"Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain" | Sipi 12

Sa pagsunod sa Diyos, bihirang pinapansin ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, at bihira nilang isinasaalang-alang ang mga kaisipan ng Diyos at ang saloobin Niya sa tao. Hindi ninyo maunawaan ang kaisipan ng Diyos, kaya kapag natatanong kayo ng may kinalaman sa mga layunin ng Diyos, may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, kayo ay nalilito; malalim ang kawalan ninyo ng katiyakan, at nanghuhula lamang o sumusugal kayo. Ano ang saloobin na ito? Ito ang patunay sa katotohanang ito: Karamihan sa mga tao na naniniwala sa Diyos ay isinasaalang-alang Siya bilang walang halaga, bilang malabo. Bakit ganito ang pagkakasabi Ko? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap kayo sa isang bagay, hindi niyo alam ang mga layunin ng Diyos. Bakit hindi ninyo alam? Hindi dahil hindi ninyo lang alam sa ngayon. Sa halip, mula sa simula hanggang sa katapusan talagang hindi ninyo alam kung ano ang saloobin ng Diyos sa bagay na ito. Sa mga pagkakataon na hindi mo makita at hindi mo alam kung ano ang saloobin ng Diyos, pinagnilayan mo ba ito? Hinanap mo ba ito? Ipinahayag mo ba ito? Hindi! Kinukumpirma nito ang isang katotohanan: Ang Diyos ng iyong paniniwala at ang tunay na Diyos ay walang kaugnayan. Ikaw, na naniniwala sa Diyos, nakikinig ka lamang sa sarili mong kalooban, nakikinig ka lamang sa kalooban ng iyong mga pinuno, at tanging ang mga mabababaw at doktrinal na kahulugan ng salita ng Diyos ang pinakikinggan mo, ngunit kailanman hindi mo tunay na sinubukang alamin at hanapin ang kalooban ng Diyos. Hindi nga ba ganito? Ang diwa ng bagay na ito ay kakila-kilabot! Sa paglipas ng maraming taon, maraming tao ang nakita Kong naniniwala sa Diyos. Ano ang anyo ng paniniwalang ito? May ilang mga tao ang naniniwala sa Diyos na tila Siya ay walang halaga. Ang mga taong ito ay walang kasagutan sa mga tanong tungkol sa pag-iral ng Diyos dahil hindi nila maramdaman o wala silang kamalayan sa presensiya o pagkawala ng Diyos, mas lalo na ang malinaw na pagkakita o pagkaunawa dito. Hindi namamalayan, iniisip ng mga taong ito na hindi umiiral ang Diyos. Ang ilan naman ay naniniwala sa Diyos na tila Siya ay isang tao. Naniniwala ang mga taong ito na hindi kayang gawin ng Diyos ang lahat ng bagay na hindi nila kayang gawin, at ang pag-iisip ng Diyos ay dapat kagaya ng pag-iisip nila. Ang pakahulugan ng taong ito sa Diyos ay “hindi nakikita at hindi mahipo na tao.” Mayroon ding isang grupo ng mga tao na naniniwala sa Diyos na tila Siya ay isang sunud-sunuran. Naniniwala ang mga taong ito na walang damdamin ang Diyos, na ang Diyos ay isang rebulto. Kapag nahaharap sa isang bagay, ang Diyos ay walang saloobin, walang pananaw, walang mga ideya; Siya ay nasa awa ng tao. Naniniwala lamang ang mga tao sa gusto nilang paniwalaan. Kung Siya ay gagawing dakila, Siya ay dakila; kung Siya ay gagawing maliit, Siya ay maliit. Kapag nagkakasala ang mga tao at kailangan nila ang awa ng Diyos, kailangan nila ang pagpaparaya ng Diyos, kailangan nila ang pag-ibig ng Diyos, dapat iabot ng Diyos ang Kanyang awa. Gumagawa ang mga taong ito ng isang Diyos sa kanilang isipan, at ginagamit nila ang Diyos upang matupad ang kanilang mga pangangailangan at bigyang-kasiyahan ang lahat ng kanilang mga pagnanasa. Hindi mahalaga kung kailan o kung saan, at kahit ano ang ginagawa ng taong ito, yayakapin nila ang kahibangan na ito sa pagturing nila sa Diyos, at sa paniniwala nila sa Diyos. Mayroon pa nga yaong mga naniniwala na maaari silang iligtas ng Diyos pagkatapos nilang napalubha ang disposisyon ng Diyos. Ito ay dahil naniniwala sila na walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, at kahit gaano magkasala ang tao sa Diyos, hindi aalalahanin ng Diyos ang anuman sa mga ito. Dahil ang mga kapintasan ng tao, mga kasalanan ng tao, at mga pagsuway ng tao ay pansamantalang pagpapahayag ng disposisyon ng taong iyon, magbibigay ang Diyos ng mga pagkakataon sa mga tao, at magpaparaya at titiisin Niya sila. Mamahalin pa rin sila ng Diyos tulad ng dati. Kaya ang pag-asa ng kaligtasan nila ay maganda pa rin. Sa katunayan, kahit paano ang paniniwala ng isang tao sa Diyos, basta hindi nila hinahanap ang katotohanan, negatibo pa rin ang saloobin ng Diyos sa kanila. Ito ay dahil habang sumasampalataya ka sa Diyos, marahil ay pinahahalagahan mo ang aklat ng salita ng Diyos, pinag-aaralan mo ito araw-araw, binabasa mo ito araw-araw, ngunit isinasantabi mo ang tunay na Diyos, itinuturing mo Siya bilang walang halaga, itinuturing Siya bilang isang tao, at ang ilan sa inyo ay itinuturing Siya bilang isang sunud-sunuran. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil sa pananaw ko, hindi alintana kung nahaharap kayo sa isang bagay o isang pangyayari, ang mga bagay na umiiral sa inyong isipan, ang mga bagay na nabubuo sa loob—wala sa mga ito ang may anumang kaugnayan sa salita ng Diyos o sa pagsunod sa katotohanan. Ikaw lamang ang nakaaalam sa iniisip mo, kung ano ang sarili mong mga pananaw, at ang sarili mong mga ideya, ipinipilit mo sa Diyos ang sarili mong mga pananaw. Nagiging mga pananaw ng Diyos ang mga ito, na nagsisilbing mga pamantayan na dapat ay matibay na sinusunod. Sa paglipas ng panahon, ang pagpapatuloy nang ganito ang lalong maglalayo sa iyo mula sa Diyos.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman