang mga ito. Kung tunay mong maisasagawa ayon sa mga prinsipyong ito sa lahat ng dako, sa lahat ng bagay, at sa lahat ng oras, lalo na sa mga bagay na hindi mo maunawaan, kung gayon palaging gagabay ang Diyos sa iyo, at palagi kang bibigyan ng isang landas na susundin. Anuman ang ipinakikita ng mga tao, tiyak na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga ito, malinaw, at magbibigay Siya sa iyo ng isang tumpak at angkop na pagsusuri sa mga pagpapakitang ito. Pagkatapos mong maranasan ang huling pagsubok, kukunin ng Diyos ang lahat ng mga pag-uugali mo at ibubuod ang mga ito nang ganap upang maitaguyod ang iyong kalalabasan. Kukumbinsihin ng resultang ito ang lahat ng walang kahit anong pagdududa. Ang gusto kong sabihin sa inyo ay ang bawat gawa ninyo, ang bawat pagkilos ninyo, at ang bawat pag-iisip ninyo ang magtatakda sa inyong kapalaran.

Sino ang Magtatakda ng Kalalabasan ng Tao

May isa pang pinaka-mahalagang bagay, at ito ang saloobin ninyo sa Diyos. Ang saloobin na ito ay mahalaga! Tinutukoy nito kung sa huli ay lalakad kayo papunta sa pagkawasak, o sa isang magandang hantungan na inihanda ng Diyos para sa inyo. Sa Kapanahunan ng Kaharian, gumawa na ang Diyos ng higit sa 20 taon, at sa kabuuan ng 20 taon na ito marahil hindi sigurado ang inyong mga puso tungkol sa inyong pagganap. Gayunpaman, sa puso ng Diyos, gumawa Siya ng isang aktuwal at matapat na pagtatala para sa bawat isa sa inyo. Magmula sa pagsisimulang pagsunod sa Kanya ng bawat tao at sa pakikinig sa Kanyang pangangaral, pag-unawa nang mas higit pa sa katotohanan, hanggang sa pagsasagawa sa kanilang mga tungkulin—may talaan ang Diyos sa bawat isa sa mga pagpapakitang ito. Kapag ginagawa ng isang tao ang kanyang tungkulin, kapag nahaharap sila sa lahat ng uri ng pangyayari, lahat ng uri ng mga pagsubok, ano ang saloobin ng taong ito? Paano sila gumanap? Ano ang nadarama nila sa Diyos sa kanilang puso? ... Nakatala sa Diyos ang lahat ng ito, may talaan Siya ng lahat ng ito. Marahil mula sa inyong pananaw, ang mga isyung ito ay nakalilito. Gayunman, mula sa katayuan ng Diyos, napakalinaw ang mga ito, at walang kahit katiting na implikasyon ng pagpapabaya. Ito ay isang isyu na nauugnay sa kalalabasan ng bawat tao, at pati na rin sa kanilang mga kapalaran at kinabukasan. Higit pa rito, dito ibinubuhos ng Diyos ang lahat ng Kanyang napakaingat na pagsisikap. Kaya hindi nagkukulang ang Diyos ng kahit katiting, at hindi Siya nagpaparaya sa anumang kapabayaan. Itinatala ng Diyos ang kasaysayang ito ng sangkatauhan, itinatala ang buong landasin ng taong sumusunod sa Diyos, mula sa simula hanggang sa katapusan. Ang saloobin mo sa Diyos sa panahong ito ang magtatakda sa iyong kapalaran. Hindi ba ito totoo? Ngayon, naniniwala ba kayo na ang Diyos ay matuwid? Naaangkop ba ang mga pagkilos ng Diyos? Mayroon pa rin bang anumang ibang larawan ng Diyos sa inyong mga isipan? (Wala.) Kung gayon sa pananaw ninyo ang kalalabasan ba ng tao ay nakasalalay sa pagtatakda ng Diyos o ng sarili niya? (Ito ay itinatakda ng Diyos.) Sino ang magtatakda nito? (Diyos.) Hindi kayo sigurado, hindi ba? Mga kapatid sa mga iglesia sa Hong Kong, magsalita kayo—sino ang nagtatakda nito? (Ang tao mismo ang magtatakda nito.) Ang tao mismo ang magtatakda nito? Nangangahulugan ba na walang kinalaman ang bagay na ito sa Diyos? Sino ang nais magsalita mula sa mga iglesiang Koreano? (Itatakda ng Diyos ang kalalabasan ng tao batay sa lahat ng mga kilos at gawa nila, at batay sa landas na nilalakaran nila.) Ito ay isang napaka-makatotohanang pagtugon. May isang