Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 457

Oktubre 29, 2020

Hinggil sa gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay pumaroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng dako, at gumugol para sa Kanyang kapakanan. Bagama’t ang paniniwalang ito ay tama, masyado itong may pinapanigan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang ang magparoo’t parito para sa Diyos; higit pa ito rito, ang gawaing ito ay may kinalaman sa ministeryo at pagtustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid, kahit pagkaraan nitong lahat ng taon ng karanasan, ang hindi nakaisip na gumawa para sa Diyos, dahil ang gawaing iniisip ng tao ay hindi tumutugma sa hinihiling ng Diyos. Samakatuwid, hindi interesado ang tao sa anupamang patungkol sa gawain, at ito mismo ang dahilan kaya medyo may pinapanigan din ang pagpasok ng tao. Dapat ninyong simulang lahat ang inyong pagpasok sa paggawa para sa Diyos, upang mas mainam ninyong maranasan ang lahat ng aspeto ng karanasan. Ito ang dapat ninyong pasukin. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagparoo’t parito para sa Diyos, kundi sa kung ang buhay ng tao at ang isinasabuhay ng tao ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Ang gawain ay tumutukoy sa paggamit ng tao ng kanilang katapatan sa Diyos at sa kanilang kaalaman sa Diyos upang magpatotoo tungkol sa Diyos, at magministeryo din sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Maaaring sabihin ng isang tao na ang pagpasok ninyo ang inyong gawain, at na naghahangad kayong pumasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na marunong kayong kumain at uminom ng Kanyang salita; ang mas mahalaga, kailangan ninyong malaman kung paano magpatotoo tungkol sa Diyos at makapaglingkod sa Diyos at makapagministeryo at makapaglaan sa tao. Ito ang gawain, at ito rin ang inyong pagpasok; ito ang dapat isakatuparan ng bawat tao. Marami ang nakatuon lamang sa pagparoo’t parito para sa Diyos at pangangaral sa lahat ng dako, subalit hindi pinapansin ang kanilang personal na karanasan at kinaliligtaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang dahilan kaya yaong mga naglilingkod sa Diyos ay naging yaong mga lumalaban sa Diyos. Ang mga taong ito, na naglilingkod na sa Diyos at nagmiministeryo sa tao sa loob ng napakaraming taon, ay itinuring na lamang na pagpasok ang paggawa at pangangaral, at walang sinumang nagturing sa kanilang indibiduwal na espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, itinuring na nila ang kaliwanagang natatamo nila mula sa gawain ng Banal na Espiritu bilang puhunan para magturo sa iba. Kapag nangangaral, lubha silang nabibigatan at tinatanggap nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito ay inilalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Sa sandaling ito, yaong mga gumagawa ay kampante na, na para bang naging indibiduwal na espirituwal na karanasan na nila ang gawain ng Banal na Espiritu; pakiramdam nila ay nabibilang sa kanilang indibiduwal na pagkatao ang lahat ng salitang kanilang sinasambit, ngunit para bang ang sarili nilang karanasan ay hindi kasinglinaw ng kanilang nailarawan. Bukod dito, bago magsalita ay wala silang malay kung ano ang kanilang sasabihin, ngunit kapag gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, tuluy-tuloy na dumadaloy palabas ang kanilang mga salita. Matapos kang makapangaral nang minsan sa gayong paraan, pakiramdam mo ay hindi kasingliit ng iyong akala ang iyong aktwal na katayuan, at tulad sa isang sitwasyon kung saan ilang beses nang gumawa sa iyo ang Banal na Espiritu, saka mo nalalaman na mayroon ka nang tayog at nagkakamali kang maniwala na ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at iyong sariling pagkatao. Kapag palagi mo itong nararanasan, magiging pabaya ka tungkol sa iyong sariling pagpasok, magiging tamad nang hindi mo napapansin, at hindi mo na pahahalagahan kahit kaunti ang iyong sariling pagpasok. Dahil dito, kapag nagmiministeryo ka sa iba, kailangan mong malinaw na makatukoy sa pagitan ng iyong tayog at ng gawain ng Banal na Espiritu. Mas mapapadali nito ang iyong pagpasok at maghahatid ng higit na pakinabang sa iyong karanasan. Kapag itinuring ng tao na indibiduwal nilang karanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, pinagmumulan ito ng kabuktutan. Kaya nga sinasabi Ko, anumang tungkulin ang inyong ginagampanan, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang mahalagang aral.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger