Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 100
Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Lumikha, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad Ang awtoridad mismo ay maipapaliwanag bilang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Nasabi Ko na nang maraming beses na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay upang baguhin ang espiritu ng bawat tao, upang baguhin ang kaluluwa ng bawat tao, nang sa gayon ang kanilang puso, na nagdusa na ng matinding pagkadala, ay mabago, sa gayon ay nasasagip ang kanilang kaluluwa, na matinding napinsala na ng kasamaan: ito ay upang gisingin ang espiritu ng mga tao, upang tunawin ang kanilang malamig na mga puso, at tulutan silang maging bata muli. Ito ang pinakadakilang kalooban ng Diyos. Isantabi ang sabi-sabi tungkol sa kung gaano katayog o kalalim ang buhay at mga karanasan ng tao; kapag nagising na ang puso ng mga tao, kapag nagising na sila mula sa kanilang mga panaginip at nalaman nang husto ang pinsalang idinulot ng malaking pulang dragon, matatapos na ang gawain ng ministeryo ng Diyos. Ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos ay ang araw kung kailan din opisyal nang nagsisimula ang tao sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Sa panahong ito, darating na sa katapusan ang ministeryo ng Diyos: Ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na naging katawang-tao, at opisyal nang magsisimula ang tao na gampanan ang tungkulin na nararapat niyang gampanan—gagampanan niya ang kanyang ministeryo. Ang mga ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kaya, dapat ninyong kapain ang inyong landas sa pagpasok mula sa pundasyon ng pag-alam ng mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay ang dapat ninyong maunawaan. Mapapabuti lamang ang pagpasok ng tao kapag ang mga pagbabago ay nangyari na sa kailaliman ng kanyang puso, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay ang kumpletong kaligtasan ng tao—ang tao na natubos, na namumuhay pa rin sa ilalim ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi kailanman ginising ang sarili niya—mula rito sa lugar na pinagtitipunan ng mga demonyo; ito ay upang ang tao ay maaaring mapalaya mula sa libong taon ng kasalanan, at maging mga iniibig ng Diyos, ganap na pinababagsak ang malaking pulang dragon, itinatatag ang kaharian ng Diyos, at pinapapahinga ang puso ng Diyos nang mas maaga, ito ay upang ilabas, nang walang pasubali, ang galit na pumuputok sa ng inyong dibdib, upang puksain yaong inaamag na mga mikrobyo, upang tulutan kayo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa isang baka, o kabayo, upang hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang natatapak-tapakan o nauutus-utusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo magiging bahagi nitong nabigong bansa, hindi na magiging pagmamay-ari ng kasuklam-suklam na malaking pulang dragon, hindi na kayo maaalipin nito. Ang pugad ng demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos—kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang dito sa imperyo ng mga alipin. Matagal nang kinasuklaman ng Diyos itong madilim na lipunan hanggang sa Kanya mismong mga buto. Pinagngangalit Niya ang Kanyang mga ngipin, desperado Siyang mariing tapakan itong masama at kasuklam-suklam na matandang ahas, sa gayon hindi ito maaaring mabuhay muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, pananatilihin Niya ang puntos ng bawat isa sa mga kasalanan nito sa kabuuan ng mga kapanahunan. Hindi hahayaan ng Diyos ni katiting na mawalan ng pananagutan ang pasimuno sa lahat ng kasamaan, lubos Niya itong wawasakin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8
Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Lumikha, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad Ang awtoridad mismo ay maipapaliwanag bilang...
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa...
Paano Ginagamit ni Satanas ang Kaalaman Upang Gawing Tiwali ang Tao Ang kaalaman ba ay itinuturing ng lahat na isang positibong bagay?...
Sa tradisyonal na mga pagkaunawa ng tao, ang pag-ibig ng Diyos ay ang Kanyang biyaya, awa, at simpatiya para sa kahinaan ng tao. Bagama’t...