katotohanan dito na dapat kong ipaalam sa inyong lahat: Sa landasin ng gawain ng pagliligtas ng Diyos, nagtatakda Siya ng isang pamantayan para sa tao. Ang pamantayan na ito ay para masundan ng tao ang salita ng Diyos, at makalalakad siya sa landas ng Diyos. Ang pamantayan na ito ang ginagamit upang timbangin ang kalalabasan ng tao. Kung magsasagawa ka na alinsunod sa pamantayan ito ng Diyos, maaari kang makakuha ng isang mahusay na kalalabasan; kung hindi naman, hindi ka makatatamo ng isang mahusay na kalalabasan. Kung gayon, sino ang sinasabi mong magtatakda ng kalalabasan na ito? Hindi lang ang Diyos ang magtatakda nito, sa halip ito ay ang Diyos at ang tao na magkasama. Tama ba ito? (Oo.) Bakit ganoon? Dahil ang Diyos ang aktibong nagnanais na makisali sa gawaing pagliligtas sa sangkatauhan, at maghanda ng isang magandang hantungan para sa tao; ang tao ang sentro ng gawain ng Diyos, at ang kalalabasang ito, ang hantungan ito, ang inihahanda ng Diyos para sa tao. Kung walang layunin para sa Kanyang gawain, hindi kailangang gawin ng Diyos ang gawaing ito; kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito, walang pagkakataon ang tao para sa kaligtasan. Tao ang layon ng kaligtasan, at bagaman walang ginagawa ang tao sa prosesong ito, ang saloobin niya ang tutukoy kung magiging matagumpay ang Diyos o hindi sa Kanyang gawain na pagliligtas sa sangkatauhan. Kung hindi dahil sa paggabay na ipinagkakaloob ng Diyos sa’yo, hindi mo malalaman ang Kanyang pamantayan, at kung gayon wala kang magiging layunin. Kung nasa iyo ang pamantayang ito, ang layunin na ito, ngunit hindi ka makikipagtulungan, hindi mo ito isasagawa, hindi ka handang magdusa, hindi mo pa rin matatamo ang kalalabasan na ito. Kaya sinasabi natin na hindi maaaring ihiwalay sa Diyos ang kalalabasan na ito, at hindi ito maaaring ihiwalay mula sa tao. Kaya alam na ninyo ngayon kung sino ang magtatakda sa kalalabasan ng tao.

Malimit na Ipinapakahulugan ng mga Tao ang Diyos Batay sa Karanasan

Kapag nakikipagtalastasan sa paksang pagtukoy sa Diyos, may mapapansin kayo na isang bagay? Napansin ninyo ba na nagbago ang kasalukuyang saloobin ng Diyos? Hindi ba nababago ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan? Palagi bang magtitiis ang Diyos na tulad nito, na walang katapusang iniaabot ang Kanyang pag-ibig at awa sa tao? Nauugnay din ang bagay na ito sa diwa ng Diyos. Babalikan natin ang tanong noon ng tinatawag na alibughang anak. Pagkatapos na matanong ito, ang mga sagot ninyo ay hindi masyadong malinaw. Sa ibang salita, hindi pa rin ninyo maunawaang maigi ang mga layunin ng Diyos. Kapag nalaman ng mga tao na mahal ng Diyos ang sangkatauhan, ipinakakahulugan nila ang Diyos bilang isang simbolo ng pag-ibig: Anuman ang ginagawa ng mga tao, paano man ang kanilang pagkilos, paano man ang pagtrato nila sa Diyos, at gaano man ang katigasan ng kanilang ulo, wala sa mga ito ang mahalaga dahil may pag-ibig ang Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan at hindi masukat. May pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mapagparaya sa mga tao; may pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mahabagin sa mga tao, maawain sa kanilang kakulangan sa gulang, maawain sa kanilang kamangmangan, at maawain sa kanilang pagsuway. Ganito ba talaga ito? Para sa ilang mga tao, kapag naranasan nila ang pagiging matiisin ng Diyos nang isang beses, o ilang beses, pinupuhunan na nila ito sa kanilang sariling-pag-unawa sa Diyos, naniniwala sila na ang Diyos ay magtitiis sa kanila magpakailanman, mahahabag sa kanila, at sa landasin ng kanilang buhay ay kukunin nila ang pagkamatiisin ng Diyos at ituturing ito bilang batayan ng pagtrato ng Diyos sa kanila. Mayroon ding mga tao na, kapag naranasan nila minsan ang pagpaparaya ng Diyos, ay magpakailanman nilang ipapakahulugan ang Diyos bilang mapagparaya, at ang pagpaparayang ito ay walang hangganan, walang pasubali, at maging ganap na walang prinsipiyo. Tama ba ang mga paniniwalang ito? Sa tuwing natatalakay ang diwa o disposisyon ng Diyos, tila nalilito kayo. Medyo nagagalit ako kapag nakikita kayong ganito. Napakaraming katotohanan ang narinig ninyo tungkol sa diwa ng Diyos; napakarami rin ang narinig ninyo tungkol sa disposisyon ng Diyos. Gayunman, sa inyong mga isipan ang mga isyung ito, at ang katotohanan ng mga aspetong ito, ay pawang mga alaala lamang na batay sa teyorya at sa nakasulat na mga salita. Wala sa inyo ang kailanman ay nakaranas sa kung ano ang disposisyon ng Diyos sa inyong tunay na buhay, ni wala rin ang nakakita sa inyo kung ano nga ba ang disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, kayong lahat ay naguguluhan sa inyong mga paniniwala, lahat kayo ay pikit-matang naniniwala, hanggang sa punto na kayo ay mayroong walang pakundangang saloobin tungo sa Diyos, na isinasantabi ninyo lang Siya sa isang sulok. Ano ang kahahantungan ng ganitong uri ng saloobin ninyo sa Diyos? Ito ay laging humahantong sa mga konklusyon ninyo tungkol sa Diyos. Sa sandaling nagkaroon kayo ng maliit na kaalaman, masyado na kayong nasisiyahan, pakiramdam ninyo ay natamo na ninyo ang Diyos sa Kanyang kabuuan. Pagkatapos nito ay ipapakahulugan ninyong ganito ang Diyos, at hindi ninyo hinahayaan na kumilos Siya nang malaya. At sa tuwing may ginagawa ang Diyos na isang bagong bagay, hindi ninyo matanggap na Siya ay Diyos. Isang araw, kapag sasabihin ng Diyos: “Hindi Ko na mahal ang tao; hindi na Ako mag-aabot ng awa sa tao; wala na Akong anumang pagpaparaya o pagkamatiisin sa tao; Ako’y puspos ng matinding pagkamuhi at pagkainis sa tao,” sa kaibuturan ng puso ng tao hindi nila matanggap ang ganitong uri ng pahayag. Sasabihin pa ng ilan sa kanila: “Hindi na Ikaw ang Diyos ko ngayon; hindi na Ikaw ang Diyos na gusto kong sundin. Kung ganito ang sinasabi Mo, hindi Ka na kwalipikadong maging Diyos ko, at hindi ko na kailangang manatiling sumusunod sa Iyo. Kung hindi Mo ako bibigyan ng awa, hindi bibigyan ng pag-ibig, hindi bibigyan ng pagpaparaya, hindi na ako susunod sa Iyo. Maaari lamang Kitang sundin, at magkakaroon lamang ako ng tiwalang sumunod hanggang sa katapusan kung Ikaw ay mapagparaya sa akin nang walang hangganan, palaging matiisin sa akin, kung ipakikita Mong Ikaw ay pag-ibig sa akin, Ikaw ay pagkamatiisin, na Ikaw ang magpapaubaya. Dahil nasa akin ang Iyong pagkamatiisin at habag, ang aking pagsalangsang at kasalanan ay maaaring mapatawad nang walang hangganan, pagpasensyahan nang walang hangganan, at maaari akong magkasala sa anumang oras at kahit saan, magkumpisal at mapatawad sa anumang oras at kahit saan, at galitin Ka sa anumang oras at kahit saan. Hindi Ka dapat magkaroon ng anumang sarili Mong mga ideya o mga konklusyon tungkol sa akin.” Kahit na maaaring hindi mo iniisip ang tungkol sa ganitong uri ng tanong sa isang mapansarili at may kamalayan na paraan, tuwing itinuturing mo ang Diyos na isang kasangkapan para sa pagkapatawad ng iyong mga kasalanan at isang bagay na gagamitin para sa pagtamo ng isang magandang hantungan, inilagay mo na ang buhay na Diyos na pasalungat sa iyo, bilang kaaway mo. Ito ang nakikita Ko. Maaari mong patuloy na