Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 57
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Magkakaroon ng Takot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan? Dahil ang mga tao sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Kapag nakita mo ang iyong sarili na nakaharap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, sasabihin mo kaya na may halo na ang salita ng Diyos? Sasabihin mo bang may kasinungalingan sa likod ng pagkapoot ng Diyos, at ang Kanyang pagkapoot ay may halo? Sisiraan mo ba ang Diyos, at sasabihing ang Kanyang disposisyon ay hindi naman talaga lubos na matuwid? Kapag hinaharap ang bawat isang gawa ng Diyos, kailangang tiyakin mo muna na malaya mula sa anumang ibang mga elemento ang matuwid na disposisyon ng Diyos, na ito ay banal at walang kapintasan. Kasama sa mga gawang ito ang pagpapabagsak, kaparusahan at pagwasak ng Diyos sa sangkatauhan. Walang pagtatangi, ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay ginawa sa mahigpit na pagsunod sa Kanyang likas na disposisyon at Kanyang plano—hindi kasama rito ang kaalaman, tradisyon at pilosopiya ng sangkatauhan. Ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang disposisyon at diwa, na walang kaugnayan sa anumang bagay na kabilang sa tiwaling sangkatauhan. Sa kuru-kuro ng mga tao, tanging ang pag-ibig ng Diyos, awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ang walang-bahid, walang-halo at banal, at, walang nakaaalam na ang matinding galit ng Diyos at ang Kanyang poot ay wala ring halo; dagdag pa rito, walang nakapag-isip nang mabuti ng mga tanong tulad ng bakit hindi kinukunsinti ng Diyos ang pagkakasala o bakit ang Kanyang poot ay napakatindi. Bagkus, napagkakamalan ng ilan ang poot ng Diyos bilang init ng ulo, gaya ng sa tiwaling sangkatauhan, at nagkakamali ng pagkaunawa sa poot ng Diyos bilang kagaya ng matinding galit ng tiwaling sangkatauhan. Nagkakamali nga rin sila sa pagpapalagay na ang matinding galit ng Diyos ay katulad lamang ng likas na paghahayag ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at na ang pagpapalabas ng poot ng Diyos ay katulad lamang ng galit ng tiwaling sangkatauhan kapag sila ay nahaharap sa isang hindi masayang sitwasyon, at naniniwala pa sila na ang pagpapalabas ng poot ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang lagay ng loob. Pagkatapos ng pagbabahaging ito, umaasa Ako na ang bawat isa sa inyo ay hindi na magkakaroon ng anumang mga maling pagkakaintindi, mga guni-guni o mga haka-haka tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Umaasa Ako na pagkatapos ninyong marinig ang Aking mga salita, magkakaroon kayo sa inyong mga puso ng tunay na pagkakilala sa poot ng matuwid na disposisyon ng Diyos, na maisasantabi na ninyo ang anumang nakaraang maling pagkaunawa sa poot ng Diyos, na kaya na ninyong baguhin ang inyong mga sariling maling paniniwala at mga pananaw tungkol sa diwa ng poot ng Diyos. Dagdag pa rito, umaasa Ako na magkakaroon na kayo ng tumpak na pakahulugan sa disposisyon ng Diyos sa inyong mga puso, na hindi na kayo magkakaroon pa ng anumang pag-aalinlangan tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at na hindi na ninyo ipagpipilitan ang anumang pantaong pangangatwiran o pag-iisip tungo sa tunay na disposisyon ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling tunay na diwa. Hindi ito isang bagay na hinubog o isinulat ng tao. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay ang Kanyang matuwid na disposisyon at wala itong relasyon o mga ugnayan sa alinman sa nilikha. Ang Diyos Mismo ay ang Diyos Mismo. Hindi Siya kailanman magiging bahagi ng nilikha, at kahit na maging kaanib Siya ng mga nilikhang nilalang, ang Kanyang likas na disposisyon at diwa ay hindi magbabago. Samakatuwid, ang pagkakilala sa Diyos ay hindi pagkakilala sa isang bagay; hindi ito pagsusuri sa isang bagay, ni katulad ng pag-unawa sa isang tao. Kung ginagamit ng tao ang kanyang konsepto o pamamaraan ng pagkilala sa isang bagay o pag-unawa sa isang tao upang makilala ang Diyos, hindi ka kailanman magkakamit ng kaalaman tungkol sa Diyos. Ang pagkakilala sa Diyos ay hindi nakasalalay sa karanasan o imahinasyon, at samakatuwid hindi mo dapat ipagpilitan kahit kailan ang iyong karanasan o imahinasyon sa Diyos. Gaano man kayaman ang iyong karanasan at imahinasyon, may hangganan pa rin ang mga iyan. Higit pa riyan, ang iyong imahinasyon ay hindi umaayon sa mga katunayan, at lalong hindi ito umaayon sa katotohanan, at ito ay hindi katugma ng tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Hindi ka kailanman magtatagumpay kung aasa ka lamang sa iyong pag-iisip upang maunawaan ang diwa ng Diyos. Ang tanging landas ay ito: Tanggapin ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at pagkatapos, unti-unting danasin at unawain ito. Darating ang araw na liliwanagan ka ng Diyos upang Siya ay lubos mong maunawaan at makilala dahil sa iyong pakikipagtulungan at dahil sa iyong pagkagutom at pagkauhaw para sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Magkakaroon ng Takot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan? Dahil ang mga tao sa...
Ang Tukso ni Satanas Mateo 4:8–11 Muli Siyang dinala ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya ang lahat ng mga...
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nangangailangan ng malaking tiwala, tiwalang mas malaki pa kaysa kay Job. Kung walang tiwala,...
Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Lumikha, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad Ang espesyal na pagkakakilanlan ni Satanas...