Mga Salita sa Pagkilala sa Gawain at Disposisyon ng Diyos (Sipi 25)

Ilang taon matapos magsimula ang yugtong ito ng gawain, may isang taong nananalig sa Diyos pero hindi hinangad ang katotohanan; ang ginusto lamang niya ay kumita ng pera at makahanap ng makakatuwang sa buhay, na maging buhay-mayaman, kung kaya’t iniwan niya ang iglesia. Matapos magpagala-gala sa loob ng ilang taon, hindi inaasahan na siya ay nagbalik. Nakadama siya ng matinding pagsisisi sa kanyang puso, at tumangis siya nang husto. Pinatunayan nito na hindi tuluyang iniwan ng puso niya ang Diyos, na isang mainam na bagay; mayroon pa rin siyang pagkakataon at pag-asa na maligtas. Kung tumigil siya sa pananalig, naging katulad ng mga hindi mananampalataya, magiging lubos na katapusan na sana niya. Kung tunay siyang makapagsisisi, may pag-asa pa siya; ito ay bihira at mahalaga. Paano man kumilos ang Diyos, at paano man Niya tratuhin ang mga tao—kahit na kinamumuhian, kinasusuklaman, o isinusumpa Niya ang mga ito—kung darating ang araw na kagyat na makapagbabago sila, Ako ay lubhang magiginhawaan, dahil mangangahulugan ito na mayroon pa rin silang kaunting puwang sa kanilang puso para sa Diyos, na hindi nila ganap na naiwala ang kanilang pantaong katinuan o ang kanilang pagkatao, na nais pa rin nilang maniwala sa Diyos, at na kahit paano ay mayroon silang bahagyang intensyon na kilalanin Siya at bumalik sa harapan Niya. Para sa mga taong tunay na nasa puso ang Diyos, kahit kailan pa nila nilisan ang sambahayan ng Diyos, kung sila ay bumalik at pinahahalagahan pa rin nila ang pamilyang ito, kahit paano ay madamdaming mapapalapit Ako at bahagyang magiginhawaan dito. Gayunpaman, kung hindi sila bumalik kailanman, iisipin Ko na ito ay kahabag-habag. Kung makababalik sila at tunay na makapagsisisi, talagang mapupuno ng kasiyahan at kaginhawahan ang Aking puso. Na ang taong ito ay may kakayahan pa ring bumalik ay nagpapahiwatig na hindi niya nakalimutan ang Diyos; nagbalik siya dahil sa kanyang puso, hinahanap-hanap pa rin niya ang Diyos. Nakakaantig talaga nang magkita kami. Noong lumayo siya, talagang napakanegatibo niya, at nasa masamang kalagayan siya; ngunit kung makababalik na siya ngayon, nagpapatunay ito na mayroon pa rin siyang pananampalataya sa Diyos. Gayunpaman, kung makakaya man niya o hindi na patuloy na sumulong ay isang bagay na di-batid, sapagkat napakabilis magbago ng mga tao. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon si Jesus ng habag at biyaya para sa mga tao. Kung ang isa sa sandaang tupa ay naligaw, iiwan Niya ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isa. Ang pangungusap na ito ay hindi naglalarawan ng isang uri ng mekanikal na kilos, o ng isang regulasyon; sa halip, ipinakikita nito ang agarang layunin ng Diyos na maghatid ng kaligtasan sa mga tao, pati na rin ng Kanyang malalim na pagmamahal para sa kanila. Hindi ito isang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay; ito ay isang uri ng disposisyon, isang uri ng pag-iisip. Sa gayon, nililisan ng ilang tao ang iglesia nang anim na buwan o isang taon, o datapuwat marami ang taglay na mga kahinaan o datapuwat dumaranas ng maraming maling pagkaunawa, at gayunman ay ang kakayahan nilang gumising kalaunan sa realidad, magkamit ng kaalaman at kagyat na magbago, at bumalik sa tamang landas ay lalo nang nagpapaginhawa sa Akin at nagdudulot sa Akin ng kapirasong katuwaan. Sa mundong ito ng pagsasaya at karangyaan, at sa masamang kapanahunang ito, ang kakayahang kilalanin ang Diyos at makabalik sa tamang landas ay isang bagay na nagdudulot ng bahagyang ginhawa at kasabikan. Ang pagpapalaki ng mga anak, halimbawa: Mapagmahal man sila sa magulang o hindi, ano ang iyong mararamdaman kung hindi ka nila kinilala, at nilisan ang tahanan, na hinding-hindi na magbabalik? Sa kaibuturan, mananatili ka pa ring nagmamalasakit sa kanila, at palagi mong iniisip, “Kailan babalik ang aking anak? Nais ko siyang makita. Maging anupaman, anak ko siya, at hindi walang-saysay na pinalaki at minahal ko siya.” Ganito ka laging mag-isip; lagi kang nananabik sa pagdating ng araw na iyon. Pareho ang nararamdaman ng lahat pagdating sa bagay na ito, at hindi pa pinag-uusapan dito ang Diyos—hindi ba’t mas higit Siyang umaasa na mahahanap ng tao ang daan pabalik matapos maligaw, na babalik ang alibughang anak? Mababa ang tayog ng mga tao sa panahong ito, ngunit darating ang araw na mauunawaan nila ang kalooban ng Diyos—maliban na lang kung wala silang interes sa tunay na pananampalataya, maliban kung sila ay mga walang pananampalataya, kung magkagayon ay hindi na sila iintindihin pa ng Diyos.