sinasabi, “Sumasampalataya ako sa Diyos”; “Nabubuhay ako na ayon sa katotohanan”; “Gusto kong baguhin ang aking disposisyon”; “Gusto kong makawala mula sa impluwensya ng kadiliman”; “Gusto kong masiyahan ang Diyos”; “Gusto kong sundin ang Diyos”; “Gusto kong maging tapat sa Diyos at gawin ang aking tungkulin nang mabuti”; at iba pa. Gayunpaman, kahit gaano man kaganda ang anumang sasabihin mo, gaano man kadami ang teyoryang nalalaman mo, gaano man kahanga-hanga ang teyorya na yan, kung gaano man karangal ito, ang katotohanan ay marami na sa inyo ang natutong gamitin ang regulasyon, ang doktrina, ang teyoryang pinagkadalubhasaan ninyo upang gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, at ilagay Siya na kasalungat sa inyong sarili sa isang ganap na likas na paraan. Kahit na pinagkadalubhasaan mo ang mga liham at doktrina, hindi ka pa talagang pumasok sa reyalidad ng katotohanan, kaya napakahirap para sa iyo ang lumapit sa Diyos, ang makilala ang Diyos, ang maunawaan ang Diyos. Ito ay kalunus-lunos!

Nakita ko ang palabas na ito sa isang video: Nakahawak ang ilang mga kapatid na babae sa isang aklat na Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at hawak nila ito at itinataas nang napakataas. Hawak nila ang aklat na ito sa kanilang kalagitnaan, mas mataas kaysa sa kanilang mga ulo. Kahit na ito ay isang imahe lamang, ang ipinupukaw nito sa loob Ko ay hindi isang imahe. Sa halip, naisip Ko na ang itinataas ng bawat tao sa kanilang puso ay hindi salita ng Diyos, kundi ang aklat ng salita ng Diyos. Ito ay isang nakalulungkot na bagay. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay hindi lamang isang kaso ng pagtaas sa Diyos. Ito ay dahil hindi ninyo naiintindihan ang Diyos kaya nga ang isang napakalinaw na tanong, isang napakaliit na tanong, ay nagdudulot sa inyong gumawa ng sarili ninyong mga kuru-kuro. Kapag humihingi Ako ng mga bagay sa inyo, kapag nagiging seryoso Ako sa inyo, tumutugon kayo sa inyong mga haka-haka at mga sariling imahinasyon; ang ilan pa sa inyo ay nagdududa at naniningil. Ito ang malinaw na kumukumpirma sa Akin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi ang tunay na Diyos. Matapos ang pagbabasa ng salita ng Diyos sa loob ng maraming taon, ginagamit ninyo ang salita ng Diyos, ginagamit ninyo ang gawain ng Diyos, at higit pang mga doktrina upang muling gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos. Dagdag pa rito, hindi ninyo sinubukang unawain ang Diyos; hindi ninyo sinubukang alamin ang mga layunin ng Diyos; hindi ninyo sinubukang unawain kung ano ang saloobin ng Diyos sa tao; o kung paano mag-isip ang Diyos, kung bakit Siya ay malungkot, kung bakit Siya ay galit, kung bakit Siya ay nasusuklam sa tao, at iba pang mga gayong katanungan. Bukod diyan, higit pang maraming tao ang naniniwala na ang Diyos ay palagian ng tahimik dahil pinapanood lamang Niya ang mga kilos ng sangkatauhan, dahil walang Siyang saloobin sa kanila, at wala Siyang sarili Niyang mga ideya. Ang isa pang grupo ay higit pang pinalalawig ito. Naniniwala ang mga taong ito na ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig dahil hindi Siya tumututol, ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig sapagkat Siya ay naghihintay, ang Diyos ay hindi makabigkas ng tinig dahil wala Siyang saloobin, dahil ang saloobin ng Diyos ay ganap nang naipaliwanag sa libro, naipahayag na ang kabuuan nito sa sangkatauhan, at hindi na kailangan pang paulit-ulit na sinasabi sa mga tao. Kahit tahimik ang Diyos, mayroon pa rin Siyang saloobin, may pananaw, at may pamantayan na hinihiling sa mga tao. Kahit hindi Siya sinusubukang unawain ng mga tao, at hindi Siya sinusubukang sundin, ang Kanyang saloobin ay napakalinaw. Isaalang-alang ang isang tao na minsan ay masigasig na sumusunod sa Diyos, ngunit sa isang punto ay inabandona Siya at lumisan. Kung nais ng taong ito na bumalik ngayon, anupat kagulat-gulat, hindi ninyo alam kung ano ang pananaw ng Diyos, at kung ano ang saloobin Niya. Hindi ba ito kalunus-lunos? Sa katunayan, ito ay isang medyo mababaw lamang na bagay. Kung tunay na nauunawaan ninyo ang puso ng Diyos, malalaman ninyo ang Kanyang saloobin para sa ganitong uri ng tao, at hindi kayo magbibigay ng isang hindi siguradong sagot. Dahil hindi niyo alam, pahintulutan niyo Akong ituro sa inyo.

Ang Saloobin ng Diyos sa mga Tumakas Sa Panahon ng Kanyang Paggawa

Makikita mo ang ganitong uri ng tao sa lahat ng dako: Pagkatapos nilang maging tiyak tungkol sa landas ng Diyos, sa iba’t ibang dahilan, tahimik silang lumisan at hindi man lamang nagpaalam at ginawa nila ang anumang ninanais ng kanilang puso. Sa ngayon, hindi natin tatalakayin kung bakit lumisan ang taong ito. Una tingnan natin kung ano ang saloobin ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Ito ay napakalinaw! Mula sa sandaling lumisan ang taong ito, sa paningin ng Diyos, tapos na ang panahon ng kanilang paniniwala. Hindi ang taong ito ang tumapos nito, kundi ang Diyos. Ang ibig sabihin ng paglisan ng taong ito ay itinakwil na nila ang Diyos, na ayaw na nila ang Diyos. Ito ay nangangahulugan na hindi na nila tinatanggap ang kaligtasan ng Diyos. Dahil ayaw na ng taong ito ang Diyos, maaari pa rin bang gusto sila ng Diyos? Bukod dito, kapag nasa taong ito ang saloobin na ito, ang pananaw na ito, at nakapagpasya na silang iwanan ang Diyos, napalubha na nila ang disposisyon ng Diyos. Kahit na hindi sila nagwala at sumpain ang Diyos, kahit na hindi sila gumawa ng anumang napakasama o labis na pag-uugali, at kahit na iniisip ng taong ito: Kung dumating ang araw na maubos na ang aking panlabas na kasayahan, o kapag may pangangailangan pa rin ako sa Diyos, ako ay babalik. O kapag tatawagin ako ng Diyos, ako ay babalik. O sasabihin nila: Kapag ako ay nasaktan sa labas, kapag nakita kong masyadong madilim ang mundo sa labas at masyadong masama at ayaw ko nang sumama sa daloy, babalik ako sa Diyos. Kahit na kalkulado sa isip ng taong ito ang punto kung kailan sila babalik, kahit na iwanan nilang bukas ang pinto para sa kanilang pagbabalik, hindi nila napagtanto na kahit ano ang isipin at planuhin nila, ang lahat ng mga ito ay magandang pangarap lamang. Ang pinakamalaking pagkakamali nila ay ang pagiging malabo tungkol sa damdamin ng Diyos kapag ninais nilang umalis. Simula sa sandaling nagpasya ang taong ito na lisanin ang Diyos, ganap nang iniwan sila ng Diyos; itinakda na ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang kalalabasan. Ano ang kalalabasang ito? Na ang taong ito ay isa sa mga dagang costa, at mamatay sila na kasama ang mga ito. Kaya, madalas na makita ng mga tao ang ganitong uri ng sitwasyon: May mag-aabandona sa Diyos, ngunit hindi sila nakatatanggap ng kaparusahan. Kumikilos ang Diyos ayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Makikita ng mga tao ang ilang mga bagay, at ang ilang mga bagay-bagay ay natutukoy lamang sa puso ng Diyos, kaya hindi nakikita ng mga tao ang mga resulta. Ang nakikita ng mga tao ay hindi kinakailangang tunay na panig ng mga bagay; ngunit ang iba pang panig, ang panig na hindi mo makita—ito ang tunay na saloobin at pagpapalagay ng puso ng Diyos.

Ang mga Taong Tumakas sa Panahon ng Paggawa ng Diyos ay ang mga Nag-abandona sa Totoong Landas

Kung gayon bakit bibigyan ng Diyos ang ganitong uri ng tao ng isang malubhang kaparusahan? Bakit galit na galit ang Diyos sa kanila? Una sa lahat alam natin na ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan, ay poot. Hindi Siya isang tupa na maaaring patayin ng sinuman; higit pa, hindi Siya isang sunud-sunuran upang maging kontrolado ng mga tao sa anumang gusto nila. Hindi rin Siya walang halaga na inuutus-utusan ng mga tao. Kung talagang naniniwala ka na may Diyos, dapat may puso kang natatakot sa Kanya, at dapat mong malaman na ang diwa ng Diyos ay hindi dapat ginagalit. Ang galit na ito ay maaaring idulot ng isang salita; marahil isang pag-iisip; marahil ilang mga uri ng karima-rimarim na pag-uugali; marahil banayad na pag-uugali, pag-uugali na uubra sa mga mata at etika ng tao; o marahil ito ay sanhi ng isang doktrina, isang teyorya. Gayunpaman, sa sandaling ginalit mo ang Diyos, ang iyong pagkakataon ay nawala na at ang katapusan ng mga araw mo ay dumating na. Ito ay isang kahila-hilakbot na bagay! Kung hindi mo maunawaan na hindi maaaring saktan ang Diyos, marahil ay wala kang takot sa Kanya, at marahil ay palagi kang nagkakasala sa Kanya. Kung hindi mo alam kung paano ang matakot sa Diyos, hindi ka matatakot sa Kanya, at hindi mo alam kung paano ang lumakad sa landas ng Diyos—ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kapag nagkaroon ka ng kamalayan, malalaman mo na hindi maaaring saktan ang damdamin ng Diyos, at malalaman mo kung paano ang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.

Ang paglalakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan ay hindi kailangang tungkol sa dami ng katotohanan na alam mo, sa dami ng mga pagsubok na naranasan mo, o kung gaano ang pagkadisiplina mo. Sa halip, ito ay nakasalalay sa diwa ng pagsaalang-alang mo sa Diyos sa iyong puso, at kung ano ang iyong saloobin sa Diyos. Ang diwa ng mga tao at ang pansarili nilang mga saloobin—napakahalaga ang mga ito, pinakapangunahin. Patungkol sa mga tao na itinakwil at iniwan ang Diyos, ang mapanghamak na saloobin nila sa Diyos at ang puso nilang nagsisihamak sa katotohanan ang nagpalubha sa disposisyon ng Diyos, kaya sa ngayon para sa Diyos hindi sila patatawarin kailanman. Nalaman nila ang tungkol sa pag-iral ng Diyos, nasa kanila ang impormasyon na dumating na ang Diyos, naranasan pa nila ang bagong gawain ng Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi isang kaso ng pagkalinlang, at hindi rin ito dahil malabo sa kanila ang tungkol dito. Mas lalo nang hindi ito isang kaso ng pagkapilit. Sa halip ay may kamalayan sila, at malinaw ito sa kanilang isipan, pinili nilang lisanin ang Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi pagkawala sa kanilang landas; ito ay hindi pagtatakwil. Samakatuwid, sa paningin ng Diyos, hindi sila isang tupa na napawalay sa kawan, mas lalo nang hindi isang alibughang anak na nawala sa kanyang landas. Nagsialis sila nang hindi napaparusahan, at ang kondisyon at sitwasyon na yan, ang nagpalubha sa disposisyon ng Diyos, at dahil nga sa pagpapalubhang ito ibinigay Niya sa kanila ang isang walang pag-asang kalalabasan. Hindi ba kakila-kilabot ang ganitong uri ng kalalabasan? Kaya kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos, maaari silang magkasala sa Diyos. Ito ay hindi maliit na bagay! Kung hindi sineseryoso ng isang tao ang saloobin ng Diyos, at naniniwala pa rin na pinananabikan ng Diyos ang kanilang pagbabalik—dahil isa sila sa mga nawalang tupa ng Diyos at naghihintay pa rin ang Diyos para sa pagbabago ng kanilang puso—kung gayon, ang taong ito ay hindi malayo sa araw ng kanilang kaparusahan. Hindi sila basta-basta tanggihan ng Diyos. Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinalulubha nila ang Kanyang disposisyon; ito ay mas kahila-hilakbot na bagay! Nasaktan na ng walang paggalang na saloobin ng taong ito ang atas ng pamamahala ng Diyos. Tatanggapin pa ba sila ng Diyos? Ang mga prinsipyo ng Diyos tungkol sa bagay na ito ay: Kung ang isang tao ay naging tiyak tungkol sa tunay na landas ngunit maaari niya pa ring tanggihan ang Diyos nang sinasadya at may malinaw na pag-iisip, at inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos, isasarado ng Diyos ang daan na patungo sa kanilang kaligtasan, at maisasara ang pintuan ng kaharian para sa kanila mula noon. Kapag dumating ang taong ito at muling kumatok, hindi na muling bubuksan ng Diyos ang pintuan para sa kanila. Ang taong ito ay mapagsasarhan magpakailanman. Marahil nabasa na ng ilan sa inyo ang kuwento ni Moises sa Biblia. Pagkatapos na pinili ng Diyos si Moises, hindi nasiyahan ang 250 na lider sa kanya dahil sa kanyang mga kilos at iba pang mga dahilan. Sino ang tinanggihan nilang sundin? Hindi si Moises. Tumanggi silang sumunod sa mga itinakda ng Diyos; nagsitanggi silang magsisunod sa gawain ng Diyos sa bagay na ito. Sinabi nila ang mga sumusunod: “Kayo’y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa’t isa sa kanila, at si Jehova ay nasa gitna nila….” Sa tingin ng tao, napaka-seryoso ba ng mga salitang ito? Hindi seryoso ang mga ito! Ang literal na kahulugan ng mga salita ay hindi seryoso. Sa legal na kahulugan, hindi sila lumabag sa anumang mga batas, dahil sa wari ito ay hindi pagalit na wika, o bokabularyo, mas lalo nang walang anumang mapaglapastangan na kahulugan. Isang karaniwang pangungusap lamang ito, wala nang iba pa. Ngunit bakit nagdulot ang mga salitang ito ng galit sa Diyos? Dahil hindi nabanggit ang mga ito na para sa mga tao, kundi sa Diyos. Ang saloobin at disposisyon na ipinahayag sa pamamagitan ng mga ito ay ang tiyak na nagpapalubha sa disposisyon ng Diyos, lalo na sa disposisyon ng Diyos na hindi maaaring saktan. Alam nating lahat kung ano ang kanilang kalalabasan sa katapusan. Tungkol sa mga umabandona sa Diyos, ano ang kanilang pananaw? Ano ang kanilang saloobin? At bakit hahantong ang kanilang mga pananaw at saloobin sa pakikitungo ng Diyos sa kanila sa ganitong paraan? Ang dahilan dito ay dahil malinaw na alam nilang Diyos Siya ngunit pinili pa rin nilang Siya ay ipagkanulo. Yan ang dahilan kung bakit lubos na tinanggal ang pagkakataon nila para sa kaligtasan. Katulad ng sinasabi ng Biblia: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan.” Malinaw na ba ang bagay na ito sa iyo ngayon?

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap